2

8 2 0
                                    

"Mga kababayan, lahat ng tao ay nagkakaguluhan. Mas gumulo ang mundo sa pandemya na ito. Nasa labanan ang mundo kung saan hindi mo makikita ang 'yong kalaban. Libo-libong mga buhay ang nawala sa isang iglap. Halos milyon ang nahawaan sa isang virus na walang kaalam-alam." Wika ng tagapagbalita.

Nilingon ni Tonyo ang kaniyang ina. "Nay, ano pong virus? Ganoon na lang po ba ito nakakatakot kaya puro ito ang nasa balita?" Mababatid sa boses ni Tonyo ang pagkatakot.

"Oo anak, kaya huwag ka munang makipaglaro sa labas. Dito ka lang muna ah? Para hindi ka mahawaan."

Si Yna ay isang nars. Alam iyon ni Tonyo, ngunit hindi nito alam na ang kaniyang ina ay inilipat sa isang ospital kung saan madami ang kaso ng COVID-19. Natatakot man si Yna, pilit niyang nagpapakatatag dahil maraming mga pasyente ang pilit na nilalabanan ang virus na ito. At gusto niyang magpapakatatag para sa kaniyang anak na si Tonyo. Mag-isa lamang niya itong pinalaki dahil tinakbuhan sila ng kaniyang ama.

"Anak, pupunta na si nanay sa trabaho mamaya. Mag-iingat ka dito. Huwag kang mag-alala dahil pupunta dito ang Tiya Celeste mo. Magpapakabait ka ah? Nandiyan ang alcohol at mask, huwag mong kalimutan." Paalala ng nanay sa kaniyang anak na si Tonyo.

"Opo nay, mag-iingat po kayo. Gusto ko man na dito nalang po kayo sa bahay, baka pagalitan ka po." Nalulungkot na sabi ni Tonyo. Makikita mo sa kaniyang mga mata ang lungkot, ngunit tinatakpan lamang niya ito sa kaniyang mga ngiti.

Bago umalis si Yna ay niyakap muna nito ang kaniyang anak at binilin ang mga dapat niyang gawin.


Sumakay ng dyip si Yna, ngunit siya lamang ang pasahero. Dalawa silang nakasuot ng face mask at face shield at napakalayo ng distansya ni Yna at ng drayber. Ito ang epekto ng pandemya na ito. Nakaramdam siya ng awa sa mga patuloy pa rin na naghahanap buhay. Maraming pamilya ang apektado, walang makain at umaasa na lamang sa kakaunting nabigay ng gobyerno. Mas lumala ang kahirapan sa pandemyang ito.

Nilagay ni Yna ang isang daang piso sa lalagyan bago siya bumaba ng dyip. Inaasahan niya na sana makatulong ito kahit papano.


Dumiretso si Yna sa isang kwarto ng mga nars para magsuot ng napakadaming balot at PPE. Pagkatapos ay inasikaso niya ang mga pasyente.

Sa kabila naman nito, labis ang lungkot na nararamdaman ni Tonyo. Nag-aalala si Tonyo sa maaring mangyari sa  kaniyang ina. Nag-isip si Tonyo ng pwede niyang gawin para sa ina. Nagsulat si Tonyo ng isang liham para sa kaniyang ina at nilapag niya sa lamesa ang mga liham na kaniyang ginawa.

Ganoon palagi ang kaganapan sa buhay nila. Isang buwan nang hindi nakakauwi si Yna. Nag-aalala na si Tonyo sa kaniyang ina. Sa cellphone lamang niya ito nakakausap at hindi ito sapat upang malaman kung ayos lang ba ito.


Isang buwan pa bago nila nalaman na malala na ang kondisyon ni Yna. Umiyak nang umiyak si Tonyo sa sobrang pag aalala. Nahawa si Yna sa isang pasyente na kaniyang inaasikaso. Pilit nilalakasan ni Yna ang loob niya para sa kaniyang anak. Masyado pang bata si Tonyo para maging ulila.

Ilang araw lamang ay tuluyan nang pumanaw si Yna nang hindi nakapag-paalam dahil sa COVID19. Isa lamang ang nasa isip ni Tonyo. Isang bayani ang nanay ko. Dahil doon ay nagkaroon ng inspirasyon si Tonyo na magpatuloy sa kaniyang mga pangarap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon