Chapter Ten.

2.9K 90 28
                                    


"Pfft! Gaga! 22 ka na pero hindi mo pa alam ano itsura ng condom? Hahahahaha!" bumulalas ng tawa si Lana. "Perks of being virgin! Hahaha sakit ng tyan ko!" saka sya tumawa ulit.





Napapatingin tuloy 'yung mga emplyedo samin dito. Tatlong araw na ang lumipas nang mangyari 'yun.



Ngayon ko lang naikwento kay Lana kasi absent din sya ng tatlong araw. Kaya heto si gaga, kanina pa ako tinatawanan.






Malay ko bang bibigyan ako ni Mrs. Dela Vegas ng condom. Hindi ko tuloy maiwasang mamula tuwing naiisip ko ang bagay na 'yan.




"Oh tapos? Hahaha ano naman itsura ng fianceé mo 'nung binigay mo ang condom?"




"Lakasan mo pa nga para marinig nilang lahat dito na condom ang topic natin." sarkastikong sagot ko.




Nasa isang bulaloan kasi kami na katapat lang ng kompanyang pinagoo-ojt-han namin. Tsaka lunch time ngayon kaya malamang andaming empleyadong kumakain dito ngayon.




"Sorry na. Eh kasi naman nakakatawa ka, e. Hahaha." sinamaan ko sya ng tingin. "So ano nga 'yung reaksyon ng fianceé mo?" tanong nya habang natatawa pa rin.




"Ayun, diring-diri."




Hindi ko tuloy maiwasang balikan 'yung nangyari...




"Ang cute mo, iha. Hahaha. Condom 'yan. Gusto naming magka-apo pero dapat pagkatapos nyo munang makasal."



Bigla tuloy akong nasamid ng sarili kong laway. Saka condom lang naman pala, eh. Aanhin naman namin 'to ni bakla?




"Ahh, hehehe. Salamat po at nag-abala pa kayo na b-bigyan kami ng...condom. hehehe." naiilang na talaga ako.




Baka iniisip ni Mrs. Dela Vegas na nag-toot kami ng anak nya. Nakuu! Kung alam 'nyo lang po na shukla 'tong dodong 'nyo, eh baka magimbal ang pagkatao 'nyo.



"Maliit na bagay! Pero gusto ko na talaga magka-apo. Excited na tuloy akong makasal kayo!"





Nasamid ulit ako sa ikatlong pagkakataon. Asan ba si Andrew at hindi man lang lumabas sa kwarto nya? Ako tuloy iniinterview ng mama nya.





"Hehe. Ako rin po." naiilang akong ngumisi. "Tawagin ko po muna si Andrew. Nasa kwarto po sya-"



"Huwag na, iha. Baka napagod sa ginawa 'nyo. Hehehe. Osya! Aalis na ako, ha. Basta 'yung habilin ko 'wag 'nyong kakalimutan."



Napagod daw sa ginawa namin? Eh naglinis lang naman si Andrew kanina habang ako naman naghugas lang ng pinggan tapos nakabasag pa!



Wala namang nakakapagod 'dun.



"Sige po. Mag-iingat po kayo, Tita."



End of flashback..



"Pfft! You should have recorded his reaction, you know. Hahaha!" Lana said while laughing. Sinamaan ko agad sya ng tingin, laki kasi ng boses ng babaeng 'to. "Okay-okay! I'll shut my mouth now." buti naman.


Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Tatayo na sana ako kaso bumungad sa table namin ang mukha ng isang lalaking mukhang modelo. He seems familiar, though. San ko nga ba sya nakita?




"Hey! Charm, right? It's me, Carlos." he gave me his brightest smile.


Carlos? Where did I heard that name?



"Oww! I think you forgot. I almost throw the frappe that time. Haha."




Oh! Carlos! I'm such a noob for forgetting his damn name. I remember now, Lana said to me before that this Carlos Lee is the only son of Mr. Lee, may-ari ng kompanyang pinag-o-ojt-han namin.




Tumayo agad ako at naglahad ng kamay sa kanya. I know we are not inside of the company but still, knowing that he is the son of our boss, I must show respect. Tumayo rin si Lana at nagpakilala.




"I haven't forget you. I was just kinda pre-occuppied." I say. "Anyway, you can sit with us." offer ko na mukhang kinatuwa naman nya.



Can he stop smiling and showing his teeth? Ang gwapo nya kasing tignan kapag nakangiti. Sinilip ko naman si Lana at patago pang kinilig ang bruha.




"Thanks. Actually, napadaan lang talaga ako rito." he explained.




Buti nalang tapos na kaming kumain ni Lana. We still have 30 minutes before working time starts kaya pwede pa kaming makipag-chikahan kay Carlos.



"I see." I replied awkwardly.





Nang wala akong maisip na topic namin, tinapunan ko si Lana ng tingin at kinausap gamit ang mga mata namin. I was asking for her help since I know that she's more talkative than me. Pero ang bruha, tumingin lang sa kuko nya at nagpapanggap na hindi nya ako nakikita.




May napapadaan ding mga empleyado ng Lee Corp. at binabati sya. I observed that he's friendly with the employees. Kapag may bumabati kasi sa kanya, binabati nya rin pabalik at ngumingiti.




"Madalas ba kayo rito?" tanong ni Carlos kaya tumango naman ako. "Can I join you guys tomorrow? Sagot ko na 'yung foods." he offered.





I smiled awkwardly. Sasagot na sana ako kaso si Lana na ang sumagot para sakin.



"Sure! You can join us tomorrow."




"Okay. Haha! Anyway, mauna na ko, I still have many paperworks to do. I'll meet you guy here tomorrow by lunch, 'yea?" he said and I was a bit amuzed by his sexy accent.



He waved us goodbye kaya naiwan kami ni Lana.




"Bruha ka. Ba't ka pumayag? Nakakahiya kayang malibre sa anak ng boss natin!"





"What? He's the one who offered us! Sayang 'yun. Saka malapit na rin naman tayo matapos sa ojt natin 'no. Sulitin na natin."




"Sabagay."




Next next week na rin pala matatapos na kami sa ojt namin. Konting kembot nalang din gagraduate na kami. Woosh!




"Saka ang gwapo ni Sir Carlos 'no! Matatanggihan mo ba ang mga ngiti nyang 'yun?" wika nya at mukhang nagpapantasya pa.



Napailing nalang ako at napagdesisyunan na naming bumalik sa loob ng kompanya. Mabilis lang lumipas ang oras. Nakahinga rin ako ng maluwag kasi mukhang good mood si Gwen ngayon at hindi man lang ako inutusan.




Nang oras na ng uwian, dumiretso agad ako sa condo. Pagdating ko mukhang wala pa si Andrew kaya naisipan kong labhan muna ang mga labahan ko.




Nagluto na rin ako para sa hapunan ko nang magaalas syete na ng gabi. Ngunit wala pa rin si Andrew?



"San na kaya 'yung baklang 'yun?"




Nakakain na ako't lahat, wala pa rin sya. Nang matapos akong maligo, narinig kong may nagbubukas na ng pintuan sa labas kaya lumabas agad ako sa kwarto.




At hindi ko inaasahang isang Andrew'ng lasing ang bubungad sakin pagkabukas ng pinto.

***

Seducing my Gay Fianceé (COMPLETED)Where stories live. Discover now