Chapter 1

4 0 0
                                    

"Azi oh,inaway ako." Rinig kong sumbong ng kasama ko rito─well,madami kami rito sa bahay andito kasi mga pinsan ko e at mga anak nila

"Wala ba kayong planong manganak?" Tanong ni August isa sa mga pinsan ko

"Hell no! Ako?! Mag papaanak sa lalaki'ng iya'n?" Sambit ko at tinuro si David na parang maiiyak na sa asar,pinagtulungan ng mga bata e

"Ano?! Tama ba narinig ko? Ayaw mong mag paanak sakin?!" Gulat niyang tanong na ikinairap ko

"E ano namang pake mo?" Sagot ko kaya siya naman umirap

"Sinusubukan mo talaga ako,Luna a! Tandaan mo ang sasabihin ko.." sabi niya at lumapit ng konti sa mukha ko kaya napaatras ako "Sisiguradohin kong hindi kana makakalakad ng maayos bukas!" Sigaw niya na ikinahalakhak ng lahat,dahil sa hiya namula ako at sinamaan siya ng tingin──ang likod niya bumalik kasi sa mga bata e!

"Baho ng hininga!" Sigaw ko pero di niya ako pinansin

Napatingin ako sa dalawang kasama ko na tumatawa

"Anong tinatawa tawa niyo dya'n?! Baka nakalimutan niyong bahay ko to at maari ko kayong sipain palabas." Napamaywang kong tanong at tinalikuran sila para pumuntang kusina,tignan ko niluto ko baka kasi masunog e..

"Insan! Aalis na kami ni Sam! Kayo na bahala sa mga bata a!" Sigaw ni August

"Oo! Umalis kana o baka di ko mapigilan paluin sayo ang kubertos ko!" Sigaw ko pabalik narinig ko pa ang gago tumawa

"Dabid! Bantayan mo ang dalawang yan! O kundi,kutosan kita." Pag babanta ko,tumango naman siya,di din nakaligtas sakin ang pag mamake face nya

"Isip bata ang bakla." Bulong ko sapat na marinig ng isang kasambahay namin kaya natawa siya,'di ko nalang siya pinansin alangan namang sabayan ko din siya pag tawa?

"Madam,bakit po kayo ang nag luto? Pwede naman pong si Manang Rita e,pwede rin pong ako." Sabi ng isang kasambahay namin na si Rika,

"Hindi kasi porque kumuha na akong kasambahay,kayo na gagawa ng lahat,asawa din ako ng pesteng asawa ko kaya minsan ako gumagawa ng ulam niya." Hindi ako tumitingin sakanya na sagot ko,
"Tsaka,wag mo nga akong tawaging madam hindi naman ako ganun ka tanda." Reklamo ko dahilan para mapaawang ang labi niya

"Opo." Sagot niya at lumisan dito sa kusina,bago pa naman yun e,

Maya maya dumating si David kasama si Xavier at si Kia

"Kumain na kayong dalawa o kundi iuwi ko kayo ng mas maaga." Banta ko sa dalawa kaya mabilis silang lumakad patungong mesa

"Ako rito! Kasi gusto ko katabi si tita Kim!"

"Ako kaya nauna! Tsaka I want din katabi si tita kim."

"No! I sit first! So you go,sat with tito David!"

"Hoy kayo! Umalis kayo dya'n! Dya'n pwesto ko!" Sigaw ko sa mga pesteng englishera't englishero na mga bata

Kaya dali dali silang umalis sa pwesto ko,akmang uupo si Xavier katabi ko ng harangin ko yun,nag pout naman ito

"Walang tatabi sakin,be fair with your little sister." Sabi ko kaya wala siyang magawa kundi tumabi sa kapatid niya

"Woah! Baby,dya'n ba ako uupo?" Pang aasar ng pesteng asawa ko

"Anong ikaw?! Ah! Oo nga noh,pinaalis ko nga si Xavier para walang tatabi rito! Tatabi ka o tutusukin ko mata mo sa kutsilyo na ito." Banta ko at tinutukan siya ng bread knife,nag pout naman siya at tumabi din sa mag kapatid

Untitled Love StoryWhere stories live. Discover now