Chapter 1

170 4 0
                                    

Time/Year: 4th year college, Year 2018, Graduating students.

Agnes's POV

"Guys, library tayo" sabi ko kela Poch, Jam at Toni habang naglalakad kami sa school. At dahil wala din naman silang matambayan, pumayag sila at dumiretso kami nang library.

Pagdating namin sa library ay nagcheck in kami at naghanap nang libro.

Hahanap sana ako nang libro sa mga bookshelf kaso may babaeng binangga ako at nahulog mga gamit niya.

"Hay nako, ingat din kasi" sabi niya at ako naman ay kinukuha ang mga gamit niya na nahulog sa sahig.

"Ay sorry"  sabi ko at bigla nalang siyang umalis.

"Ano ba 'yan, nagsorry nalang nga hindi pa inaccept. Napakasungit ampota." sabi ko sa aking sarili habang patuloy na naghahanap nang mababasang libro.

Nung naghahanap ako nang libro ay may isang libro ang nakahanap ng atensiyon ko.

"Hindi tayo pwede" ang nakalagay sa harap. Ha? Yan ang title? Pero dahil gusto ko nang nakakaiyak na kwento, kinuha ko ito at nirent sa librarian at pumayag siya. At naghanap naman ako ng iba pang literature books at libro na tungkol sa politics.

Pagbalik ko sa pwesto namin ay shinare ko kela Jam ang tungkol sa libro.

"Guys, tignan niyo ba" sabi ko kela Poch, Jam and Toni at nilabas ko ang libro.

"Woah parang historical naman 'yang libro na 'yan" sabi ni Toni at ganun din si Poch.

"Panget nung title amp" sabi ni Jam at natawa siya.

"Gago, baka love story ito nung nasa world war keme or basta panahon nila Aguinaldo." sabi ni Toni

"Ahh" tanging sabi ko.

Bubuksan sana ni Toni ang libro ngunit hindi ito bumukas.

"Ha? Bakit ayaw mong bumukas" sabi ni Toni at kinuha ko ang libro,

"Tama na, balitaan ko nalang kayo sa laman ng libro na ito. Tara review na tayo" aya ko sa kanila at pumayag sila.

After 1hr na pag rereview ay tumunog ang bell na sign ng class hrs na namin kung kaya't dali dali kaming nag ayos ng mga gamit namin at binalik sa bookshelf ang mga libro at umalis nang library patungo sa classroom namin.

Hays, buti naman at hindi kami ginalitan nang Prof namin kaya umupo kagad kami sa mga upuan namin. Uy sakto, History class namin.

Habang nag l-lecture si Sir Jem sa Philippine History, ako dito ay nakatulala lang dahil iniimagine ko, what if nandun ako sa oras at year kung saan ang mga kababaihan ay naka Baro't saya pa. I would be so incredible, 'di ba?

Pagtapos nang klase ay lumapit ako kay Prof at chineck ko sakanya 'yung libro.

"Sir, alam niyo ba ito?" tanong ko sakanya at binigay ang libro

"Oh, maganda 'to. Please read this, sobrang ganda neto. Story of Stella and Trisha" Prof Jem said to me and nagpaalam na din siya.

Oh, mukhang maganda nga. Sige basahin ko 'to pag uwi.

Habang kami ay naglalakad nila Jam, Toni at Poch, nag aya pa silang gumala bago umuwi.

"Tara, gala tayo" aya ni Jam

"Tara, lets G!" sabi ni Poch na may halong excitement at ganon din si Toni.

At ako naman ay tumanggi para basahin ang libro.

"Guys, next time nalang ako. Sa araw na 'yon, ako ang manlilibre" sabi ko sa kanila at pumayag sila. Okay lang, dun naman sila magaling. Char! Agad akong nagpaalam sa kanila at umuwi nang bahay para basahin ang libro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi Tayo PwedeWhere stories live. Discover now