Prologue

14 3 2
                                    

"Aya! Teka lang naman! Ano bang problema?" sinasabayan nya ang bilis ng aking paglalakad at pilit nyang hinahawakan ang aking mga kamay na kanina pang nagpupumiglas

Kitang kita ko sa mga mata nya ang sakit...takot...pagod at pagsusumamo

'patawad mahal ko,pero kelangan kong gawin to.'

Kahit mahirap, kahit masakit, kahit unti unti ng gustong bumuhos ng mga pesteng luha kong kanina ko pang hindi pinahihintulutang umagos

Hinarap ko sya at isa isang tinanggal ang mga daliring nakakapit sa pulsuhan ko, tinitigan ko ang mga nakakaawa nyang mata gamit ang blangkong ekspresyong kanina ko pa inensayo

"Ayoko na! Hindi ka ba nakikinig?! o talagang bingi ka lang?! o baka naman tanga ka?! Mahirap bang intindihin ang mga salitang 'break na tayo'?! Sawa na ako sa relsayong to, tapusin na natin to Jack!"

'Ayoko na'

Tama na please. Gusto ko na lang maglaho sa harapan nya ngayon. Gusto ko na lang umuwi at iiyak ang lahat ng ito...baka sakaling mawala ang sakit na unti unti ng bumabalot sa buong sistema ko. Pagod na pagod na ako sa lahat, kailan ba matatapos to?

"A-no bang sinasabi mo A-ya?" mariin akong napapikit  ng biglang nawasak ang kanyang boses

'Kelangan mong gawen to Aya'

Pilit kong pinatatag at pinigilan ang sarili kong bawiin na lang lahat at sabihing nagkamali ako... pero hindi, dahil ito ang dapat kong gawin,

"A-kala ko m-ahal naten ang isa't isa? Akala ko ba us against the world?! Wag namang ganito!" pilit nya akong inaabot, at sa bawat paglapit nya ay syang pag hakbang ng aking mga paa paatras

'Ang sakit'

Sapagkat ang dating distansyang ayaw na ayaw kong mabubuo sa pagitan naming dalawa ay ako na ngayon ang lumilikha

"Aya please...pag usapan muna natin to, maaayos pa natin to! kung hindi mo na kaya, kaya ko naman! kahit ako na lang ang lalaban para sating dalawa basta wag mo lang akong iiwan, pakiusap" kasabay nito ang sunod sunod na pagpatak ng kanyang mga luhang sinabayan pa ng mga hikbing kanina pa niyang pinipigilang kumawala

Nakakahabag at nakaka konsensya, itutuloy ko ba talaga to? Parang gusto ko na lang umurong at sabihin sa kanyang hindi ko rin ito gusto, pero alam kong hindi yun maaari. Ito ang dapat, ito ang tama.

"Tama na Jack, pagod na ako eh! pa ulit ulit na lang tayong ganito! kung talagang totoong mahal mo ako, pwes tigilan na natin to... palayain mo na ako!" depensa ko upang matauhan na sya't maniwala na ayoko na at tinatapos ko na ang lahat ng namamagitan samin

'Napakagaling mong magsinungaling Aya'

Natigilan sya matapos marinig ang mga sinabi ko, tila parang nabuhusan siya ng malamig na tubig dahil napahinto siya sa paghahabol at pag abot saken, kaya't sinamantala ko ang pagkakataon at sinundan ko ng mas mabibigat pang lintanya ang aking sinabi kanina.

Wala na akong pamimilian pa sapagkat sigurado akong kapag narinig nya ito mismo saken ay titigil na sya at tatanggaping wala na kami

"Ito na sana ang huling beses na magkikita pa tayo. At isinusumpa ko na ito na din ang huling pagkakataon na iisipin kong kilala kita...dahil kakalimutan ko na ang lahat ng bagay tungkol sayo at sana ikaw din! dahil sarili mo lang ang pahihirapan mo! Kasi hindi na kita mahal! May iba na akong gusto! "

Bumalatay sa kanyang mukha ang labis na pagkagulat at pagkadismaya na hindi ko matagalang titigan kaya't
pagkatapos kong sabihin iyon at ang iba pang kasinungalingang hindi ko malaman kung saan ko napulot ay tumalikod na ako at naglakad palayo, hindi ko alam kung paano ko pa nakayanang maglakad papunta sa sakayan ng jeep pero namalayan ko na lang ang sarili kong nakaupo at hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari,

Who Are You?Where stories live. Discover now