41

60 7 0
                                    

"Chrisssss!" Bungad ko nang makarating kami sa bahay nila Christopher. Napangiti siya sa akin at agad akong sinalubong ng yakap.

"Buti at nakarating kayo ng ligtas." Sambit niya nang humiwalay siya mula sa aming pagkakayakap.

Nginitian ko siya at nilingon sina Cynthia at Lucas na nasa likuran ko. "Ah Chris, sina Cynthia pala at Lucas pala. Si Cynthia matalik kong kaibigan at si Lucas naman ay future bebe ni Cynthia—"

"Martina!" Saway sa akin ni Cynthia na ikinahagikgik ko lamang. Maging sina Chris at Lucas ay natawa rin.

"Sorna hehe." Nasabi ko na lang at saka tumabi kay Chris.

"Pasok kayo sa loob." Anyaya niya sa amin na ikinatango naming tatlo.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila Christopher ay masasabi kong simple lang ang bahay nila, mapalabas o loob man. Pero maganda dito lalo pa't mahangin sa lugar na 'to 'di tulad sa amin.

Ang lugar nila Chris ay hindi naman sobrang layo sa lugar namin, siguro dalawang oras mahigit ang byahe? Dito ko lang talaga naisipang dalhin si Cynthia para makalayo doon at malibang siya. Syempre para na rin makasama ko si Chris ng personal kahit ilang araw lang.

Pagkapasok namin ay pinaupo kami ni Chris sa kahoy nilang upuan, sabi niya ipapasok niya lang ang mga gamit namin sa kwartong tutuluyan namin. Sumama rin si Lucas para tumulong kay Chris kaya naiwan kaming dalawa ni Cynthia.

Pansin ko ang pagtingin-tingin ni Cynthia sa paligid ng bahay at saka lumingon sa akin, "Uhm Martina? Talaga bang ayos lang kay Chris na nandito tayo sa bahay nila? Hindi ba magagalit ang parents niya?" Bakas sa boses ni Cynthia ang pangangamba.

Hinawakan ko siya sa kanyang kamay at binigyan siya ng ngiting nagsasabing wala siyang dapat ipangamba. "Wala dito ang parents si Chris, Cynthia. Si Chris at ang ate niya lang ang nakatira dito dahil nasa probinsya ang mga magulang nila Chris." Ani ko, "First time ko rin pumunta dito at kinakabahan ako pag nakita tayo ng ate niya, pero sa tingin ko naman mabait siya at hindi nangangagat, hehe." Dagdag ko pa.

Napatango-tango na lamang si Cynthia at tipid akong nginitian, "Sana nga, Martina."

Maghihintay Ako [TMAU Series #3] Where stories live. Discover now