CHAPTER 30

125 9 3
                                    


NAGISING ako dahil sa liwang na tumama sa mukha ko, mariin kong pinikit ang mata ko bago tuluyang bumangon. Bumungad sa akin ang mga litrato sa lamesa, litrato ko at ni Eros.

Lumapit ako doon at hinawakan isa isa ang mga litrato. Napangiti ako pero agad na napawi 'yon ng maalala ang mga sinabi ko kay Eros. I should apologize. Nabigla ako sa mga sinabi nito pero kahit papaano ay masaya ako, ang hindi ko lang talaga matanggap ay bakit ngayon lang ito nagpakita sa akin.

Bakit ngayon ba lang?

Binaba ko ang hawak na picture frame at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at nakita si Eros na nagluluto. Nakasuot ito ng sando at boxers, tuwing gumagalaw ito ay gumagalaw din ang muscles niya.

Sexy.

" Andito ka na pala. Saktong sakto nakapagluto na ako ng pagkain natin. " ngumiti ito at niyakap ako.

Nang maramdaman nito na hindi ako gumalaw ay lumayo siya sa akin at malungkot na ngumiti. Umupo ako at nilapag nito ang mga pagkain sa lamesa.

" Ang saya saya ko na ikaw ang una ko nakita ngayong umaga. " basag nito sa katahimikan at ngumiti lang ako at nagsimulang kumain.

" Mamaya babalik tayo sa apartment mo para kuhain ang mga gamit mo pati si Choco, gusto ko na dito ka na ulit tumira Iris. "

Iris Gail Rodriguez

Eros David Sanchez

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit pamliyar sa akin ang pangalang David Rodriguez, nagkabuhol buhol ang naalala ko.

" I'm happy that you will stag here. "

Nabitin ang pagsubo ko dahil sa sinabi nito, binaba ko ang kutsara at tumingin sa maganda nitong mga mata. " Uuwi ako, may trabaho pa ako. " sagot ko.

" Hindi mo kailangan na magtrabaho doon dahil may sarili kang negosyo Iris. "

" S-Sariling negosyo? "

" You're restaurant are of the most famous restaurants is Asia, ngayon ay ang pinsan mo na si Shan ang humahawak non. " may binigay ito na gamot sa akin. " Inumin mo 'yan, para hindi na masyadong sumakit ang ulo mo. I'm sorry kung nabigla kita kagabi. "

" Ayos lang. P-Pasensiya narin sa mga nasabi ko kagabi. " inabot nito ang kamag ko at hinawakan 'yon. Matamis na ngiti ang pinakita nito sa akin.

" Naiintindihan ko naman kung bakit mo nasabi 'yon pero katulad ng sinabi ko sayo ay ipapaliwanag ko sayo ang lahat. " I smiled at him.

" Makikinig ako, g-gusto ko rin sanang makausap ang pamilya ko. "

" Let me show you something kitten. " masayng sabit nito at may hinanap sa cellphone.

Kitten. I smiled and secretly touched my ring.

" This is mom and dad. " tumabi ito sa akin at pinakita ang cellphone niya. " This is ate Ella my sister and Jace her husband. " Binigay niya sa akin ang phone at hinayaan ako.

Napanagiti ako habang tinitignan ang pictures hanggang makarating ako sa litrato naming dalawa.

" Ito yung araw na kinasal tayo at pagkatapos ng ilang linggo ay namatay si dad. Pumayag ka noon na magpakasal tayo kahit hindi sa simbahan dahil pareho tayong busy. It's your students graduation and my dad is sick. "

" Teacher ako? "

he nodded. " Yup. "

" And I also own a restaurant? "

EROS ( ON-HOLD )Where stories live. Discover now