1

25 1 0
                                    

Shin's POV

Ilang linggo na simula nang mawala si Alex.

Brigitte's getting weak everyday, nalalayo na kami sa isa't isa, I haven't been able to talk to Kris, hindi kami nag-uusap ng mga kapatid ko, everything's just broken now.

I try to act strong every time na dadalaw or makikita ko si Brigitte, I don't want her feeling sad or worried about me. We all act that we're all still solid and happy but as soon as we leave the room, we go on separate ways without uttering a single word.

Sinubukan akong kausapin nina Kevin at Kenneth pero nilalayuan ko lang sila. I can't eve look at them in the eye. Sobrang lala ng guilt na nararamdaman ko, and the worst part about it, hindi man lang ako makapagbayad sa kasalanan na ginawa ko.

Kris has always been there for me pero katulad ng ginawa ko kina Kenneth, tinutulak ko lang din siya palayo sa'kin, the thing is, mas mapilit siya kesa kila Kevin. Hindi niya ako tinitigilan. Lagi niya akong pinagluluto ng pagkain at binabantayan sa condo, maski sa pagtulog sumisiksik siya sa'kin, umaarte si Kris na para bang walang nangyari. Good for him that he can, I honestly can't, I'm not even sure if I will want to.

A lot of shit happened, I cant just make it all go away and act like it never happened. That's bullshit.

"Shin, please kumain ka, kahit konti lang," mahinang sabi ni Kris habang hinihimas ang balikat ko. Lumayo naman ako sa kanya at nagtalukbong ng kumot.

"Shin, kausapin mo naman ako..." mahina niyang sabi while his voice cracked. Huminga ako nang malalim at pumikit, trying to blink away the tears na namumuo sa mata ko.

"Nahihirapan akong ganyan ka, ano bang pwede kong gawin? Anong gusto mong gawin ko?" tanong niya pa pero tuluyan ko lang siyang hindi pinansin at maya-maya pa ay nakatulog na ako.

-

Nagising ako dahil sa pagyugyog ng kama ko at nung nilingon ko naman ito ay nandito sina kuya sa kama.

"Good evening, madam. Sabi samin ni Kris magdamag ka lang daw natulog. Ilang linggo ka nang ganyan." Mahinang sabi sa'kin ni kuya Jin at muli naman akong nagtalukbong ng unan.

Ang kukulit nila, tingin ba nila may gana akong gumawa ng kahit ano? Bawat galaw ng katawan ko masakit, kada segundong gising ako namumuo ang mga luha sa mata ko. Sa tingin ba nila ilang linggo lang okay na kaagad ako? Pinatay ko si Alex, madali bang i-absorb 'yon? Gusto nila okay lang ako kaagad? I'm not even sure if I'll be okay, tapos sila their already expecting me to be okay within a month? 

-

"Shin, uwi na kami. I was hoping that maybe we could talk about things pero natulog ka lang din. We stayed for two days pero tuwing wala kami rito sa kwarto mo saka ka lang kumikilos tas kapag babalik kami, natutulog ka na naman agad," mahinang sabi ni kuya Jin at hindi ko naman siya pinansin habang patuloy pa rin ako sa pagpikit ko.

Natahimik na sa buong condo ko at maya-maya pa ay naramdaman ko na ang presensya ni Kris. Umupo siya sa sahig na katapat ko at hinaplos ang mukha ko.

"Miss na miss na kita, ang sakit-sakit makita kang ganyan, Shin," mahina niyang bulong at maya-maya pa ay naririnig ko na siyang umiiyak na nakapagpabasa na naman ng mata ko kaya naman agad ko siyang tinalikuran para hindi niya makita ang mukha ko.

Ayoko na.

-

"Shin, ayoko na," mahinang sabi ni Kris habang nakatingin sa'kin at napatitig naman ako sa kanya.

I mean, I wouldn't blame him. I would even stay away from me, I am a murderer anyway.

"Okay, you can leave me," sabi ko at binigyan siya ng pilit na ngiti.

I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon