Pizza Delivery

33 2 0
                                    


"Pa gusto ko po ng pizza"





"Katatapos lang natin kumain ah"





"Pero pa ....."





Pagmamakaawa ng dose anyos kong anak na si Welton.






"Sige na poooo.."



"Pahinga ka na muna sa itaas ,bukas bibilhan kita "





"Pero pa gusto ko ngayon na"





"Paaaaaaaaa...."





"Welton" Ma autoridad kong sambit kaya agad namang umakyat si Welton ng padabog




"Kay mama nalang ako hihingi!"




"Wag mo nga ako sigawan Tonton!"






"Tonton! Ano ba!"





Hay nakong bata 'yon na spoiled kasi ng mama niya kaya nag ka kaganyan .Minsan hindi ko na alam ang gagawin dahil hindi na talaga sumusunod ito sakin.





Babad din ito sa screen at video games.





Pagkatapos kong maghugas ng pinggan in-off ko na ang tv at umakyat. Nadatnan ko naman si Welton na gising pa ,hay nakong bata to talaga.





"Tonton, diba sabi ko matulog kana ? "





"Ayaw"




"Tonton"





"Ayaw sabi "






"Mag a alas dyes na ,late ka na namang matutulog? Gabi gabi mo nalang pinapasakit ang ulo ko"





Tahimik lamang ito habang pinipindot ang screen ng cellphone kaya agad ko itong dinampot at itinapon iyon sa kama.






Nang biglang......






Dingdong••••

Dingdong••

Dingdong •••





"Teka sino yon? Gabi na ah"





Tinignan ko muli si Tonton ngunit tahimik lamang ito't nakanguso.




Binabaan ko muna ang nag doorbell at iniwan ang nagmamatigas na si Tonton.





"Pizza Delivery "





"Pizza ho? Eh hindi naman ako nag order ng pizza ah"





"Talaga po sir ? Dito po kasi naka address ang location "





Hindi kaya si tonton ang....... Hmm batang yon , Pero ...






"Tonton!"





Narinig ko naman agad ang mga yapak nito na pababa na.





"Ikaw ba nag order nito?"





"Hindi po"





"Nagsisinungaling kaba?"





"Hindi naman pa "





"Ay nako sir impossible po 'yon kasi babae daw po ang umorder " singit ng delivery boy





"Babae?" Pagtataka ko





"Mrs. Jane Ramirez ang pangalan ,heto po oh"





Ibinigay naman sakin ng delivery boy ang resibo at don ako kinabahan.






"Jane Ramirez? Asawa ko siya"






"Ahhh, 'yon naman pala sir eh .Paki claim nalang po nito "





"P.. pe ..pero wala na ang asawa ko "






"Sir?"




Tinignan ko si Tonton ng matalim at muling hinarap ang delivery boy.






"Patay na ang asawa ko, 3 years ago na"



One shot short storiesWhere stories live. Discover now