CHAPTER 12

100 26 0
                                    

Maurine's Point Of View

Andito ako sa bahay nagmumukmok nakakaasar kasi kahapon si kuya eh hindi uli ako sinundo. Bweset!

"Mau!" Sigaw ng kumakatok sa pinto.

"Ano?!" Sigaw ko rin.

"Tawag kana ni mama kakain na tayo" sabi ni Ate.

"Cge sunod nako" sabi ko. Pumunta akong banyo at naghilamos. Lumabas narin ako sa kwarto at bumababa. Bumungad ang maids namin.

"Goodmorning Ms. Maurine" bati ng apat na maids. Close ko sila HAHA skl!

"Goodmorning!" Bati ko. Umupo ako.

"Mau" tawag ni ate. Liningon ko sya.

"Samahan moko ngayon..." sabi ni ate.

"Saan naman?" Tanong ko. Lumingon si mama at kuya samin.

"Sa boutique natin tapos bisita tayo sa company..." sabi ni ate. Parang naexcite ako kasi matgal narin akong di nakakapunta eh.

"Taraa ate masaya yan!" Sigaw ko.

"Mau,wag namn sumigaw" sabi ni kuya. Ngunit hindi ako nagsalita galit kasi ako kay kuya gawa nga nung kahapon.

"Tara kain na tayo...syanga pala aalis ako Maurice at Maurine out of country ako at mamaya aalis nako iintindihin ko ang pagpapagamot ni Maurine huh, ikaw naman Ian ang dalawa nating prinsesa ha?! Wag puro barkada" sabi ni mama. Tumango ako sabay subo ng kanin.

"Opo mama aalagaan ko ang dalawa nating prinsesa" sabi ni kuya.

"Yakk aalagaan pero hindi sinusundo!" Pagpaparinig ko. Tumigil si mama sa pagkain. Humarap kay kuya si mama.

"Ian! Bat hindi mo sinundo si maurine?! Barkada na naman ba toh? Ha? Sa susunod na hindi mo uli sya masundo wag ka ng uuwi dito!" Sabi ni mama. Sabay tuloy sa pagkain.

"Ma, sorry kahapon po kasi may emergency sa office kaya hindi ko po sya nasundo..."paliwanag ni kuya.

"Osya alis nako bye na mga anak.." sabi ni mama sabay tayo at isa isa kaming hinalikan sa ulo.

"Ma,hindi napo namin kayo ihahatid?" Tanong ni ate.

"No need na byee" sabi ni mama. Nagpaalam nalang ako gamit ang kamay ko. Ipinagpatuloy ko ulit kumain. Tahimik lang ako walang imik na kahit magusap sila ate wala lang saken.

"Kuya sama ka kaya samin!" Sabi ni ate. Napairap nalang ako. Ayaw kong kasama si kuyaa duhhh!

"Wag na galit ata sakin ung isa" sabi nya. Humarap ako sakanila. Tumayo ako

"Tapos nako" sabi ko at umalis.

"Mau!"sigaw ni ate. Nilingon ko ito.

"Hmm?"

"Gamot mo" sabi ni ate at lumapit at binigay niya ang gamot ko at tubig. Ininom ko ito.

"Salamat ate..." sabi ko. Hinawakan niya ang balikat ko.

"Cge maligo kana at tayo ay pupunta pa sa company at boutique" sabi niya sabay ngiti. Nginitian ko din naman si ate.

"Cge ate" sabi ko at umakyat ng hagdan.

Naisipan kong maligo na kase baka nanjan na agad si ate.

××××××××××××

Maurice's Point of View

Hello, im Maurice Alcraine Sanchez kapatid ko sina Ian at maurine. Im 25 years old. Isa akong lawyer. Balik na tayo sa topic. So eto nga binilhan ko si Maurine ng isusuot ipapabigay ko kay yaya.

When I Met You | Book 1| [COMPLETED]✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora