Chapter 3

482 15 0
                                    

Unedited
-----------------------------------

He just watched as Chelle as she walks away from them in that grocery store, he looks calm in the outside, but his inside was in turmoil because of that woman who is now busy shopping for her personal things. While his friend and his twin brother are busy planning kung pano nila kikidnapin ang babae na parang hindi isang krimen ang ipang uusapan ng mga ito, tuloy ay pinag titinginan sila ng mga taong malapit sa kanila. Parang gusto tuloy niyang mag sisi na sinama niya ang dalawang ito.
 
So totoo nga ang narinig niyang usapan kanina sa bahay nila. Umuwi siya kanina at narinig niyang pinag uusapan ng ilang kasambahay ang pag dating doon ni Chelle upang ibalita sa ina nito na ikakasal na ito sa 3 years nitong kasintahan, na 3 years narin niyang pinag paplanuhang patayin. Kaya agad niyang hinanap ang nanay nito at tinanong kung saan pupunta si Chelle na hindi naman nito ipinag damot, hindi naging mahirap sa kanyang puntahan ito sa paborito nitong grocery store dahil madalas niyang i-stalk ang dalaga. Tinawagan niya ang dalawang ugok na kasama para may aawat sa kanya sakaling mabaliw na talaga siya pag naconfirm niya ang balita. Ngayon nga ay parang may bumabarena sa puso niya at gusto niyang mag sisisigaw sa matinding galit at inggit na nararamdaman, siya dapat ang lalaking pakakasalan nito eh, hindi ang Alex na yon.
 
Sa sobrang frustration ay inaya niya ang dalawa sa paborito nilang bar para mag pakalunod sa alak, pero siya lang ang nag papatay ng atay dahil pinanonood lang siya ng dalawa niyang kasama habang pinag tatawanan ang pagiging broken hearted niya. Eh kung basagin kaya niya ang bungo ng dalawang ito para pareparehas na silang broken. Ipinag patuloy nalang niya ang pag inom at hindi pinansin ang dalawa, hindi naman siya talagang nag wawalwal ngayon, dahan dahan lang ang inom niya dahil kailangan pa niyang mag isip ng paraan kung papano mababago ang isip ng dalaga tungkol sa pag papakasal sa mukhang bisugo nitong kasintahan.
 
“Ano tol, kaya pa? sabi sayo kidnapin mo nalang eh” pag kausap sa kanya ni Puma, pangiti ngiti si gago, hindi nalang niya ito pinansin, wala siya sa mood makipag usap, isang tao lang ang gusto niyang kausapin ngayon kaso sigurado siyang ayaw siyang kausapin ng tao na iyon. Sa totoo lang ay na tetemp na siyang gawin kung ano ang sina-suggest ng mga kaibigan sa kanya. Kung pwede lang sana niyang gawin iyon ay matagal na niyang ginawa, kayang kaya naman niyang lusutan yon kung sakaling pumalpak ang plano. Ang problema ay si Chelle mismo, lalo lamang itong magagalit sa kanya kapag ginawa niya ang suggestion ng mga baliw na kaibigan, at yon ang pinaka ayaw niyang mangyare, ang madagdagan ang galit nito sa kanya.
 
Matagal na niyang mahal ang babaeng iyon, pero sa kasawiang palad ay hindi na ito naniniwala sa kanya, ilang ulit na siyang lumuhod at nag makaawa dito pero ang iniisip nito ay umaarte lang siya, habang ipinipilit niya ang sarili dito ay lalo naman itong tumitigas.  Mga bata palang sila ng magsimula siyang makaramdam ng kakaiba para dito, pero dahil narin sa kabataan niya noon at kagaguhan ay nagalit ito sa kanya hanggang sa puntong isinumpa siya nito. Ngayon nga ay talagang iniiwasan siya nito sa abot ng makakaya nito, ginawa naman niya ang lahat ng alam niyang paraan para lang mapatawad siya ng babae pero napaka lalim talaga ng galit nito sa kanya. Hindi na ito naniniwala sa kahit na anong sabihin niya dito, nakatanim na sa sa puso’t isip nito na isa siyang malaking sinungaling at walang kakayahang mag sabi ng totoo, kaya lahat ng effort niya ay kasinungalingan para dito.  
 
Masakit para sa kanya na ganun ang tingin ng babae sa kanya pero wala naman siyang magawa, kasalanan niya, nag paka gago kasi siya. Nagtagumpay naman siyang linisin ang katarantaduhang ginawa niya dati dahilan kung bakit galit ngayon ang dalaga sa kanya, katarantaduhang kahit ang kakambal at matalik niyang kaibigan ay hindi alam. Lumuhod siya sa papa niya noon para lang tulungan siya nito, pinilit din niya ang papa niya na ilihim ang bagay na iyon sa lahat alang alang kay Chelle, sa ganun manlang ay makabawi siya sa ginawa niya sa babae, hindi naman siya nahirapang kombinsihin ito dahil parang anak narin ang turing ng ama niya kay Chelle. Nagtagumpay man siyang linisin ang kalat na ginawa niya noon ay bigo naman siyang makuha ulit ang tiwala ng babae.  
 
Sinubukan niyang suyoin ang babae pero walang nangyari, kaya nag decide siya noon na kalimutan ito bagay na hindi niya napag tagumpayan, obvious naman dahil panay ang stalk niya sa babae. Sa pag lipas ng panahon ay umasa siyang makakalimutan nito ang nangyare at matututunan siyang patawarin pero umasa lang siya sa wala. Napaka taas ng pader na nilagay nito sa pagitan nilang dalawa at ni minsan simula ng magalit ito sa kanya ay hindi pa niya nagagawang akyatin o tibagin ang pader na iyon.
 
Kung gaano ka determinado ang ibang babae na kunin ang kanyang pansin at patibukin ang kanyang puso, ganun na ganun din ang determinasyon ni Chelle na iwasan at layuan siya. Gagawin talaga nito ang lahat makalayo lang sa kanya. Ngayon nga ay mag papakasal pa ito sa kasintahan nitong mukhang bisugo, ewan ba niya sa babaeng iyon bat gwapong gwapo doon sa Alex eh, di hamak namang mas gwapo siya, mas matangkad at mas macho. Akala siguro ng babaeng yon ay matutuloy ang kasal nito kay Alex, pwes nag kakamali ito. Gago naman na siya sa paningin nito kaya paninindigan na niya kung kinakailangang tutulan ang kasal sa mismong araw ay gagawin niya wag lang itong makasal sa iba.
 
Nakakapagod din mag isip ng paraan kung pano niya masisilo ang babaeng iyon, sa ibang babae naman ay ang lakas ng dating niya, wala pa siyang ginagawa ay kinikilig na ang mga babae, pag initigan niya nanlalambot na ang tuhod isang kindat lang niya laglag na ang panty, samantalang ang babaeng iyon, kahit siguro mag lupasay at makombulsyon pa siya ay hindi manlang siya tatapunan ng kahit isang tingin.
 
Ipinag patuloy niya ang pag inom. Minsan naisip niya sana siya nalang si Puma, kahit gago ang isang iyon ay wala itong problema sa pag-ibig. Samantalang sila ng kambal niya ay sinalo na ata lahat ng kamalasan pag dating sa  bagay na yon, kambal nga sila.
 
Hindi naman siya mag mamalinis, matagal na niyang hinahabol si Chelle at hindi maiiwasan na panghinaan siya ng loob, ikaw na ang paulit ulit sabihan hindi ka mahal at walang pakialam sayo kahit mamatay kapa hindi kaba panghihinaan ng loob? Napaka prangka pa naman ng babaeng iyon at talaga hindi nag pi-filter ng sasabihin. Lalaki lang siya, sa tuwing makakaramdam siya ng panghihina ng loob at kawalan ng pag asa ay ibinabaling niya sa ibang babae ang kanyang frustration. Hindi naman siya hirap mag hanap ng babae dahil ang daming babae diyan na willing pa mag bayad makasama lang siya kahit isang gabi sa kama. Mga babaeng wild at hindi nag hahanap ng commitment lang naman ang pinapatos niya, pero minsan ay may pailan ilang napapasingit na nag hahanap ng label, pag may nangyari na sa kanila ay mag dedemand na ng label, puta, eh nililinaw naman niyang sex lang ang kaya niyang ibigay tapos iiyakan siya dahil manloloko daw siya, kaya siya nabansagang player at womanizer. May womanizer bang halos isang dekada ng broken hearted? The world is really full of jokes.
 
