1

7 3 0
                                    

[A/N]

Naalimpungatan si Kier Luxwell Perez sa ingay ng dumaraang sasakyan ramdam nito ang init ng araw na tumatama sa kalahating katawan. Inimulat niya ng kaunti ang kanang mata gayon din ang kaliwa nang dahan dahan. Saglit pa siyang nag-isip habang nakipagtitigan sa kisame bago bumangon at agad na lumingon sa orasan.





' Sh*t its 9 am '

Napapikit ito sa inis dahil ma le-late na siya sa kanyang lakad. Plano nitong bisitahin ngayon ang isa sa mga pumaslang kay Feyre, Ang kanyang kasintahan. Bagamat nangangalahati na siya sa pagpaslang ng mga ito hindi niya parin nakakaharap ang Boss nila na kanyang lubos na hinahanap.





Agad na pumasok si Kier sa banyo at naligo nang hindi hihigit trenta minutos at naghanap ng masusuot. Napili nito ang simpleng puting tisyort na tinernuhan ng itim na maong at pantalon saka sapatos. Naisipan niyang sa labas nalang kumain at agad na umalis ng bahay, Sa paglabas nito'y pumara ng motor siklo.





"Manong bayad" wika niya nang makarating sa destinasyon.





*News and Media Library*

Pumasok si Kier sa librerya kung saan tanaw nito ang lalaking naka salamin at may hawak hawak na libro't naka pang de-kwatro. Umupo siya hindi kalayuan sa lalaki at patuloy lamang sa pagmamasid.





"Hi?" Ani ng isang kulot at payating babae na kung titignan hindi lalayo sa edad bente dos, Kapansin pansin din ang unipormeng suot nito. Marahil ay nasa kolehiyo na ito na ngayon niya palamang nakita. Naupo siya tapat ni Kier.


"Hi??" pag-uulit ng babae.

"Hindi ko aakalain na dito kita mahahanap"

"Sorry kung makikiupo ako ha"




"Kilala ba kita?" kunot noong tugon ni Kier .


"Ako si Reynalen, Reynalen Vineda" ani nitong inilahad ang kanang kamay, hindi iyon binigyan pansin ni Kier sapagkat naka tuon siyang nakatingin ulit sa lalaking kanina niya pang hinihintay lumabas.





"Kilala mo siya?" Takang tanong ni Reynalen na nakatingin na rin sa lalaki.




"H-hindi, Anong kailangan mo sakin?"




"Well again I'm Reynalen at isa akong Author, Ahm actually nagsusulat ako ng istorya, Tiyak hindi mo ako kilala pero ako kilala kita at ng ilan kong ka-klase, Ito oh" Ipinakita nito ang isang kuwaderno na naglalaman ng pangalan ni Kier at ilang impormasyon ukol sa kanya.





"Ginawa kang example ni Professor John Fantin sa gagawin naming istorya na ibabahagi sa klase, Mga kilalang tao kasi ang nararapat naming tanungin. Kaya kung ...."





"Hindi ako interrsado"





"Okay lang, Ako lang naman ang dapat maging interesado kaya naman ...."





"Wala kang alam"




"Ah! Kaya nga nagtatanong sayo para may malaman eh"





"Umalis kana dahil hindi ako interesado sayo"




"Eh? Teka !"





Magsasalita pa sana si Reynalen ngunit hindi na ito pinakinggan pa ni Kier at agad na tumayo. Inis na sinundan nito ang lalaking kanina niya pang sinisipat ngunit ilang minuto lang naglaho ang lalaki sa kanyang paningin, I-iling iling siyang lumisan sa librerya. Bagsak ang dalawang balikat ni Kier na nag iwan nang tingin sa lugar.






SPO² Jlitz Keynes POV:

Inihinto ko ang manibela ng sasakyan nang makaharap sa berdeng gate. Hindi ito malayo layo sa iilang bahay kung tutuusin nga katapat lamang ito ng karinderya.





'Ito na ata ang bahay ng suspect'




Saglit pa akong nagmasid sa paligid bago naka-pagdesisyong bumaba. Plano kong tugisin ang suspect ngayong araw kahit walang pahintulot ni Chief, Sinadya ko ring mag suot ng pang sibilyan upang maging maingat. Sa pagkaka-alam ko kasi mabilis ang isang 'to.





Nakailang sigaw na ako't lahat ngunit wala paring lumalabas hindi naman sirado ang gate kaya't pumasok na ako. Nang makarating sa pinto ng bahay ipinihit ko ang hawakan ng pinto ngunit gayon nalamang ang pagkadismaya ko nang naka lock ito. Sa paghakbang ko patalikod kapansin pansin ang isang hardin, Pumihit ako at nag umpisang naglakad sa bandang iyon. Ilang hakbang pa makikita mo ang kaawa awang mga halamang natutuyo na't patay tanging iilang cactus nalang ang nabubuhay na nababalutan ng anlalawa.






Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng pinto. Bukas ito kaya hindi na ako nag atubiling pumasok. Bumungad sakin ang kusina kasunod nito ang malaki laking espasyo ng silid-pahingahaan na may mahabang sofa at flatscreen tv.





Nagpatuloy ako sa paglalakad at inumpisahang maghalungkat ng kung ano man ang makikita.



' Nasaan na ba kasi?!'

' Kailangan kong malaman kong kanino ka nag ta-trabaho!"




Nahagip ng mga mata ko ang ilang litrato na nakapatong sa maliit na kabinet bagamat  medyo may pagkalumaan ito hinduli iyon dahilan upang di mo mapansin. Bahagya kong hinawakan ang litrato at pinakatitigan ang dalawang taong nakayakap sa bawat isa habang abot langit ang ngiti.



"Bitiwan mo yan"




Nabigla ako nang may nagsalita sa likuran! Dahilan upang dahan dahan kong ipinihit pa talikod ang aking mga paa para makita ang nagsalita. Hindi ako nagkamali dahil siya nga ito. Masama ang tingin na animoy ano mang oras susunggaban ako!




"Kier Luxwell Perez?" usal ko.






______________________________________
The DIARY of a CEO
-@Biyaji


The Diary of a CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon