Chapter 7

653 44 7
                                    

Chapter 7

 

**

 

Kyungsoo's POV

Nag aabang lang ako ng Bus dito sa waiting shed habang nakikipagsiksikan sa mga tao. Punyemas kasing ulan yan. May bagyo ba?! Bat ba ulan ng ulan?! -_____-

Napangiti ako nang makitang may paparating ng bus. Phew~ Buti naman. Gutom na gutom na ko eh.  badtrip kasi yung teacher namin, ala siete na kami pinalabas. Kala ko mag cacamping na kami dun eh. Nyeta.

Nawala ang ngiti ko nung malaman kong yung bus na yon eh hindi yung bus na sasakyan ko pauwi. Lechugas naman! ILANG ORAS PA BA KONG MAGHIHINTAY?!

Pero sabagay, may advantage naman pala yung bus na yun. Apat nalang kaming natira dito sa waiting shed. Hay.. Buti naman. Kainis kasi yung katabi ko kanina. Amoy anghit. Amoy Baekhyun! Haha joke.

Tahimik lang akong nag aabang sa isang tabi ng maramdaman kong may nakatingin sakin. Dahan dahan kong nilingon ang lalaki sa kanan ko, at nakita kong ANG SAMA ng titig nya sakin.

Jusko. Ang hirap maging muhkang inosente.  Lapitin ng disgrasya. Juice mayo. Lord!! Tulong!!!

Iniwas ko nalang yung tingin ko sakanya at medyo umusog kaunti. Yung usog na paniguradong hindi nya na ko matititigan pang muli. Wow. Lalim ng tagalog ko. HAHAHHA

Kalahating oras na kong nakatayo dito pero wala pa din. Juice ko pong Pineapple. 8:30 na, manonood pa ko ng Pororo. :(

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, napatingin ako ulit dun sa lalaking nakatitig sakin ng masama AT AGAD AGAD KONG INIWAS ANG TINGIN KO. USJSBHDJS HUTAHAMNIDA YAN! HINDI BA SYA NAPAPAGOD?! NAKATITIG PA DIN SYA SAKIN NG MASAMA. ANO BANG GINAWA KO DITO?!!?

Naramdaman kong unti unti syang lumapit kaya't napapikit nalang ako. Inabangan ko nalang na tutukan nya ko ng baril o kutsilyo sabay sabi ng 'Holdap to.'

Pero hindi eh.. Napamulat ako at bigla syang bumulong sakin. "Wag kang mag-alala.. Hindi kita sasaktan.. Pwede bang pahawak muna nito?"

Hay.. Napahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. Sus. Magpapahawak lang pala. Hindi nya na sana ko tinitigan pa ng masama kanina.

Kinuha ko na yung wallet na pinapahawak nya at saka bumalik sya sa dati nyang pwesto. Nakita kong kinalabit nya yung babaeng naghihintay rin sa waiting shed at may binulong dito. Teka.. Pinagtitripan ba nila ko?!

Napatingin sakin yung babae at nanlaki ang mga mata nya.

Bakit?! Ngayon lang ba sya nakakita ng lalaking may malalaking mata?! Tch. Nakakapikon na ah?!

Dali dali syang lumapit sakin at sinampal ako.

 

*PAAAAKKKKK*

[HIATUS] Playful Revenge (CHANBAEK Fanfiction)Where stories live. Discover now