Chapter 1. The meeting.

7K 101 88
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng school namin nang mabangga ko ang amazona este ang pinakasikat na babae sa campus namin. Biruin n'yo 'yun, kilalang kilala na ata ang babaeng ito ng mga estudyante mula kinder hanggang college pero dahh mas maganda parin ako sa kanyan.

Anyway, I'm Christina Louise Santos, 19 years young. A 3rd year college sa kursong BS in Business Administration, a Marketing Management major pero I don't really want this course kaso yun ang gusto ng beloved parents ko so that someday I can manage our own company pero ayoko talaga. I want to be a professional painter. Shocks! pero ayaw ni dad. Haayyy..

I have a kuya, si kuya Clint na working as a vice president of our company. A little sister na makulit na si Crystel Emerald, a first year high school.

Back to reality...

"Ano ba! Hindi mo ba ginagamit yang mata mo?" sigaw ng amazona, siya nga tung tatanga-tanga tapos ako ang sisihin? Naku! Naku! Mas maganda parin ako sa'yo bruha ka!

"Dont tell me, you dont know how to speak?" Hmm..Buhusan ko kaya ng asido pagmumukha ng babaeng eto!

"Naku! I'm very sorry Maureen, Ikaw naman kasi itong hindi tumitingin sa dinadaan mo eh." finally may inilabas rin ang bibig ko.

"So, you are telling me na kasalanan ko pa ngayon?" Heto na..Ilalabas na niya ang tinatagong sungay ng witch na'to.

"Parang ganun na nga.." Luhh? Anong sabi ko? Ohno! Magbabalot na ako ng mga gamit ko't-

"Bessssstttfffrrrrriiieeeeennnd!!!!!!" Yes! Save by my bestfriend. Mabuti na lang. Muntik na ako dun ah!

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay tsaka-" Napansin nya ang presenya ni Maureen na parang kakain ng tao. Waahhhhh! Lord patawad.

"Oh? Maureen? Is there something wrong?" Kung makapagsalita ang baklang to. Yes! My bestfriend is a gay. Si Gabrielle este si Gabriella daw siya but you can call him slash her Gabby. Haha! Nakakaloka yan eh.. takot si Maureen sa kanya. Wahahahaha! Ang dami kong tawa!

"So far wala pa naman Gabrielle but please do tell your fucking friend that stay out on my way." Luhh? Ano daw? I thought takot siya kay Gabby at take note siya lang ang tumatawag na Gabrielle kay Gabby my bestfriend.

"Watch your mouth couz, baka hindi mo kilala sino ang tinutukoy mo." Hala! Mag-aaway pa ata sila dahil sa'kin.

"Hahaha!" Yung tawang pang-aasar with her hand is on her lips. "Ofcoarse!" pagkasabi niyang yun ay umalis na sila with her alalay.

"Naku Gabby, Nag-away pa tuloy kayo ng cousin mo. Sorry for that." I said.

"That witch! Yaan mo na, hindi niya parin kaya ang beauty ko. Hahaha!" Baliw din to e..

Simple lang ang buhay ko dito sa university namin. Pasok sa klase, labas, lunch, aral, klase, labas, uwian. Yan ang daily routine ko, gusto niyong gayahin? Pwedeng-pwede!

***

TINA'S POV

Tumunog ang bell.

Next subject na, parang high school lang no? May ganun pang effect. Andito ako ngayon sa library, hinihintay ko ang aking mga alagad este ang dalawa kong bessy. Habang nagbabasa ako nang biglang -

"Aray!'' Himas ko sa ulo ko.

"Sorry miss. Hindi ko sinasadya kasi - " Hindi pa natapos sa pagsasalita ang weirdong lalaking ito ng may sumabat na gwapong nilalang. Yung tipong anghel na bumaba mula sa langit para sagipin ako sa lalaking weird na ito.

"Anong sorry?!" Luuhh? Akala ko ba ise-save niya ko? " Kasalanan niya kung bakit siya nakaupo diyan! " Ohno! Hindi ito ang inaasahan ko mula sa gwapong ito!

My Clumsy Girl(Unedited)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora