CHAPTER TWO

8 0 1
                                    

ONE week has passed, nagpatuloy ang set-up namin ni Kean. Kaming dalawa lang ni Kean ang sabay kumain, hindi na nagpakita saamin si Jelay, sabi naman ni Kean busy raw kasi. Magbubukas kasi ng kanyang art gallery kaya hindi na siya napunta rito. Busy rin si Kean, writer kasi siya, magpapasa siya ng story sa publishing house para maging libro, pinopolish niya kung may grammatical error o may kulang pa o mali sa ginawa niya.

Kakain lang si Kean sa apartment ko, tapos babalik na siya sa sariling apartment. Magkukulong na siya roon. Nadagdagan lang ang oras niya sa apartment kung toka niya sa pagdadayag, pagkatapos noon aalis na siya. Nagkaroon kasi kami ng condition na salitan kami sa paghuhugas ng pinggan at pagdadala ng ulam at kanin.

Tulad ngayon, katatapos niya lang sa paghuhugas ng pinggan, sakto na kalalabas ko lang ng kwarto.

"Uy Dave alis na ako, you know editing, etc...,"

Sinagot ko lang ng oo at tango ang sabi niya, palakad na sana siya ng bigla ulit siya humarap.

"I almost forgot, hindi nga pala ako sasabay bukas may pupuntahan ako,"

"Sige okay lang,"

Nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad papunta sa pinto, habang nakatalikod siya napagmamasdan ko ang kabuuan niya. May nakita akong ilang hibla ng buhok na nalaglag hanggang balikat niya. Nabago na rin ang weird niyang pananamit. Naalala ko ang araw na nabanggit niya ang totoo niyang pangalan.

FLASHBACK

Natawa na lang ako sakanyang sinabi. Nakaupo lang siya habang ako naman ako ay naupo rin sa one seater sofa at nakatingin sa selpon ko. Ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nang basagin ni Kean ito.

"Ano ba naman yan, imbis na ako lang yung mababaliw magiging dalawa pa ata tayo. Kung may itatanong ka itanong muna kesa naman kausapin mo yang utak mo eh hindi ka naman niyan masasagot,"

"Well since dito na ako kakain, I want to personally introduce my name."

"I'm Louisa Keanne M. Reyes, If you read some books my pen name is L.K Reyes. Mayroon ding story ko na naging movie na, dalawa ata, di ko na alam, basta writer ako. Medyo nag-stop ako magsulat nitong nakaraang buwan pero may pinagaaralan na akong bagong story. I know your confused sa looks ko, wag kang tatanggi na naweweirduhan ka na saakin, halata ka. Gaya nga ng sabi ni Jelay, wala akong nakikitang tao, kaya medyo tinatago ko pa katawan ko at also di kasi ako medyo naexpose sa araw nitong nakaraan kaya inaadjust ko pa. I think sa susunod na araw hindi mo na ako makikitang weird ang looks ko."

Curiosity hit me again. Ang daming tanong?

The name na inaddress niya. Kean is SHE. Sumagi na rin sa isip ko na babae siya, kahit hindi ko nakikita ang buong mukha niya at wala pa akong skin na nakikita sa braso at paa niya. But also sumagi rin sa isip ko na lalaki siya. If you are aware sa mga Korean, may sister love them at may ilang picture akong nakikita na may ilang lalaki na sobrang puti at payat na pagkakamalan mo na silang babae kung di lang manly ang boses nila o kilos nila. Paos rin kasi ang boses ni Kean kaya hindi madistinguish. Palaisipan rin saakin ang hindi niya masyadong exposure sa araw.

"I'm sorry, naisip ko talaga na ang weird mo. I'm totally confused and also curious about you. Since you have your reason of being weird, medyo nabawasan yung weirdness mo sa paningin ko. By the way, I'm Dave Orosco, nurse ako sa PGH ten hours ang shift ko doon kaya lagi akong tulog. I'm sorry about doon sa biglang pag-rent ko dito, I really don't know kung sino ang may-ari, I only assume the old woman yung may-ari since siya yung nakausap ko at sakanya ko binigay yung deposit. I'm really sorry about that."

"O come on, don't be sorry. Ako nga dapat magsorry, nasigawan kita noong unang kita natin at worse doon napagbintangan pa kitang magnanakaw, I really thought na baka naoffend ka, at umalis ka na kinabukasan, but thanks goodness you didn't. Sorry nga pala hindi agad tayo nakapag-usap ulit the next day, may inayos lang ako. Okay na rin na tumira ka sa apartment ko para naman may bagong mukha, medyo umay na ako sa ibang tenant at ilang months na ring vacant ito."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Girl In Loose ShirtWhere stories live. Discover now