Due

17 4 0
                                    

Il plagio è un crimine.

HARIETTE

"Putan-" Mama gave me a goddamn glare bago ko pa matapos ang pagmumura ko.

Anong fiancé? Nababaliw na ba itong kausap ko? Yes I'm 20 years old, legal na at pwede ng magpakasal pero bakit sa kakakilala ko pa lang?!

I was still sitting pretty while my mind is having a commotion that has never been my problem up until now.

Mukhang naramdaman din ni Rune na hindi mapakali ang mata ko sa kakaisip kaya tumayo na ito.

"I think I should go, I'll come back tomorrow Tita." Pagpapaalam nya at nakipagbeso pa kay Mama.

Tinignan niya pa ako saglit at nagpasya parin na halikan ang buhok ko bilang pagpaalam.

Pagkaalis na pagkaalis ni Rune ay agad akong tumayo at hinarap si Mama.

"What was that all about?! Bakit ako nakapangako na ikakasal sa isang tao na ngayon ko lang nakilala?" Pinipigilan ko mang pangunahan ang emosyon ko pero I was failing miserably.

Mama was just calm though, "Anak, your dad and Mr. Jacinto wanted this arranged marriage. Ni hindi ko nga alam ang tungkol dito kung hindi lang nagpakita ngayon iyang si Rune."

I could not believe it. Oo magkaibigan sila ni Papa pero bakit naman nila kami papangunahan sa mga desisyon namin?

"But Rune suggested that the arrange marriage will be void once na sa ibang tao kayo umibig. But if nagkadevelopan kayo...then tuloy ang kasal niyo."

"You both are still young kaya may time pa kayo para makilala ang isa't isa," Mama added.

I excused myself and went to my room to pounder on what happened earlier.

Papa naman, why an arrange marriage?

—•—

Tahimik ko lang kinain ang aking almusal at tumulak na papunta sa school. Pero nasa labas pa lang ako ng bahay ay nakita ko na agad ang di pamilyar na kotseng nakaparada sa may gate namin.

Did Mama bought a new car?

My thought was proven wrong nang lumabas mula sa kotse si Rune, napairap na lang ako sa aking isipan.

"Good morning," he politely greeted.

Tinanguan ko lang sya at hinayaan na buksan ang passenger seat para doon ako maupo, infairness gentlemen.

Hindi kami nagusap sa buong byahe papunta sa school ko, alam kong kahit hindi ko sabihin sa kanya kung saan ako pumapasok ay malamang sinabi na sa kanya ni Mama.

"I'll pick you up later, anong oras ba ang labasan niyo?" I was unbuckling my seatbelt when he said that.

Aba marunong pala syang magtagalog, he was sporting his foreign face that belonged to the Italians. Sharp-edged jaws, scary formal brown eyes, and mid-tan skin tone perfectly matching his clean cut hair.

"A-Around four.." Punyeta nautal tuloy ako sa pagkabigla dahil natagalog siya.

Pagkalabas ko ng sasakyan ni Rune ay agad akong sinalubong ni Siara ng akbay.

"Si Rune Jacinto yun diba?" I was confused kung paano niya nakilala ang lalaking yun.

Mukha namang bakas sa aking mukha ang pagtatanong kaya umimik ulit siya.

"His father is my uncle kaya kilala ko siya," she added.

Wow, so we are in the same circle then? No offense pero hindi kasi halata kay Siara na mayaman sila. She was always so simple and demure.

Bigla namang nagring na ang bell kaya nagmadali na kaming pumunta sa designated rooms namin.

Isa lang ang klase ko ngayong umaga at mamayang hapon pa ang next na klase, gusto ko sanang magpasama kay Siara sa mall para magliwaliw kaso whole day daw siya may klase kaya no choice ako kundi magisang magmall.

Pagkalabas ko ng gate ng school ay agad akong tumulak sa isang public toliet at doon nagpalit. I wore a tight white shirt and high waisted shorts together with my old converse, hindi kasi ako sanay na gumagala ng nakauniform at nakagaulian ko na din na pumunta kung saan-saan pag free time ko.


As expected, maraming lalake ang hindi maalis ang tingin sa legs ko. I exaggeratedly rolled my eyes to show my irritation, may nakita pa nga akong nagaway na magnobya dahil lang napatagal ang titig nung lalaki sa mga hita ko.

Hay, mga lalaki talaga.

Una kong pinuntahan ang Starbucks dahil nagkecrave na naman ako sa americano, para na rin gising ako mamaya sa klase ko.

"One Americano please," I said as I handed my credit card.

Naghanap ako ng mauupuan at saktong meron na malapit lang sa counter dahil maguuli ako pagkatapos kong makuha ang order ko.

As I waited for my name to be called, nagbrowse na lang ako sa social medias ko.

Then an idea popped into my mind, sinearch ko sa lahat ng social medias ang fiancé ko. But he has none! Jusko paano sya nabuhay ng walang social media? Taga-gubat ba siya?

"Americano for Harie!" I immediately stood up while still looking at my phone kaya hindi ko nakita na may makakabungo pala ako sa simpleng pagtayo ko.

Hot liquid immediately spread to my chest area at dahil bigla pa ako sa pangyayari ay nakatayo lang ako dun na parang estatwa.

"Shit, ayos ka lang ba?" The guy who unfortunately spilled his hot coffee in my chest said. Nakita ko rin na humingi nya sa staff ng tissue or something.

Hindi ko pinansin ang lalaki at agad na kinuha ang order ko. I was almost the flash just to get out of that damn shop.

Agad akong naghanap ng botique at pumasok doon. I just picked a shirt and immediately bought it without knowing if it will fit me or how much it is.

Mabilisan din akong inassist ng saleslady sa isa sa mga fitting room para isuot ang binayaran kong shirt.

Napansin ko ng maalis ang damit na may mantsa ay ang pagkapula ng dibdib ko, ngayon ko lang din naalala na hindi lang pala ang damit ko ang nabasa kundi pati ang bra ko.

Hoping that the saleslady was still there sumilip ako ng konti sa pinto ng fitting room at imbis na yung saleslady ang makita ko ay isang lalaki na nakatingin ng diresto sa akin ang bumungad sa aking harapan.

"Putangi-" I almost cursed out loud at sinaraduhan ang pinto ng makita ang lalaki.

Then it came to me na sya yung senior na pinakiusapan namin na makitable! Siya yung masungit na lalaki na kasama nung weird girl na nakashades!

What the hell is he doing here?


continua.

Evident DifferenceWhere stories live. Discover now