'Di ko mapigilang ngumiti makita ka lang online
Na ang kilig mas bongga pa sa Valentines
Minsan nga, bigla ka lang lilitaw sa isipan ko
At dahil lumitaw ka, bumuo na agad ng ngiti ang mga labi ko
Oo, ikaw, ikaw na ang dami daming sinasabi
Ang rason kung bakit namemental block ako palagi
At ikaw rin ang rason bakit ako'y unti unting nagbabago na
Wala eh, nakuha mo na ang aking isipan at puso- hatdog na gaga
Na kapag nag-vivideo chat, nahiya na ako sa camera
Kasi 'di ko napapansin ako'y nakatitig na pala
Inaalala yung binigay mong ligaya
Gamit lang ang iyong puso at salita
Na kapag sinasabihan mo ako ng mga bagay na magaganda
Mukha kong nagiging kamatis na sa sobrang pula
Hatdog...wala na
Puso'y....nagwawala
Utak kong may sira, iniisip lang ay ikaw
Ikaw, ikaw na mas maliwanag pa sa araw
Ngayo'y nasanayan ko nang mag-suot ng dilaw
Inaaral ang 'yong bawat sinasabi at galaw
Utak mong magulo
Sing gulo din ng isip ko
Salita's motibo
Na nagpapatibok ng puso
At ngayo'y nababasa mo na ang aking munting tula
Gustong kong malaman mo, (Wala bolahan ah)
'Di ako nagloloko, totoo na talaga
Gusto na kita