Chapter Twelve

1.4K 70 8
                                    

     "Ang ganda mo," bungad ni Dylan nang matapos mag-ayos si Savi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda mo," bungad ni Dylan nang matapos mag-ayos si Savi.

Nakabihis na silang tatlo at handa na para sa kasal na magaganap mayamaya. Savi wore a simple white long gown, while the boys were wearing white dress shirts.

Savi smiled at Dylan for the compliment then proceeded to check her boys' outfit.

"Ang gagwapo naman," wika niya. Buhat ni Dylan ang bata na siyang una niyang nilapitan para bigyan ng halik sa pisnge, matapos ay si Dylan naman.

Savi tried her best to hide how her memories are affecting her. She acted as if the feelings she got from them aren't a big deal. When she slept yesterday, she earned a few more memories during her sleep, through her dream.

Pilit naman niyang sinasabi sa sarili na huwag mag-alala, dahil kayang-kaya niyang piliin si Dylan kahit bumalik pa ang alaala niya tungkol sa ama ni Sylver. Kailangan niyang piliin si Dylan ng paulit-ulit at 'yon ang itinatak niya sa isip niya.

Lahat gagawin niya para protektahan ang pamilyang binuo nila.

Savi knew that memories are a big part of people, the past molds a person into who she or he is in the present. They also hold precious memories. However, for Savi, having it back seemed selfish. Because it might mold her into a person that can destroy Sylver's mom and Dylan's lover. Some parts of her heart wants it back but her mind was completely against it.

Akala niya ay ang mga alaala ay maalala lang, ngunit parang pinagdaanan niya ulit ang nakaraan at lahat ng naramdaman niya noon ay sariwa pa sa puso niya.

Biglang tumunog ang phone ni Dylan kaya binaba nito si Sylver. Binalikan naman ni Sylver ang ilan niyang laruan.

"Mommy, water po," sabi ng anak kay Savi.

"Sige, kukuha ako. Stay here ha."

Lumabas si Savi sa kwarto at sakto naman na kalalabas lang din ni Chandler. Nang magtama ang mga mata nila ay agad na nag-iwas ng tingin si Savi.

Hindi na lang niya ito pinansin at dumeretso sa kusina. Naramdaman niyang sumunod ito ngunit hindi niya nililingon.

Napansin naman ni Chandler ang ginagawang pag-iwas ni Savi. Nag-aalala pa rin tuloy siya dahil sa nangyari kahapon. Gusto pa man din niya itong tanungin kung kumusta na ang pakiramdam pero mukhang ayaw siyang kausapin ni Savi.

Habang nagsasalin ng tubig sa baso si Savi ay nagkunwaring may ginagawa rin sa kusina si Chandler.

"Savi..." ani Chandler na parang batang may nagawang mali. "May nasabi ba 'kong mali kahapon? I'm sorry if my questions were insensitive."

Saglit na natigilan si Savi bago harapin si Chandler.

"Wala naman. Sumama lang ang pakiramdam ko," tugon ni Savi.

"Are you sure?" Kumunot ang noo ni Chandler habang nakatingin kay Savi.

Napaiwas naman ng tingin si Savi.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon