WILDEST 1

3 1 0
                                    

Madiin ang paraan ng paghuhugas ko nang pinggan at dinagdagan pa ang sabon para mas lalong bumula iyon. Sobrang pangit ng araw na ito para sa akin, panibagong araw na nalamangan ako ni Dazai.

Hanggang kailan ko ba kailangan na lagpasan ang lalaking 'yon? Pag natalo ko talaga siya, ipapamukha kong hindi lang siya ang matalino sa mundo, mayroong mas nakakaangat padin sa kanya. Masyado na siyang mayabang e.

Kinuha ko ang isang plato at 'yon naman ang sinabunan. Napalingon ako sa may gilid at nakita siyang kasama ang ibang mga bata sa may mesa, nakikipaglaro.

Inirapan ko siya ng mapalingon sa direksyon ko. Pati mga bata nasa kanya lahat ng atensyon, lagi nalang nasa kanya! Bakit ba kasi dito pa nila napiling maglaro? Pwede namang sa may sala o sa kwarto na.

Wala tuloy ako katulong sa paghuhugas. Napabuntong hininga ako ng makitang madami pa akong kailangan hugasan, sa dami ba naman namin dito. Na speechless nalang ako.

Lumingon ako sa may wall clock, 8:43 pm na malapit ng mag 9 pm. Hindi pa naman ako nakakapag review para sa unit test sa english at science, ang dami ko pang hugasin!

"Dazai, Pakihatid naman ang mga Bata sa kwarto nila. Malapit ng mag alas nuebe, may pasok pa bukas." Rinig kong utos sa kanya ni mother Elsa. Binilisan ko ang pagkuskus para makapag review na ako.

"Zanne, Tulungan na kita." Bigla kong binagalan ang ginagawa.

"Hindi na po, kaya ko na po ito mother. Patapos narin po ako." Ngumiti ako para mas mukhang kapani-paniwala ang sinabi ko.

"Sige, bilisan mo nadin d'yan para makatulog kana." Tumango lang ako. Nang makitang tinalikuran niya na ako binilisan ko ang paghuhugas.

Bahagya akong nagulat ng may yumakap bigla sa bewang ko. "Good night ate Zanne," Napangiti ako ng makita si Robin.

"Good night din, matulog kana may pasok pa bukas."

"Tulungan nalang muna kita d'yan ate." Umiling-iling ako.

"H'wag na, baka pagalitan pa tayo ni mother Pai dahil binasag mo lahat ng pinggan." Natawa ako ng makitang nakasimangot niya akong tinalikuran.

Anim na taong gulang palang si Robin pero hindi mo iyon mapapansin dahil masyado siyang matangkad para sa edad niya. Makulit itong bata at napakamasayahin.

Naging tahimik ang buong kusina ng mawala na sila. Kanina lang ang ingay-ingay nila at meron pang nagtatakbuhan, ngayon wala na sila. Isa-isa ko ng binanlawan ang mga hugasin, hindi ko alam kung mabagal ba ako sa ginagawa o sadyang marami lang talaga ang kailangan hugasan.

Nagulat ako ng may isang kamay ang umagaw sa hawak kong plato. Nanlaki ang mata ko ng makita sumulpot ng biglaan si Dazai sa tabi ko.

"Ang bagal mong kumilos," Ha! Ako pa ang mabagal ngayon!

"E, sana ikaw nalang ang naghugas!"

"Sino ba ang nag volunteer?" Sasagot pa sana ako pero pinili kong manahimik nalang, palagi mong tandaan Suzanne, wala kang mapapala sa pakikipagtalo sa mayang na iyan!

Hinugasan kong mabuti ang mga pinggan at pinasa iyon sa kanya na pinupunasan niya naman para madaling matuyo at malagay sa cabinet. Paulit-ulit namin iyon ginawa hanggang isang plato nalang ang natira.

Sinara ko ang gripo at inabot sa kanya ang plato, nahinto ako ng mahawakan niya ang kamay ko. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya at ganoon din siya.

Nang magsalubong ang paningin namin, parehas kaming bumitaw. Nagulat nalang kami ng mabasag ang plato, sabay kaming napalingon sa pinto ng kusina. Ilan sigundo ata kaming nakatingin doon hanggang walang dumating na mother Pai na galit na galit.

WILDEST DREAM Where stories live. Discover now