Gusto kitang pag-alayan
ng mga paborito kong kanta,
ng mga tula at prosa na aking ginawa,
ng mga kwentong akin nang nabasa,
ng mga pangyayaring akin nang nasaksihan,
ng mga karanasang akin nang dinanas,
ng mga birong aking kinalulugdan,
ng mga sandaling hindi ko nalimutan,
ng mga sulat na iniyakan ng aking pluma,
ng mga salitang kay tagal na ikinubli,
at ng mga gabing dala-dala ka sa aking panaginip— 19 Agusto 2020, 12:18 am
![](https://img.wattpad.com/cover/238138154-288-k877043.jpg)
YOU ARE READING
Mga Kumpisal
PoetryGusto kong mangumpisal, hindi tungkol sa mga kasalanan kundi sa pagsinta na gusto kong ialay.