KABANATA 15

2 1 0
                                    

KABANATA 15

Palabas na sana ng university si Andie ng makita niya si Jeon na hinihintay siya.
Mabilis siyang nag tungo doon.

Nakatingin lang si Jeon. Sa sahig habang nakasandal sa kanyang kotse ng tapikin ni Andie ang balikat niya.

Kaya napatingin siya dito at ngumiti.

"Hinintay mo pa ako."  nakangiting wika ni Andie.

"Okay lang." Ani ni  Jeon at May kinuha sa loob ng kotse. "para sa'yo." Sabay abot kay Andie ng bulaklak.

Nakakunot nuong tumingin si Andie kay Jeon.

"Para sa'kin." Tanong ni Andie sabay kuha ng bulaklak.

Mahinang tumango naman si Jeon. Sabay kamot sa ulo.

Napangiti si Andie"Salamat." Sabay amoy sa bulaklak.

"So tara." Ani ni jeon sabay bukas ng kotse. Napatango naman si Andie at mabilis na pumasok sa loob ng kotse.


NAKATINGIN lang si Andie sa Labas ng bintana habang si Jeon naman ay panay ang sulyap sakanya.

"May pupuntahan paba tayo?."  Tanong ni Andie nang makitang iba ang kanilang dinaanan.

Tumango naman si Jeon sabay tingin baling ng tingin sakanya. Napatango Tango naman si Andie Sabay balik ulit ng tingin sa daan.

Huminto ang sinasakyan nilang sasakyan sa isang park, gabi na kaya kitang kita mo ang mga magagandang lights at disenyong naroon sa park.

Gabi na kaya magandang tignan ang mga lights na naroon.

"Ang ganda naman dito."  Wala sa sariling wika ni Andie.

Napangiti Jeon ng marinig ang sinabi ni Andie

"Mabuti at nagustuhan mo." Ani ni Jeon sabay tingin kay Andie.

Napangiti naman si Andie.

"Bakit naman hindi. Ang ganda kaya dito." Napatango naman si Jeon at nag umpisa nang maglakad.

Habang nag lalakad nakatingin lang si Andie sa mga lights na umiilaw na nadadaanan nila ni Jeon.

Nag uusap lang sila ni Jeon habang naglalakad.

"Andie, May sasabihin sana ako sa'yo." Nakangiting ani ni Jeon. Napatingin naman sakanya si Andie.

"Ano yun?." Tanong ni Andie.

"Ano Gusto kita."  Nagulat naman si Andie sa sinabi ni Jeon."pero okay lang handa naman akong maghintay."nakangiting ani ni Jeon.

"Jeon ano kasi, hindi pa ako handa." Wika ni Andie sabay iwas ng tingin

"Hindi naman ako nag mamadali handa akong maghintay." Nakangiti si Jeon habang nag sasalita. Napatango naman si Andie. "Pero sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa'kin dahil sa pag amin ko."

"Makakaasa ka doc Jeon." Nakangiting ani ni Andie.

Napangiti si Jeon dahil sa sinabi ni Andie.
Mabilis na hinawakan ni Jeon ang kamay ni Andie at tumakbo papuntang ihawan.

"Masarap dito sabi nila." Nakangiting ani ni Jeon sabay pili ng mga ihaw.

"Kumakain ka niyan." Tanong ni Andie.

"Ahm, oo." Nakangiting sagot ni Jeon.

"Akala ko kasi hindi ka kumakain?." Nakatingin ani ni Andie kaya napatawa si Jeon.

A BROKEN MEMORYWhere stories live. Discover now