Chapter 18

12.3K 235 5
                                    

NAGTATAKA si Elio nang makita nya si Sandy kasama ang kapatid nito na nagmamadaling sumakay nang taxi.

Kaya naman kaagad nya ding pinausad ang kanyang sasakyan para sundan ang mga ito. May kutob syang may nangyaring hindi maganda dahil bakas yun sa mukha nang kanyang kasintahan.

Kanina lang ay mukha syang ewan na nakikipagsagutan sa nurse dahil ayaw sabihin nito kung ano ang nangyari kay Sandy dahil confidential daw iyun. Nung sinabi naman nya na sya ang boyfriend nito ay ayaw naman nitong maniwala dahil may lalaki na daw na pumunta at sumundo kay Sandy kanina. Bakit ba marunong pa sa kanya ang nurse na yun!

Tang'na talaga yung Alcantara na yun! Nagmagaling na naman at naunahan syang pumunta sa ospital. Last week lang ay nalaman nyang kasosyo ni Justin ang kapatid nyang si Vel kaya naman katakot-takot ang ginawa nyang paki-usap para magback-out si Vel dito. Nagka-utang na loob pa tuloy sya sa loko!

Napakunot ang kanyang nuo nang makitang huminto ang taxi na sinasakyan nang mga ito sa isang magarang gate.

Alcantara.

Bakit kailangang pumunta dito si Sandy? Kaya ba hindi na nito sinasagot ang mga tawag nya dahil busy ito sa pakikipagkita sa dating kasintahan?

Napapikit sya at napabuntong-hininga nang maramdaman na nabubuhay na naman sa katawan nya ang malaking selos kay Justin Alcantara.

Napapitlag sya nang magvibrate ang cellphone nya. "Fuck.." Elio hissed.

Clyde calling...

"What?!." Singhal nya kaagad sa pinsan.

"Grabe naman! Bakit badtrip ka?."

"Ano bang kailangan mo?."

"Nakita mo ba yung balita kanina?."

"Wala akong panahon dyan—."

"Nori's dad escaped from the prison."

Natigilan sya. "What?! Totoo ba yun?."

"Oo, nakita ko lang kanina sa balita. Damn! Alam mo na kung nasaan sila? Kanina pako dito sa labas nang apartment nila. Mukhang umalis sila. Anyway nasaan ka?."

Tumaas ang isang kilay nya. "At bakit ka naman nandyan? May gusto ka ba kay Sandy?."

"Baliw? Si Sandy lang ba ang maganda sa mundo?." He can feel the frustration on Clyde's voice. What's happening to his cousin?

"I was worried for Nori..." Clyde almost whispered. Hmm so his playboy cousin likes Nori. Malas lang nito dahil halatang galit ito sa mga kalahi ni Adan.

"Nasa bahay sila nang kaibigan nila. Babalitaan nalang kita." Pagsisinungaling nya. Alam nyang susunod ito kaagad kapag sinabi nyang nasa bahay ito nang mga Alcantara. Awkward naman kung dalawa silang magkakampo sa labas nang mansyon nito.

"Asan nga? Pupunta ko."

"Wag na. Sige bye." Bago pa ito makasagot ay pinatay na nya ang tawag. Napagdesisyonan nga nyang hintayin sina Sandy na makalabas.

***

MAHIGPIT na yakap ang ginawa nina Sandy at Nori sa kanilang ama nang maihatid sila ni Justin sa silid na inuukupa nito.

"Dad bakit ka tumakas? Tiyak na hindi ito makakatulong sa kaso mo." Nagtatampong saad ni Nori sa ama.

Seryoso ang mukha nang kanilang ama. "Don't worry hindi ako o tayo pababayaan ni Ramon."

"Pano kayo tumakas Dad? O baka naman pakana ito lahat ni Don Ramon? Hindi naman kayo malapit pero bakit ganun nalang ang tulong na binibigay nya satin? O tulong nga na matatawag to."

Desirous Men 1: ELIO | CompletedWhere stories live. Discover now