NINETEEN

99 18 1
                                    

(Japs POV)

ang tagal naman non.

bulong ko sa sarili.

hinihintay kong makabalik si juliana nandito ako sa may labas ng tent dahil parang napakatagal naman nito.

maya maya ay bigla na syang dumating.

nagmamadali ito sa paglalakad nakaayos nadin ang buhok nito.

nakayuko lang siya at dirediretso sa paglalakad.

nabunggo nya na ako kaya siya napahinto bigla.

tumingin siya sakin pero iniwas nya agad.

saan ka ba galing?
bakit ganan ung itsura mo?

kung saan saan lang ito nakatingin.

juliana?

ano?

halata kong iritable sya sa sagot nya sakin.

pawis na pawis ito kaya kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng pantalon ko.

para kang sira pawis na pawis ka.


hinawakan ko sya sa balikat at pumasok na kami sa loob ng tent dahil sobrang init sa labas.

pinaupo ko siya sa may pwesto ko tapos kinuha ko muna ung bag nya para di siya mahirapan.

okay ka lang jul?

oo naman.
mainit lang kasi talaga.

tinapat ko naman agad sakanya ung electricfan dahil pawis na pawis padin ito.

maya maya biglang dumating si chael,carl at rj may mga dala silang milktea at pizza.

kita ko naman agad si chael na napatingin kay juliana habang abala si juliana na inaayos ang buhok ko.

halatang nataranta pa si chael dahil siguro ay di nya inaasahang makikita nya si jul na kasama ko.

hi jul.

bati ni carl at rj kay jul at lumapit pa ang mga ito at niyakap si jul.

kamusta ka na?
buti naman mkakapanood ka.

nakangiti lang si rj at carl kay jul.

halata kong masaya silang makitang okay si jul pagkatapos ng nangyari.

tara japs,jul kain muna tayo.

lumapit naman ako kay jul.

tara kain muna tayo?

nakatingin lang siya sakin.

hinihintay kong sabhin nya na ikuha ko nalang siya pero hindi nya sinabi.

sa halip ay tumango ito at lumapit kami kila carl.

halata kong naiilang si juliana dahil nasa harapan namin si chael at gwy.

ilang beses kong nahuhuling nakatingin si chael kay juliana pero si juliana ay nakayuko lang at seryosong nakain.

pumipili ako sa mga milktea para ibibigay ko kay jul.

natanaw ko sa may pwesto nila chael ung favorite nya kaya tumayo ako para abutin iyon.

kukunin ko palang ng biglang hawakan ni chael at nilagyan ng straw.

sabay tawag nito kay juliana.

jul favorite mo.

nakatingin lang si jul sa iniaabot ni chael sabay napatingin siya kay gwy.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon