07 <> In The Dark

150 5 0
                                    

ALAS OTCHO na ng gabi ng matapos magturo si Malcom sa huli niyang klase. Umupo kaagad siya sa kanyang desk sa may faculty room at kinuha niya ang cellphone mula sa unang baitang ng kanyang drawer. Binuksan niya ang kanyang cellphone na may kasamang pagtataka. Bago kasi siya umalis para maguro ay hindi niya nakalimutang mag padala ng text kay Yana para i-update ito sa kanyang activities pero kahit na isang reply ay wala siyang natanggap. Samantalang automatic na nagrereply ito kaagad na hindi lang isa kundi sampu pa. Ni hindi rin siya nito ti-next kung kumain na siya. "Pambihira."

Kinutuban tuloy siya. Ano kaya ang nangyari kay Yana na sa pag kakaalam niya ay reyna ng reply. Tumingin din siya sa buong faculty. Siya lang mag isa. Parang pinaglalaruan yata siya ng tadhana para makapag isip at mag muni-muni. Kinuha niya ulit ang kanyang cellphone at muli itong ti-next. Yana nasaan kana? Pero segundo pa ang lumipas ay wala parin siyang nakuhang reply mula dito kaya naman ay tinawagan na niya ito. Pero nakakapagtakang out of coverage ang cellphone nito ayon sa operator na sumagot.    

Maya-maya pa ay isang ingay ang narinig niya mula sa labas ng faculty. Ingay iyon na parang may nahulog mula sa itaas pero nung tumingin siya sa may binatana ay wala naman siyang nakita na kahit sino. Pero hindi siya pwedeng magkamali. Narinig niya talaga na tila may nahulog mula sa labas. Kaya naman para makasigurado ay lumabas siya sa may faculty ngunit hindi paman siya tuluyang nakalalabas mula sa may pintuan ng silid ay agad niyang nakita ang isang kamay na tila nakadungaw sa kabilang bukana ng pintuan. Duguan iyon. "Shit!" Agad niyang pinuntahan kung sino iyon at ng mapuntahan ang nilalang na tila humihingi ng tulong ay nabigla dahil si Yana pala iyon.   

"Oh my God Yana!!!" Tinampal niya ng kaunti ang pisngi ni Yana ngunit hindi ito nagsalita o nagpahiwatig manlang ng buhay. Kinarga niya kaagad si Yana at dinala sa malapit na clinic. Buti na nga lamang ay nandun pa ang nurse na nakahanda na para umuwi. 

"Ano pong nangyari sa kanya?"

"Nako Beth hindi ko alam." Wika ni Malcom habang hinihiga ang kasintahan sa isang puting kama.

Pinulsuhan naman kaagad ni Beth ang dalaga. "Sir buhay pa siya kaya huwag kayong mag alala. Nahimatay lang siya siguro sa pagod at dehydration. 

"Ahmm anything I can do Beth?"

"Sir kalma lang po kayo. Maybe tulungan niyo nalang po ako. Pakikuha nalang ho ng amonia sa may medicine cabinet at kumuha rin po kayo ng isang basong tubig."

"Okay."

Si Malcom ang naging personal nurse ni Beth ngayong gabi habang si Beth naman eh ginagawa ang kanyang one hundred percent na lakas para maibalik ang malay tao ni Yana. Ilang minuto pa ang lumipas ay bigla itong nagmulat. "Oh my Yana. Your alive!"

Hindi man lamang nagsalita si Yana. Para sa dalaga ay isang good omen ang makita niya sa kanyang muling pagmulat ang mukha ni Malcom. Niyakap niya ito kaagad nang mahigpit ngunit natigil din kaagad yun dahil biglang sumakit ang kanyang braso.

"Okay okay. Pahinga ka muna." Wika ni Malcom. Humiga naman kaagad si Yana.

Hinawakan ni Malcom ang kamay ng dalaga pagkatapos. Sinulit nila ang pagkakataon habang kumukuha si Nurse Beth ng betadine at bulak sa kabilang kwarto. "Mahal. Sinong gumawa sayo nito?"

Nakatingin lamang sa kanya si Yana ni hindi ito nagsasalita. "Mahal naman. Sino nga? Magsalita ka naman oh!" Hindi nanakasagot si Yana dahil bigla ng bumalik si nurse Beth. Kumuha ito ng bulak at nilgyan niya ito ng betaine upang ilagay sa mga galos na natamo ng dalaga.  

ISA SA MGA RULES sa pagmamaneho ang i-focus ang  tingin sa unahan ng kotse upang walang madisgrasiya lalong-lalo na sa ganong dis oras ng gabi. Madilim, tahimik at medyo resticted area ang nilalandas ni Malcom sa kahabaan ng Alabang. Gusto kasi niyang maiuwi na kaagad si Yana sa bahay nito. Ito raw kasi ang shortcut na alam niya.  Pero kahit ganun ay hindi parin niya magawang mapatingin sa nobya. Ngayon ay kitang-kita na ang pasa nito sa pisngi dahil narin siguro sa ilang beses na pagsampal dito.

Angels with Dirty FacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon