Paglingon ko wala na dito si bakulaw, asan na kaya yun! nakakatakot dito, ang dilim, diko kaya
Hihiga na sana ako ng biglang may humawak sakin na pangit... HAHA echos lang, Napasigaw ako
"TULONG! May multo dito"
Tinawanan nya ako
" Walang hiya kang bakulaw ka! Tinatakot mo ba ako?!" sabi ko pero tawa parin sya ng tawa yung parang nababaliw naTinulak ko sya, kainis
"Noh ba?! Ba't mo'ko tinulak?" sabi ng bakulaw na'to
Natawa ako sa kanya, ang pangit ng reaction nya parang dyablo HAHA^^
"Ano ba ang problema mo?" tanong nya
"Ang galing mo din noh? Bahala ka nga sa buhay mo! Matutulog na ako, kaya ikaw pumunta kana sa kwarto mo"
"Excuse me! tabi kaya tayo" sabi nya
Hindi na ako nagsalita.. Oo nga pala sya nga pala ang kasama ko dito hays!
Zach's POV
Hindi na sya nagsalita ng sinabi ko na tabi kami, Ewan ko baka kinikilig HAHA^^
Humiga na sya at tumalikod sakin, Kainis akala ko kinikilig pero bakit ang sama ng tingin sakin?
Ini-relax ko ang sarili ko at gumalaw ng gumalaw
Di ako makatulog, ang init dito tapos may katabi pa ako, pero ok lang at least si Chloe my Love ang katabi ko kaysa sa bruhang Joyce na yun ka bwesit.
Hays! ang daming pumapasok sa isip ko, ano ba naman to, ang sakit na ng mga mata ko, di talaga ako makatulog
Ilang minuto lang lumabas ako sa kwarto para mag CR (sama ka) HAHA ^^
Pagkatapos ko mag CR ay bumalik ako agad, at nakita ko ang baby Chloe ko na mahimbing na ang tulog
Ang cute nya^^
Hahawakan ko na sana ang mukha nya ng bigla syang dumilat... Boom! Nakakahiya kaya humiga nalang ako tapos tumalikod sa kanya
Chloe's POV
Hahawakan na nya sana ako sa mukha pero bigla akong nagising, Sayang! haha chance na sana ^^
Hindi na ako nakatulog, kainis kasi tong lalaki na'to hays! Nagpagulong gulong ako, kahit ano ginawa ko para makatulog lang pero hindi talaga, Sarap itulak ang katabi ko.
Tumayo ako at pumunta sa may bintana... wala lang trip ko lang at tumingin sa buwan ng biglang may nagsalita
"Dika ba makatulog?" tanong nya
Ayy! Anak ng durian tong bakulaw na'to, sarap upakan, ganda ng moment ko, nakialam pa kainis
"Ano ba pakialam mo ha?" tanong ko naman pero di nya ako sinagot
"Bahala ka nga" dagdag ko pa tapos bigla syang nagsalita
"Gusto mo malaman?" tanong nya
"Oo, magtatanong ba'ko kung hindi?" sabi ko sa kanya
"At the right time" sabi nya at nag smile
"Eh pano kung walang tamang panahon?" tanong ko
"Problema mo na yun!" sabi nya
Ang kapal talaga neto... Nilapitan ko sya tapos inupakan at nahiga na ulit ako
Zach's POV
Aray ko! Inupakan ba naman ako, nagpapacute lang naman kasi ako eh, manhid talaga tong babaeng to
Tiningnan ko sya at ang hininga nya nalang yung marinig ko
Nakatulog na yata si crush ko! napangiti ako at natulog nadin
Ang sweet namin, nagtatawanan, nagyayakapan, at nagkukulitan, Sya na yata ka Forever ko ng biglang
"HOY! bakulaw! Gumising kana!" sabi ni Chloe
Tsk, akala ko totoo na panaginip lang pala, nakakairita
"Oo na, wag kanang sumigaw dyan" sabi ko
Tapos lumabas na kami ng kwarto, hays! Megosh pwede bang i-continue ko nalang ang panaginip ko mamaya? ^^
Nathan's POV
Kami ni Joyce ngayon ang nagluluto ng breakfast namin, syempre kami ang naka assign kaya no choice, Ayun na nga nag usap-usap lang kami ni Joyce, medyo nagkasundi na kasi kami, pero medyo lang wag nyo nang sobrahan ^^
"Alam mo ngayon lang ako nagmahal ng ganito, akala ko crush ko lang sya pero na realize ko na Love na pala tong nararamdaman ko^^" sabi ni Joyce
"Ano? Ako mahal mo?" tanong ko
Binatukan nya ako sabay sabi
"Assuming mo din noh!, ako magkakagusto sayo? Never!" sabi nya at tinarayan ako
"Aray ko! Nagbibiro lang naman ako, ang sakit!" sabi ko
"Masakit? gusto mo ulitin ko pa?" tanong nya
Diko na sya pinansin at tinuon ko yung pansin sa pagluluto, mga ilang minuto pa ay natapos din kami sa pagluluto, at hinihintay nalang namin ang iba.
Enjoy your reading^^
![](https://img.wattpad.com/cover/239331684-288-k850363.jpg)