SR#2:Karma Hits Back Harder

59 31 93
                                    

Dedicated to: iamclarissekate
~*~*~

"HAHAHAHAHAHAHHAHA!"

"Yan ang bagay sa'yo!!"

"Duwag!"

Saka ko siya sinipa sa t'yan kaya natumba siya at umiyak..

"Susumbong kita sa Mommy ko!" Napahalakhak ako sa sinabi niya kaya tumawa rin ang mga nakikinood..

"Edi magsumbong ka! Parehas lang kayong loser!" Saka ko siya tinulak dahilan para masubsob siya sa putikan na nakapagpalakas lalo sa tawanan ng paligid..

"Hoy!" Nanlaki ang mata ko nang makarinig ng boses mula sa likuran kaya walang lingon-lingon ay mabilis akong tumakbo habang tumatawa..

"Mrs.Perez, pasensya na pero sumosobra na ang anak nyo! Lagi nalang umuuwing may pasa at galos ang anak ko!hindi na ho normal ang ginagawa ng batang 'yan!" Napangiwi ako sa sinabi ng mama ni Leah..pero hindi ako naapektuhan..natawa pa ako nang makitang maga ang mata niya..

Napakamot sa ulo si mama at kinurot ako sa tagiliran kaya napakislot ako!

"Pasensya na ho Mrs.Santos hayaa't nyo pagsasabihan ko ang anak ko.."
Napairap ako sa kawalan.. bakit ba siya humihingi ng tawad sa taong walang pinag-aralan?

"Pasensya na ho kung sasabihin ko'to pero sana madisiplina nyo ang batang iyan...hindi ko alam kung bakit niya pinagdidiskitahan ang anak ko..araw-araw nalang umiiyak ang anak ko pagkagaling sa eskwela.."

Ang totoo ay nasasayahan talaga akong makitang umiiyak si Leah.. masyado kasi siyang mahina kaya ang dali niyang paiyakin..

"Pasensya na ho talaga misis.." kung ano-ano ang pinag-usapan nila pero 'di na 'ko nakinig..tinitigan ko nalang si Leah na iniiwas ang tingin..

"Jusko kang bata ka! Di--"

Hindi ko na pinatapos si mama sa pagsasalita dahil naririndi ako.

"Oo na! Oo na!" At nagtipauna ako sa paglalakad at hindi pinansin ang pagtawag niya..

Hanggang sa pag-uwi ay hindi tumigil katatalak si mama kaya padabog akong pumasok sa kwarto.

"Sinasabi ko sa'yo! Hindi magiging maganda ang balik niyang ginagawa mo sa'yo!" Naghanda na'ko ng sarili at ipinagwawalang-bahala ang sinasabi niya..

Napakapa ako sa bulsa ko nang mag-vibrate ito at napangiti nang makita ang isang Msg.

:Hey,are you free tonight? 9:30pm sharp.

Napatingin ako sa oras at 8:00 pm palang,may isang oras kalahati pa'ko para maghanda..

Maya-maya pa...

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi lumikha ng ingay.. maagang natutulog sila mama kaya naman kinuha ko ang pagkakataong iyon para makatakas.. nang matiyak na hindi sila magigising ay agad akong lumabas ng bahay at umalis..

"Oh late ka ata?" Natatawang sabi ng boyfriend ko pagkarating ko sa party..

"Oo eh..alam mo na baka magising ang matanda" saka ako tumawa.

Maya-maya pa ay mas dumami ang dumating na bisita kaya mas naging masaya ang party,marami narin ang nainom ko pero tuloy parin kami sa pagsayaw..

Ngunit sa hindi sinasadya ay nahagilap ng mata ko si Leah na tahimik lang na nakaupo..

Hmmm..

Pagewang-gewang habang hawak ang isang wine glass ay lumapit ako sakanya at ngitian siya..ramdam ko na ang epekto ng alak na nakapagpainit sa'kin lalo..

Silent Reality Where stories live. Discover now