17

139 12 0
                                    

"JP, TIGILAN mo nga 'yan," suway ni Miah kay JP na panay ang dikit ng mga nakahanger na damit sa likod niya.

"Bakit naman?" patuloy pa rin ni JP. "Masama bang magsukat? Alangan namang sa sarili ko sukatin." Dikit ni JP sa damit sa sarili nito na hindi lang ikinahagikgik ni Miah kundi ng mga kaibigan niya at ng sales lady na naroroon. "See, tatawanan mo lang ako. Kaya tumalikod ka nang maisukat ko sa 'yo." Pilit pang pagpapatalikod nito sa kanya.

Napailing na lang si Miah at nagpatuloy sa pagpili ng damit habang si JP ay walang tigil sa pagsukat ng damit sa likod niya. Nasa ganoon silang posisyon nang maagaw ng pansin niya ang paghabol ng isang babae sa lalaki na nauna ng maglakad palabas ng boutique.

"Red, wait for me." Habol pa ng babae.

Para namang pagod na pagod na lumingon si RJ sa babae. "I told you na ayokong nagpupunta sa ganitong lugar. Sinabi ko ring okay lang pero hindi tayo dapat magtagal but I've waited for almost an hour for you." Mabagal ngunit halatang inis na saad ni RJ.

Pinigilan lang ni Miah na lumapit sa ex-fiance niya at sa mukhang bagong girlfriend nito. Naisip din kasi niya na siguro ay ganoon talaga si RJ pero hindi lang nito magawa sa kanya dahil lalabanan talaga niya ito. She always had the upper hand kaya natatahimik lang si RJ.

Actually, halos lahat ng boyfriend niya. Hindi na nakakaimik kapag siya ang nagsalita. At naisip niya na iyon ang isa sa mga inayawan sa kanya ng mga dati niyang nobyo.

Pero bakit si JP?

Bahagya naman siyang napangiti roon habang nakatingin pa rin sa nagtatalong si RJ at ang girlfriend nito. Iba talaga si JP sa lahat ng mga ex niya. Wala yatang talab sa lalaking ito ang mga sinasabi niya. Tinatawanan pa siya nito at sa bandang huli si Miah ang napipikon. It was very refreshing feeling dahil sa huli ay lalambingin siya ni JP dahil doon.

Her exes where far different from JP. Effortless ang ginawa ni JP to make her fall for him. And the biggest different was, mas masaya siya ngayon kay JP kahit na ba hindi niya alam kung ano talaga ang mayroon sila.

Isang malungkot na ngiti naman ang sumilay sa labi niya. Bakit ba kasi ngayon pa siya napanghinaan ng loob. Kung anong tapang niya noon na hindi naman kailangan, ngayon namang kailangan tsaka naman siya nawalan niyon.

"Tsismosa ka din, 'no?" biglang sulpot ni Marsha sa tabi niya. "Teka, si RJ ba 'yon and..." napasinghap na lang doon si Marsha.

"The new girlfriend," dugtong ni Sheila. "kaya tigilan n'yo na ang panonood. Not unless, you still love him, Miah."

"What? N—teka, sinong nagtakip ng mata ko?" tanggal niya sa kamay na tumakip sa mata niya. "JP?"

"Yeah?" seryoso ang tinig na saad ni JP.

"Tanggalin mo 'yong kamay mo."

"Sandali lang," sagot naman ni JP bago napatili si Miah dahil naramdman niya ang pag-angat niya sa lupa. Nang tanggalin na ni JP ang kamay nito sa mata niya, nakaharap na siya sa loob ng boutique. "Tara doon na tayo," hatak pa ni JP sa kanya papunta naman sa men's section ng boutique.

Napatingin na lang siya sa magkahugpong na kamay nila dahil naintindihan na niya kung bakit ginawa ni JP iyon. He was protecting her. Pero hindi ba siya proprotektahan ni JP sa sarili nito?

[Completed] My Ex-Timid KnightWhere stories live. Discover now