Chapter 8:Mall

10 8 0
                                    

Safe kaming nakarating dito sa mall..Kaninang nasa biyahe kami hindi umiimik si Michael...Sino kayang iniisip niya baka si Mitchy.

Well bagay na bagay naman sila MITCHY+MICHAEL=MITCHYCHAEL
See bagay na bagay

"Tara na sa DM"sabi ko sakanya

"Ah mauna kana mag ccr lang ako..Magkita nalang tayo sa DM"

"Sige!see you!" sigaw ko..Kasi pano ba naman nung pagkatapos niyang nagsalita hindi niya manlang hinihintay yung sagot ko..Kaya sinigaw ko nalang Wapakelzs na kung pinagtitinginan ako ng tao

Pumunta nako sa DM nag order ako ng isang large cookies and cream tsaka isang manggo flavor na ice cream..Yun kasi yung favorite ko

Ilang minuto bago dumating si Michael..Paupo na sana siya kaso may tumawag sa phone niya

"Ano?!"sigaw niya..See badtrip kaya pinagtitinginan na kami ng tao

"Sh*t...Ok ok hintayin moko"sabi niya ng mahina..bago niya binaba

"Cassidy sakin na tong ice cream ah...Pinapatawag kasi ako sa school kasi may nambully na naman kay Hannah" sabi niya "ako makakatapat nila"bulong niya

"Sige na Cassidy babawi nalang ako sa next na pag-tu-tutor mo sakin!"sabi niya.

"Sige ingat" tumango siya at umalis na.

Mag-isa na naman ako.

Tinake out ko na lang yung ice cream ko para habang naglilibot dito ah may makakain ako.

Sarap hmmm yummy mangood haha.

Sarao talag------ ano ba yan! Ang ice cream ko. Napatingin ako sa lalake na nasa harapan ko. Nakashade siya ay cap.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Tanong ko ng may pagkainis favorite ko kaya yung Tapos natapon pa sa damit ko ang langkit ko tuloy at dahil yan sa lalake na nasa harap ko.

"Pati din naman ikaw ah" saad niya.

"Ikaw kaya itong bumangga"

"Tsk"

"At ikaw pa ang galit?"

Hindi siya nagsalita bagkus binigyan niya ako ng pera.

"Oh yan bumili ka ng damit at ice cream mo sayo na yung sukli" at umalis na siya.

Aba!! Akala niya madadaan niya ako sa pera. No way!! Hindi ko to palalagpasin ni hindi man lang siya nagsorry.

Tinawag ko ulit siya pero hindi man lang siya nagsalita o lumingon man lang. Buwisit to ah.

"Hoy lalakeng nakablue na v-neck!" nasitinginan yung mga nakablue na v-neck yung nagtataka pa.

"Hoy! naka black na cap" may mga ilan pang tumitingin na kapareho ng mga sinabi ko. Hayss nakakapagod na ah la-laki ng hakbang niya eh sa tangkad ba naman niya.

Tumakbo na ako kaya naabutan ko siya.
Haaaahhh hinga muna inhale exhale hoooh.

"Hoy lalake!"

"Huh?"

Aba nakalimutan niya agad yung ginawa niya saakin.

"Nabayaran na kita diba"

"Hoy hindi yon sapat!"

"Aba tingnan mo nga naman tong babaeng to kulang pa ba yung binigay ko sayo? Oh ito oh dagdag. Please lang miss wag ka nang mageskandalo"

Aba! Paalis na sana siya kaya tinawag ko ulit.

"Hoy hindi ko kailangan ng pera mo!" Sabi ko sabay hagis Sa kanya ang lahat ng pera na binigay niya sakin. "Ang akin lang matuto kang humingi ng tawad."

Naka poker face lang siya.

"At tandaan mo na hindi lahat ng tao ay nabibili ng pera. Minsan mas kailangan ang sorry kaysa pera." Sabi ko.

Ni hindi manlang nagbago ang expression ng mukha niya. Poker face pa rin ugh!!!!!! Kainis siya!!!!!.

Wala na rin akong nagawa kaya umalis na din ako kunsabagay may mga tao nang nakatingin sakin.

Sayang yung ice cream hindi naman sa wala akong pambili kaya lang sayang dahil madaming mga bata ang gustong kumain ng ganon kaya lang wala silang pera pambili.

At yung lalaking yun hindi man lang humingi ng tawad. Buwisit talaga. Makauwi na nga lang nawalan na ako ng gana.

Buti na lang at hindi traffic kaya nakauwi agad ako. Dumiretso na ako sa kwarto ko wala naman sina tita stella.

Agad kong sinakop ang kama ko. Hayy sarap humiga, nakakapagod at nakakastress ang araw na to. Kasi naman yung lalaking yun----!! aishh wag ko na ngang isipin lalo lang akong maiistress.

Maya-maya din ay uuwi na sina Tito at tita, alam kong pagod sila kaya ipagluluto ko na lang sila ng dinner anyways maaga pa naman makakaabot pa kaya pwede pa akong makapag prepare ng food at alam ko na ang iluluto ko.

Pumunta na ako sa kitchen at chineck ang mga ingredients na kakailanganin. Karne, gata ng niyog, sili at syempre ang pinakamahalaga ang pagmamahal, sabi ni lola dapat daw kapag nagluluto hindi lang utak ang kailangan pati ang puso. Okay na lahat. It's cooking time!!!

°°°°
Nang malapit nang maluto inamoy-amoy ko. Aaah sarap ng Amoy nalalanghap ko na yung anghang at yung gata. Sana magustuhan nila. Sakto namang natapos ko nang lutuin eh dumating na sila.

Sinalubong ko sila sa may sala.

"Hello! How's your day tita? Tito?"

"Nakakapagod at nakakastress." Sabi ni tito Jeff Sabay upo sa sofa.

"At dumagdag na din yung traffic" saad naman ni tita.

Napa "Oh" na lang ako, pagod nga talaga sila.

"Wait, I smell something in the kitchen. Nagluto ka ba Cassidy?" Tanong ni tita.

"Opo" masigla kong sabi

Nauna na si tito kaya sumunod na lang kami.

"Wow Amoy pa lang masarap na" sabi ni tito at inaan napatawa sila

"Kain na tayo masamang pinag-aangtay ang pagkain lalo na kung ganito ka-sarap." Ani tito Jeff.

"Haha ikaw talaga okay let's eat" sabi naman ni tita.

°°°°

Pagkatapos naming kumain ako na ang nag prisintang mag-hugas dahil alam ko namang pagod na sila. Nang natapos na din Kong maghugas ay umakyat na ako sa kwarto ko. Hayy talaga ngang nakakapagod ang araw na ito. Kailangan ko na ding matulog at may pasok pa ako bukas. Too much for this day night--good night------ZzzZzzZZzzzz

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

MGA HEIGHTERS,DONT FORGET TO VOTE AND FOLLOW

Thank you

Peace around the world O:-)

Unexpected Love from the Unknown Heiress (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon