Chapter 24

184 7 2
                                    

Chapter 24

I sighed as I looked at Kiel on his bed. He was still on his PJs and just lying sleepily on it. Gising na ito pero hindi magawang maglikot dahil may sakit.

I smiled at him.

"Ate will just attend her classes, okay? Nandito si Ate Sierra para mag-alaga sa 'yo," I told him. "Is it okay with you?"

"Opo, Ate."

"May gusto ka bang pasalubong?"

"Chicken and spaghetti!" he giggled, looking excited, too.

"Okay. Dito ka lang, ha? Magpagaling ka."

Tumango ito at hinalikan ko siya sa noo bago lumabas ng kanyang kwarto. Pinuntahan ko si Ate Sierra na nagluluto ng lugaw para kay Kiel.

"Huwag mo masyadong intindihin ang kapatid mo. Ako na ang bahala sa kanya," aniya at ngumiti sa akin. "Dahil sa pabago-bagong panahon siguro kaya siya nilagnat. Magiging maayos din iyon."

"Salamat, Ate. Mauna na po ako," paalam ko at sinukbit na ang bag sa balikat.

Kiel started to get sick last night. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkasakit ang kapatid ko kaya sanay na ako sa ganoon. Children like him get sick easily kapag pabago-bago talaga ang panahon. Kung minsan kasi ay sobrang mainit tapos bigla namang uulan.

Binantayan ko siya buong gabi kaya halos wala rin akong tulog. I always touch his forehead kung bumaba na ba ang temperature at ginigising kapag kailangang uminom ng gamot.

"Have you seen a walking zombie?" I rolled my eyes when Silverio blocked my way towards our classroom. Kasabay ko si Sanya na naglalakad na natawa na lang dahil sa kaibigan. "You should look your face in the mirror and you'll see one," he smirked.

Tumigil ako sa paglalakad at hinayaan na si Sanya na mauna sa classroom. Binalingan ko si Silverio at naupo sa gilid.

"May sakit kasi si Kiel. Hindi ako masyadong nakatulog," I told him.

"How's he?"

"He's fine. Pag-uwi ko magaling na 'yun," I smiled.

"Of course. He's a big boy na."

For the whole day, I tried to focus on our discussions. Nang lunch ay nag-send ako ng message kay Ate Sierra. She told me that Kiel was just fine and playing in his room, but still sick.

From: Sandro

He's back.

My heart hurt a little by just reading his message. Unti-unti, ramdam ko ang pabilis na pabilis na pagkabog ng dibdib ko. After weeks of being gone, he's finally back.

I massaged my temple when our professor dismissed us. Nakasimangot si Sanya at sinubsob ang mukha sa kanyang arm desk. I chuckled seeing her like that because she was already mirroring my future reactions.

"Grabe, ayoko na!" she ranted and groaned. Mas lalo akong natawa dahil doon. Minsan lang naman siya magreklamo pero kapag ginawa na niya, alam kong grabe na nga. "Hindi ko na alam kung paano hahatiin katawan ko. So much workloads for this semester!"

"We have no choice, but to do it. Tara na," aya ko sa kanya.

Silverio told me to wait for him because he wanted to drive me home so that he could visit Kiel also. I waited on the concrete bench just beside the hall while jotting down all the things that I would buy. Magpapasama rin kasi ako kay Silverio na dumaan sa mall para makabili ng supply at pasalubong para kay Kiel.

I already tidying my place when I saw Vance meters away from me. Nakasandal ito sa puno at halatang may hinihintay. He was gone for almost two months. Kahit na hindi gaanong katagal, pakiramdam ko ay may nagbago sa kanya.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Where stories live. Discover now