Nasaan Ako?

67 3 0
                                    

Hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari pero ang natitiyak ko parang kung may anong bumundol sa akin ng malakas na naramdaman ko ang sakit nito at bigla akong lumutang sa hangin na tila ba bigla akong inilipad matapos akong mabundol. 

Hindi ko matanaw ang hitsura ng bumundol sa akin dahil sa sobrang liwanag ng ilaw na iyon. Hindi ko na rin narinig ang sumunod na sigaw ng lalaki dahil sa sobrang lakas ng busina ng sasakyan nito.

 Ilang saglit pa, nagdilim ang paningin ko at nanahimik ang paligid ko.

  

“Cassandra...” Boses ng babae.  May tumatawag sa akin.

 “Cassandra...” Tawag ulit sa akin ng isang boses babae. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. All I can see is white, mausok na tila ba mga ulap. Parang amoy vanilla ang lugar.

Ikinalat ko ang aking paningin, pero wala akong ibang makita kundi ang maputing kapaligiran.

Ang mga kamay ko, napakakinis din, parang bagong scrub sa spa. I touched my hair at napakalambot, wala rin ang suot ko na salamin pero malinaw ang paningin ko.

Nananaginip ba ako?

 “Cassandra...” Tawag ulit ng boses na babae na sa tingin ko ay nanggagaling sa likuran ko.

Dahan-dahan ko itong nilingon.

“Cassandra...” Patuloy ng boses na iyon, pero hindi ko makita kung kanino at saan nanggagaling. Hanggang sa dahan-dahang may naaaninag ako. Isang imahe ng tao. Medyo malabo siya, pero habang papalapit ito sa akin, mas nagiging vivid ang image niya.

 “Mama?” Sambit ko.

 Biglang ngumiti ang babae na kamukha ni mama.

 “Ako nga Cassandra, anak ko.” Mahalumanay na sagot niya. Lumapit siya sa akin as if she is floating and she hugged me so tight.

 Naramdaman ko ang yakap na iyon and answered her a tight hug as well. Hindi ko na napigilan pang maluha, but I wiped it quickly.

 “I missed you mama. Sobra.” Sabi ko kay mama habang niyayakap ito ng mahigpit. Hinaplos niya lang ang aking likuran and it gives me comfort.

 Ilang sandali pa at dahan-dahan siyang kumawala sa akin, so I gently released her too.

 Nakangiti lamang siya habang pinagmamasdan ako.

 “Mama, look at me, malaki na ako.” Sabi ko sa kanya habang umiiyak at ngumingiti ako. “Hindi na ako iyakin.” Sabi ko pa, pero pinipigilan ko ang pag-iyak ko sa harap ni mama.

 Tumango lamang siya ng banayad at patuloy na nakangiti sa akin.

 Pinunasan ko ulit ang luha ko sa aking pisngi.

 “Si Andrea, mama, dalaga na.” Sabi ko pa sa kanya, pero hindi siya sumagot, she just smiled at me. She held my hands at ang lambot ng mga palad niya and I held it tight.

 Hindi ko alam pero, gumagalaw pala kami ni mama na parang nakalutang lang kami over these white smoke na parang mga ulap. Hindi na ako nagtanong kung nasaan kami, pero base sa mga nababasa ko, this is what heaven looked like: tahimik, payapa at napakapayak ng lugar. So, nasa langit na nga ako.

 Upon realizing it na tila nasa langit nga ako, bigla akong nakaramdam ng kalungkutan. Naalala ko kasi agad sina papa at Andrea, pati si Antonio and Amber.

 Tumigil kami ni mama sa paggalaw at binitawan din niya ang mga kamay ko.

 “Anak, mahal na mahal kayo ni mama.” Sambit niya sa akin while she’s smiling at me. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha ko. “You grew up beautifully.” Dugtong pa niya. “Talagang hindi kayo pinabayaan ni Rod.” Sabi pa niya at unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya.

 “Kung hindi lang ako maagang nawala, tiyak na mas masaya ang pamilya natin.” Sabi niya habang nakatingin sa akin.

 Huminga lang ako ng malalim at sinabi sa kanya na papa never forget her.

 “Hindi ka nawala sa mga ala-ala ni papa. Lagi ka niyang sambit sa amin kahit ngayong malalaki na kami.” Sabi ko pa kay mama and her smile is back.

 Yumuko ako to wipe my tears, paano ba naman kasi tuloy-tuloy ang pagpatak nito habang kausap si mama.

 Imagine for how many years ngayon ko lang ulit siya nakita. Magkahalong tuwa at kalungkutan, pati na rin ang pagkasabik ang nararamdaman ko sa ngayon habang kapiling si mama.

 Ang dami kong gustong ikuwento sa kanya, gaya halimbawa kung kelan unang nagkaroon ng mens si Andrea, sino ang first love niya. Kung kelan siya nasaktan sa pag-ibig. At ako naman, I’m so excited to tell mama na finally I have someone to call mine na my Mr. Right One! Na finally, after so long nahanap ko na rin ang Prince Charming ko. At may dalawang apo na rin siya kay ate Ruby and papa is doing good in his life and still caring for us.

 “Alam mo mama...” Sabi ko sa kanya na talaga namang super excited pa ako, pero bigla siyang nawala.

 “Mama?” Tanong ko sa kanya kung nasaan na siya. I looked around, but the place became empty. Unti-unti ring naging manipis ang mga usok na kanina ay sobrang kapal.

 “Paalam anak.” Sabi niya sa akin from nowhere.

 Ganun na lang yun? Bigla-bigla na lamang siyang mawawala? Ni hindi ko man lang siya nakausap ng maayos, ni hindi ko man lang siya nakasama ng matagal at naka-bonding man lang, pero agad siyang umalis? Why?

 Why these things happening to me?

 Bakit ako? Ano bang ginawa kong mali at masama at nangyayari ito sa akin?

 I closed my eyes so hard kaya nawala ang maputing paligid.

 Ilang sandali pa, dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko, but I felt a pain inside of me. Nakahiga ako sa malamig na aspalto facing the sky that full of stars. Kitang-kita ang mga bituin dahil walang buwan.

 Ang sakit ng ulo ko pati na rin ng likod ko.

 Help! Tulungan niyo ako, nanghihina ako!

 Hindi ko alam kung nasaan ako at kung ano ang nangyayari sa akin, basta ang alam ko kanina aksama ko si mama, pero ngayon mag-isa na lang ako and I feel so lonely and broken.

 Para akong inabandona, para akong basta na lang iniwan sa kawalan. I feel like my heart is torn into pieces.

 Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. I can feel it throughout my bones, my veins. Tanging mata ko lang ang gumagalaw, but still hindi ko makita ang buong lugar. All I can see is the evening sky.

 Ramdam ko ang basa sa ulo ko, pero hindi ko mahawakan kung ano ito. Patuloy din ang pagbuhos ng luha ko.

 Gusto kong sumigaw pero I can’t. Walang lumalabas na boses kahit sumigaw ako ng malakas.

 Tulungan niyo ako! Tulungan niyo ako! Parang awa niyo na!

 Walang lumalabas na boses and I can’t hear it too.

 I feel so helpless.

 Nasaan ba ako at bakit ako nagkaganito? Anong nangyari sa akin?

 Oh, no, unti-unti na akong nahihilo. Medyo nahihirapan na rin akong huminga.

 Hindi. Help me! Tulungan niyo ako! Tulong!

 Anong nangyayari sa akin?

 Nasaan ako?

 Sino ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

101 Dates: The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon