PROLOGUE

25 1 0
                                    




"Miss Jimenez, pinapatawag po kayo ng Kuya niyo."

Tinanguan ko lang ang secretary kong si Mitch at sinenyasan siya na susunod ako, sumulyap muna ako sa wrist watch ko para alamin ang oras bago kunin ang bag ko sa ibabaw ng lamesa at sumunod na sa secretary ko.

"Kuya, pinapatawag mo raw ako?"

Busy siya sa laptop niya pagkapasok ko sa office niya, pero nagawa niya pa rin akong sulyapan, he gestured me to wait and sit down.

"I just want to congratulate you, tumaas ang sales ng company because of you, thanks Ellie!"

"No worries, Kuya." I said and gave him a small smile. "Okay, so can I leave now? Louise might be waiting for me. Sixth birthday niya today, remember?"

"Oh yeah, I'm sorry I forgot. Maybe, I'll just visit her some other time." I just gave him a nod and left his office, bawat madadaanan kong empleyado ay panay ang bati sa akin, ngiti na lamang ang sinasagot ko.

"Ma'am wait!" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon si Mitch.

"Yes?"

"Pumunta nga po pala yung organizer nung orphanage kanina, nagtatanong po kung kailan niyo po ibibigay yung donation."

"Uhm, maybe tomorrow, may lakad pa kasi ako ngayon."

Simula kasi nang makabalik ako sa Pilipinas ay nagsimula na akong mag donate sa mga orphanage, 3 months ago pa lang naman mula nang makabalik ako.

Dumiretso na agad ako sa kotse ko para pumuntang sementeryo, simula kasi nang mawala sa buhay ko si Louise ay sa London na ako nanirahan, pero binibisita ko naman siya tuwing birthday at death anniversary niya, kaya lang tuwing gabi at hindi tugma sa araw.

Dahil may tao akong iniiwasan, ayaw ko siyang makita, ayaw ko na.

Sana lang ay wala siya roon ngayon, saktong araw pa naman ito ng birthday ni Louise, ngayon lang ako bibisita ng umaga at tugma pa sa araw..

Dumiretso muna ako sa flower shop, para bilhan ng bulaklak si Louise.

Nakahinga akong maluwang nang makitang wala naman palang ibang tao roon, wala siya.

Erin Louise J. Laxamana

I bitterly smiled and stared at the sky to stop my tears from falling, but whenever I look at the sky, it always reminded me of him..

Cloud

Damn, I missed him..

But he's the reason why Louise died.

Napailing nalang ako at pinunasan ang luha ko. No, I didn't miss him, I just missed the moments when we were together with Louise, that's all, nothing else.

Napatitig ako sa lapida niya at ilalagay na sana roon ang bulaklak na hawak ko. Nang biglang may batang nadapa sa tabi ko.

"Sorry po." Sabi nung bata matapos ko siyang tulungan tumayo, tinulungan ko na rin siyang pagpagan ang damit niya, pero napatigil ako dahil sa tanong niya "Bakit ka po nandito? Ano mo po si ate Louise?"

Ate? Sino ba itong batang 'to? Kanino 'to anak? Sasabihin ko palang sana na anak ko, pero may biglang tumawag sa bata, kaya sabay kaming napalingon.

"Clyde, come back here!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses niya.

Almost five years, hindi ko narinig ang boses niya.

Napaiwas agad ako nang magtama ang tingin namin.

Five years..

Limang taon na pala ang nakalipas, since our daughter passed away.

Hanggang ngayon nandito pa rin yung sakit at pangungulila ko, ilang taon din bago ko natanggap na wala na talaga ang anak ko.

Dahil sa kaniya, nawala ang anak ko..

"Clyde, go back to your Mom!" He escorted the kid to go back to his Mom.

Mom huh? Did he already got a wife and son, wow!

After all that happened.. He's already happy, while me, still hoping to be..

'Cause, he broked me..


---

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Rivalry Twin (Buenavera Series # 2)Where stories live. Discover now