PAULEEN

41 0 0
                                    

Pauline, isang magandang babae, tahimik pero popular, talented pero hindi nagpapakita ng interest sa mga bagay

Ito ang mga klase ng babaeng gusto ni ethan

Lagi na lang nakatingin sa ethan kay pauleen sa malayo, para bang mahirap itong abutin,

Maraming nanliligaw dito pero ni isa ay walang nakapasa

Kaya lalong nanghihinaan ng loob at tumataas ang tingin ni ethan dito

PAULEEN ALMONTE

Pangalan ng babae na laging pinag uusapan sa paaralan

"HOY!"
Pangugulat ni kevin kay ethan habang nakatingin ito kay pauleen sa malayo
"pauleen? Mahirap yan abutin pare, parang ibon yan na sobrang taas lumipad"
Biro pa ni kevin kay ethan

Agad nakatingin si pauleen kay ethan dahil sa lakas ng boses ni kevin

"gag* ka talaga napansin tuloy ako"
Bulong ni ethan kay kevin na may halung inis

"so what?! Malabo naman mag ka gusto sayo yun, torpe ka, umiihi ka pa sa kama, gatas pa iniinom mo tapos napaka werdo mo pa! Tapos yun? Mag kaka gusto sayo? Bro gising!
Dagdag pa ni kevin

" sige pahiyain mo pa ako, napakabait mong kaibigan, kaibigan ba talaga kita?
Parang inis na inis na sabi ni ethan

" bro chill! Napakaseryoso naman, ginawa ko nga yun para mapansin ka, see diba napansin ka?
Tawang sabi ni kevin

"napansin nga, pinahiya naman"
Badtrip na sabi ni ethan

"so anong gusto mo? Pag mamalaki kita at sasabihing, dadaan na si haring ethan! Lumuhod lahat ng nag kakagusto kay pauleen, puputulan kayo ng ulo"
Pang aasar ni kevin

"nako wala ka talagang kwenta, dyan ka na nga!
Napuno na si ethan at binilisan ang lakad

" bro sorry, bakla ako gusto lang kita, i love you pare ayaw lang kita mapunta kay pauleen! "

"bw*s*t talaga to"
Bulong ni ethan na inis na inis

At nag si tawanan yung mga nakarinig sa sinabi ni Kevin

Pumasok na sila ni ethan sa room habang si kevin naman ay dumidiskarte sa kaklase nilang babae sa pintuan

Si kevin ay hindi mahiyain, joker at mahilig mang inis kay ethan, napakakwelang tao at parang walang paki sa sasabihin ng iba

Happy go lucky lang sya, may pag ka chicksboy din pero hindi nya ito kina career dahil more on online games sila ni ethan

Pero pag tinutupak sa babae, ay magugulat kana lang na may syota na ito at sa susunod na araw ay hiwalay na naman

Marami syang niririto kay ethan

Meron ding nag ka interest kay ethan kaso si ethan hindi marunong manligaw, kaya naiinip minsan yung babae at parang yung babae na ang nanliligaw kay ethan

katulad din ni kevin

Nawawalan ng interest ang naririto nya kay ethan dahil sa sobrang nerbyoso nito sa babae kapag kinakausap

while on break

Naisipan nilang mag meryenda muna

As usual

Si kevin andun na naman sa kabilang table, dumidiskarte

Si ethan naman, siopao at softdrinks lang habang tameme sa kakaisip kay pauleen. Sabay sabi "Kailan kaya"

Nagsalita si Kevin sa likod niya nang di namamalayan
"Kailan ka magkakasyota? Ganun? Yun ba? Jussko Pre. puputi nalang yung buhok mo sa kakaisip kay Pauleen na napaka-imposibleng abutin. Try mo kasi mag-entertain ng iba"

"hay nako, sino? Yung mga easy to get na niloloko mo na pinapasa mo sakin?"
Sagot ni ethan

"pre, lalaki tayu, we live in the future, wala na tayu sa stick to one policy katulad ng mga lolo' lola natin in the year 1800"
Sabi kevin

"ewan ko sayo, bahala ka nga sa buhay mo, tinutulad mo ko sayo eh"
-ethan

"that's what friends are for, and good times and bad times I'll be on your side forever more"
Pakanta na sabi ni kevin

"i decided long ago, never to walk in anyone shadow, if i fail if i succed atleast i live as i believe, no matter what they take from me, they can't take away my dignity"
Patulang sabi ni ethan kasi hindi sya marunong kumanta

"what! Ano yun?
Takang tanong ni Kevin

" greatest love of all yun t*ng*!
Pang aasar din ni ethan para makabawi

"ewwww men, you gay?!
Pabirong tanong ni Kevin

" sa ating dalawa ikaw yun"

Hindi napansin ni ethan na si pauleen ay nasa malapitan lang ang table habang kumakain mag isa

"pre tingin sa likod"
Bulong na sabi ni kevin

Hinay hinay na lumingon si ethan hanggang sa napansin nya si pauleen na nasa malapitan lang nila

Bigla nyang sinuntok si kevin sa tyan at sinabing

"gag* kang budoy ka bakit di mo sinabi na kanina pa yan dyan"
Pabulong na sabi ni ethan kay kevin

"aray! hi pauleen si ethan nga pala, dumedede pa yan, pwede mo gawing baby! "
Parinig ni kevin kay pauleen para inisin lalo si ethan

at sumagot bigla si pauleen at sinabihan si kevin

"excuse me, hindi maganda yang ginagawa mo, don't treat your friends like that and have some manners"

At agad namang umalis si pauleen
Habang si kevin ay di makapag salita

"iba talaga sya men, lalong tumataas lipad nya, pati standard nya tumataas din"
Sabi ni ethan kay kevin

"hindi men, hindi sya lumilipad, di lang gumagana gravity sa kanya, kaya malabo talaga na maging kayo"
Sabi din ni kevin kay Ethan

Straight to the point mag salita si pauleen, kaya isa ito sa mga dahilan kung bakit sya mahirap kausapin ng iba


Abangan ang susunod na mangyayari

33 Days With YOUWhere stories live. Discover now