Trapped 43: Approval

4K 195 65
                                    

Dian's POV

"Aides... tangina, kinakabahan ako."

"Relax... we can do it."

"Pa'no kung--"

"Hindi pa naman natin nasusubukan 'diba? Hindi pa natin alam. Relax."

Ngumiti na lang ako kay Aides at pinakalma ang sarili ko.

"Handa ka na ba?" tanong niya.

Agad akong tumango sa kanya.

Napahinga ulit ako nang malalim nang hawakan niya ang kamay ko at buksan niya ang pintuan ng bahay nila.

Shit.

Sino ba namang hindi kakabahan? Kilala na ako ng mga magulang niya. Kilalang-kilala. Pero ngayon... parang gusto ko tuloy umatras.

Si Aides naman kasi... Halos masamid ako nang isang araw bigla na lang niyang sabihin na balak niya nang aminin kina tita ang tungkol sa'min.

Kinakabahan talaga ako. Pero ayos naman. Mukhang kaya ko naman. Kaso kapag naiiisip ko na pati si tito Bernard na tatay ni Aides ay kailangan naming kausapin dito... Parang umuurong ang tapang ko.

Mabait naman si tito. Pero... Naaalala ko kasi yung sinabi ni tita Lanie nung gabing 'yon. Sabi niya tutol ito. At pwedeng gano'n pa rin hanggang ngayon.

Baka hindi niya matanggap. Baka dahil do'n...

"Baby."

Napaigtad ako nang biglang magsalita si Aides mula sa likod ko. Napalingon ako sa kanya at agad kong nakita ang malawak niyang ngiti bago siya tumingin sa likod ko.

"Ehem."

Nang marinig ko ang pagtikhim na nagmula sa likod ko, nanlaki ang mga mata ko.

Shit. Wala na ngang atrasan.

Agad akong ngumiti kina tito at tita at saka nagmano sa kanila. Nag-aalangan pa nga ako nung nagmano ako kay tito. Ni hindi man lang kasi ito ngumiti sa'kin. Kapag nakikita kasi ako ni tito, agad na yang ngingiti at babatiin ako. Pero ngayon... seryoso lang ang tingin niya at nakahalukipkip pa.


"KAMUSTA na si Reign, iho?"

Ngumiti ako sa kanya. "Okay naman po, tita."

"It's good to hear that she's okay now and she's feeling even better. I'm happy for her," sabi niya saka ngumiti pabalik sa'kin.

Nang matapos akong uminom ng tubig ay sumagot ako sa kanya, "Ako nga rin po. Pero nakakatampo pa rin. Hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol do'n."

"Hindi pa kasi siya handa. Baka mabigla ka raw."

Kung sabagay... Pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil hindi agad 'yon sinabi sa'kin ni Ma.

Ngumiti ako kay tita. "Nagulat po ako. Pero syempre po kung ano ang desisyon ni Ma, I'll respect that. Gusto ko rin pong makilala yung naging dahilan ulit para sumaya siya."

"Hayaan mo. Tumawag na rin naman sa'kin si Reign. Sa fiesta sa lugar na 'yon ay sasamahan ka ng anak ko."

Agad na lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya.

Sasagot na sana ako nang napaigtad ako-- kaming lahat, nang bigla na lang ihampas ni tito ang kamay niya sa mesa. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa'kin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi siya pumayag. Parang hindi ko kakayanin.

No... Not this.

TrappedWhere stories live. Discover now