He is pathetic alam niya iyon, pero siya, ang kambal at ang besfriend lang niya ang nakakaalam ng bagay na iyon. Dahil sa Image niya sa publiko ay walang nakakapansin na siya si Alexous Dane Silva ay matagal ng naghahabol sa babaeng walang pakialam sa kanya. Na isa siyang pulubi sa pag mamahal ni Chelle,
 
Nang hindi na niya nakayanan ang samo’t saring imosyos na nararamdaman dahil sa nalamang kasalan ay bigla siyang tumayo at nag lakad palabas ng bar, mabilis namang nakasunod ang dalawa niyang kasama. Dumeretso siya sa sasakyan niya at nag maneho papunta sa condo ni Chelle. Hindi pa naman siya ganun ka lasing kaya hinayaan siyang mag drine ng kakambal. Alam niyang gabi na at malamang ay nag papahinga na ang babae pero mababaliw na talaga siya pag hindi niya ito nakausap para pigilan sa kabaliwan nitong kasal.  Bumaba agad siya pagkarating sa building kung saan ang condo ni Chelle medyo nagulat pa siya ng makita niya itong nag lalakad sa di kalayuan, mag isa lang ito at may dala dalang checheria. Agad niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit, naramdama niya ang paninigas ng katawan nito marahil ay dahil sa gulat kaya lalo niyang hinigpitan ang pag yakap dito, nimanman niya ang sarap sa pakiramdam ng mayakap ito ng ganito, matagal na niyang pinapangarap na mayakap ito ng mahigpit katulad ng ngayon, pero basag trip talaga ang dalaga dahil nag simula itong magpumiglas,
 
“Dane lintik ka talagang lalaki ka bitawan mo ako ngayon din kung hindi babalian talaga kita ng buto” pananakot nito sa kanya, hindi naman siya natinag sa dami na ng death threats na binato ng babaeng ito  sa kanya ay manhid na siya.
 
“Pano mo naman ako babalian eh ang liit liit mo?” sabi niya dito para lang inisin ito, lalo itong gumaganda kapag nag uusok na ang ilong sa galit.
 
“Hindi ako maliit sadyang kapre ka lang, hindi pa ba tapos ang pang i-stalk mo sakin ngayong araw? Bitawan mo na nga ako maya maya ay darating na si Alex. Makayakap ka ikaw ba ang fiancé ko?”
 
Huminga lang siya ng malalim, talas talaga ng dila ng babaeng ito eh sarap patahimikin ng halik, try kaya niya. Kanina pakiramdam niya ay pinag sakluban siya ng langit at lupa dahil sa babaeng ito, pero ngayon ay punong puno ng kasiyahan ang puso niya dahil yakap niya ito. Nakakatakot ang kakayahan nitong buhayin ang lahat ng imosyon niya katawan.
 
“kung hinihiwalayan mo na ang bisugong Alex na yon at sinagot mo ako eh di sana ako ang fiancé mo, di ka naman lugi sakin ahh, ang gwapo ko kaya” sabi lang niya dito
 
Ng tila mapagod ang babae ay tumigil nadin ito sa pag piglas, dahilan para mapangiti siya, Mabuti naman at tumigil na ito. Maliit ang babae para sa height niyang 6’2 kaya hirap siya sa pwesto nilang dalawa pero wala naman siyang paki kahit na makuba pa siya kakayakap sa babae ay okay lang.  Ibinaon niya ang mukha sa leeg nito, ang bango talaga ng Chelle niya nakakaadik ang amoy nito, hindi niya napigilang halikan ito sa leeg dahilan para mag pumiglas ulit ito, pero mas idinikit lang niya ito sa kanya. Bilang tugon ay pinag hahampas naman nito ang kamay niya, hindi naman iyon malakas dahil hirap itong kumilos sa higpit ng yakap niya dito.
 
“Dane tigilan mo yang ginagawa mo babalatan na talaga kita ng buhay damuho ka” pagbabanta ulit sa kanya ng babae.
 
“Pano kung ayaw ko?” pag hahamon niya dito, huminga naman ito ng malalim bago muling nag salita.
 
“Ano nanaman ba ang kailangan mong bwisit ka? Sabihin mo na ng makaalis kana hindi ako natutuwa sa payakap yakap mo, pasalamat ka hindi ako makagalaw dito kung hindi kanina pa kita nalumpo”
 
“ikaw, ikaw ang kailangan ko, sabi niya sa may tenga nito, naramdaman niya ang muling paninigas ng katawan nito, napangiti naman siya dahil doon, so may epekto pa pala siya sa babae kahit papano, kaya ipinag patuloy niya ang pag sasalita sa bandang tainga nito.
 
“Hindi ka pwedeng mag pakasal sa iba Chelle, sakin ka lang dapat ikakasal, ako lang ang pwede mong maging asawa wala ng iba” marahan niyang hinawi ang bukok nito pa kanan nanatiling nakatayo naman ang babae, tila naistatwa ito kaya mas sinamantala niya ang pag kakataon dahil ngayon lang ito nangyare, mas inilapit niya ang bibig sa tenga nito bago marahang bumulong “akin ka lang Chelle, akin ka lang” sabi niya dito bago marahang pinaglandas ang kanyang dila sa makinis nitong leeg. He was enjoying her luscious neck when he felt someone pushed him, dahilan para mabitawan niya ang dalaga, hindi pa siya nakakabawi sa pagkagulat ng maramdaman niya ang pag dapo ng kamao sa kanyang mukha dahilan para mapaupo siya.
 
Nakita niya ang galit na galit na si Alex, mabilis siya nitong nilapitan para suntukin ulit pero sinipa niya ito, hindi siya makakapayag na madalawahan pa siya nito, ngayon lang siya nakasalisi ng tyansing kay Chelle tapos iistorbohin ng bisugo na ito ang moment niya, hindi pa siya tapos sa ginagawa gusto pa niyang lantakan ang leeg ng babae.  Dahil sa isiping iyon ay mabilis siyang tumayo at sinugod ang bisugo, mabilis niya itong sinuntok at sinipa, sisiguraduhin niyang pag babayaran nito pag sira sa moment niya. Di hamak na mas malaki siya sa lalaki, maliban pa don ay marunong siya ng lahat ng klase ng martial arts kaya naman walang naging panama sa kanya si bisugo, nag i-enjoy palang siya ng may biglang pumigil sa kanya.
 
“Bal alam kong badtrip ka diyan pero kung ayaw mong lalong ma bad shot sa Chelle mo ay mag hunusdili ka” tila naman siya nahimasmasan sa sinabi ng kapatid, binitawan lang siya nito ng maramdamang kalmado na siya.
 
Nakita naman niya si Chelle na dinadaluhan ang kasintahan nito, alalang ala sa bisugo eh, maya maya ay tumayo ito upang lumapit sa kanya bago siya binigyan ng malakas na sampal.
 
Sa sobrang lakas parang natanggal na ang ulo niya. Ng muli niya itong balingan ay busy na ulit ito sa lalaking lampa. Nag pupuyos siya sa galit ng mag salita.
 
“tandaan mo ang mga sinabi ko sayo Chelle” yon lang at tinalikuran na niya ito. Masakit sa mata at sa puso na makita itong nag aalala sa bisugo, ihawin kaya niya ang bisugong iyon. Langhiya talaga napurnada na ang once in a lifetime chane niyang maka tyansing ng husto sa babae ay nasampal pa siya. Nasaan ang hustisya.

(Silva Series Book 2) Alexous Dane Silva (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora