Getting Back

130 10 2
                                    


Allison Mae's POV

Dahan-dahan kung binuksan ang pinto. Kumabog ang puso ko sa antisipasyon.  Gustong-gusto ko na siyang makita. Gustong-gusto na siyang mayakap.

Lumikha ng ingay ang pagbukas ko ng pintuan. Pero walang nakapansin na pumasok ako. Nagulat na lang ako dahil nandito ang mga barkada ni Reid. Pati si Louie at Hera. Busy silang nag-uusap.

"Akala ko talaga si Reid ang nacomatose. Naloko tayo ng doctor ah. Yung bata naman pala, tss", sabi ni Stanley na kumakain ng apple.

Pinakinggan ko muna ang pinag-usapan nila.

"Tanga! Hindi ka kasi nakikinig ei. Alam mo namang kaya kila Tita Elizabeth sinabi yun kasi walang mga magulang yung bata", naiiling na sabi ni Alden.

"You know Tita Elizabeth. Hindi niya hahayaang mapano yung bata kahit wala namang kasalanan si Reid. Alam mong magaan ang pakiramdam niya sa mga batang lalaki. Paniguradong naaawa yun",  ani Adam at nakapandekuwatro na nakaupo.

Bumuntong-hininga. Siguradong kaya nasabi ni Adam na magaan ang loob ni Tita Elizabeth sa mga batang lalaki, ay dahil nawalay sa kanila si Reid dati.

"Yeah. Pero paano na'to? Ang alam ni Allison comatose si boss Reid", singit ni Eight.

"Ayos nga yun ei. Malay mo matauhan si Allison", nakangising sabi ni Milo.

Napasinghap ako sa sinabi niya.

"Milo----"

"Tama naman ako diba? Dont get me wrong huh, hindi ako galit kay Allison. Its just that,  why dont we used what she knew para bumalik siya kay boss Reid?  Bakit hindi natin palabasin na patay na si Boss para agad siyang pumunta dito? Hindi ba kayo naaawa sa kanya?", pagtutukoy niya kay Reid, "Tingnan ninyo, nabawasan ang kapogian ng idol ko", nagpeke pa ng iyak si Milo at lumapit sa kama kung nasaan si Reid.

Napatingin ako doon. May nagbara sa lalamunan ko. Pinihit ko ang sarili ko. Pero mas lalo lang  sumasakit ang lalamunan ko kaya tumingala ako at mariing kinagat ang labi.

Tulog pa siya at hindi pa nagigising sa ingay ng mga kaibigan niya.

"I think,  its not a good idea. Buntis si Allison diba? Gago ka ba Milo?"

Napatingin ako kay Louie na seryosong nagsalita.

"Huwag na huwag ninyong gagawin yan.  Baka mapano pa ang bestfriend ko. Tama na ang paghihirap niya", bumuntong hininga si Hera.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Kahit pala mga kaibigan kami kayang gumawa ng paraan, magkabalikan lang talaga kami ni Reid.

"B-bakit naririnig ko ang pangalan niya?"

Kumalabog ang puso ko. Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong siya ang nagsalita.

"Nasaan..siya", tanong niya sa paos at mahinang boses.

My gaze shifted to the owner of that voice
that....I misses so much. Gising na siya. Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya.

"Wala pa. Hindi ka na ata mahal nun boss--"

"Gago", binatukan ni Adam si Milo kaya hindi niya natapos ang sinabi niya.

"Aray naman. Joke lang ei"

Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Reid at tumitig sa kanya. Ang pinakagwapong lalaki sa buhay ko. Gustong gusto ko na siyang yakapin pero hindi ko alam kung paano. What would be his reaction? Itataboy niya ba ako? Baka kasi sa lahat ng ginawa niya sakin...nagsawa na pala siya?  Baka sawa na siyang masaktan.

"Dude, pasensya na ah. Alam mo naman itong si Milo. May sira ang utak", ani Adam at lumapit kay Reid, "Kumusta pakiramdam mo?"

Hindi nagsalita si Reid. Lumunok ako. May masakit ba sa kanya?

When The Bad Boy Fall In Love | ViceJack (Slow Update)Where stories live. Discover now