0002

0 0 0
                                    

Naputol ang iniisip ko ng nagvibrate na naman ang phone ko. Tumawag pa talaga siya sa kasagsagan ng mga hinaharap ko ngayon sa buhay. Huminga muna ako ng malalim at ngumiti bago sinagot ang tawag niya.

"What's your problem?" Napakalutong na English ang bumungad sa akin.

Tumawa muna ako bago nagsalita "Anong problema? Ang ganda ng buhay ko tapos ginulo mo!" 'tas tumawa ulit.

Dalawa ang meaning nun Gab, sana maintindihan mo.

"Ouch!" tumawa rin siya.

Hindi muna ako nagsalita para pakinggan ang tawa niyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam.

"Anyway, milktea? My treat" sumeryoso na ang tono ng boses niya. May mga naririnig akong tao sa background, mukhang kakatapos lang ng photoshoot niya.

"Do you think sasama ako kapag libre lang? Ang sakit mo magsalita ah" humiga ako ulit sa kama ko.

"Parang ganun na nga" humalakhak na siya. Hindi ako nakapagreact dahil sa biglang pagtawa niya. Biggest distraction in life.

Narealize niya siguro na nanahimik ako kaya dumaldal na siya ng diresto.

"Hey, I'm just kidding, just wanna hang out kasi tapos na naman 'yong shoot then Sunday kaya wala kana ring pasok. Ngayon lang 'yong free so?"

Tumaas bigla ang kilay ko na parang nasa harap ko lang siya, well kahit anong gawin niya hindi muna ako sasama. I'm still preoccupied with my dream at baka tumunganga lang ako dun. Tumikhim ako bago magsalita.

"Eh Gab, madami kasi akong ginagawang PowerPoint presentation ngayon then hindi ko pa natapos 'yong lesson plan ko, maybe next time? Sorry talaga"

Actually I've done all the PowerPoint presentations yesterday, maybe it's not the right time para makipag-milk tea sa kaniya pagkatapos ng nangyari.

"Aww, sige pupunta nalang ako diyan" biglang umaliwalas ang tono niya.

"If you'll go here, how can I finish my work? Sigurado akong magchichikahan lang tayo,gusto ko sana kaso bukas may pre-demo ako,kaya I need to double my efforts ngayon para matapos na. Sorry talaga"

Totoo naman yong pre-demo. Huwag na kasing makulit Gab. Pahuhupain ko muna yung panaginip ko.

"Oh okay maybe next Saturday? Are you free? Wala kasi akong schedule in that day"

"Bakit ba gustong-gusto mong makipagkita?"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga sinasabi ko pero hindi ko na 'yon mababawi  kasi sigurado akong di rin niya bibigyan ng meaning 'yon. Pero biglang naging tahimik ang kabilang linya.

I slightly chuckled. "Promise next Saturday,Gab? Gabriel Jacob? Hello? Are you still there?" Tiningnan ko muna ang screen ng phone ko, hindi niya naman ni-end ah.

"GAB!? Hello? Hey, Ga---"

I suddenly heard a tone that signifies that he ended the call. Talaga lang? Baka may inasikaso pa, pero kung may gagawin siya sana sinabi niya muna bago ako binabaan. Ill just text him.

To: Gabriel

'Hoy! Attitude ka na, ba't mo niend 'yong call? Busy ka parin?Tawag ka nalang 'pag hindi na.'

Hindi ko pa na hit yung send button ay nagvibrate na naman yung phone ko. Nagtext nalang siya, maybe naubusan ng pangtawag?

From: Gabriel

'Don't you like to see me? '

Wow?! Ako pa talaga ang di ka gustong makita?! Actually, I want to see you first when I woke up in the morning, were lying next to each other then you're still breathing calmly, that's why I got an opportunity to touch your messy hair, to observe your nose that shouts perfection, to feel your soft red lips with my hand.

DREAM CATCHERSWhere stories live. Discover now