Simula

42.8K 1.8K 1.5K
                                    

Simula

Nakasimangot na naglalakad si Jeanessa sa hallway ng kanilang eskwelahan habang mahigpit ang hawak sa strap ng kaniyang bag. Katatapos lang kase ng klase kaya diretso na siyang uuwi.

Isa na siyang ganap na Grade 7 student sa BIHS pero wala paring may gustong maging kaibigan siya.

Isa daw kasi siyang batang laki sa ampunan na walang magulang pero kahit ganoon man ay pinapabayaan nalang niya ang mga pambubully ng mga ito.

Sa edad na labing tatlo ay marunong na siya sa mga gawaing bahay dahil ito ang itinuturo sa ampunan sa mga batang nasa edad sampu pataas at isa na siya roon. Hindi alam ng mga madreng nakakita sa kaniya noong siya ay sanggol pa lamang kung sino nga ba talaga ang mga magulang niya o kung buhay pa nga ba ang mga ito. Tanging pangalan lang niya ang nakaburda sa lampin.

Kahit sa batang edad ay marami na din ang humahanga sa taglay niyang kagandahan. Tila pinagpalang anghel sa kalangitan.

Makinis ang balat, kulay abong mga mata, may kakapalan ang kilay na itim na itim, mahahabang pilikmata, hanggang balikat na kulot at kulay kapeng buhok, matangos na ilong, at mapupulang labi.

Minsan naiisip niya na kaya siguro karamihan sa nam-bu-bully sa kaniya ay mga babae dahil naiinggit ang mga ito sa kaniyang kagandahan.

Nang makalabas sa gate ng eskwelahan ay saka naman niya nilakad ang kalsada pauwi. Malapit lang rin naman ang distansya ng eskwelahan sa bahay ampunan na kaniyang tinutuluyan.

Kakalipat lang kase nila dahil sa sunog na naganap sa dating ampunan noon at salamat sa Diyos wala namang nasawi.

Napabuga siya ng hangin at tumikhim para ihanda ang lalamunan sa pag-kanta ng kaniyang paboritong awitin.

"I was a girl in the village doing all right

Then I became a princess over night

Now I gotta figure out how to do it right

So much to learn and see!~~"

Napangiti siya sa kantang tanging nag-bibigay sa kaniya ng kaginhawaan. Paborito niya talaga ang Sofia the first kaya tuwing umaga ay ina-abangan niya ito lagi sa sala.

"Up in the castle with my new family

And a school that's just for royalty

A whole enchanted world is waiting for me

I'm so excited to be... (Sofia the First!)"

Tuwang tuwa pa niyang isinasayaw ang dalawa niyang kamay habang hawak ang unipormeng saya. Umiikot-ikot pa, animo'y iyong  prinsesang napapanood niya sa mga palabas.

Ngunit ang kaninang galak ay natigil nang mapatingin sya sa dalawang daan. Ang isa roon ay kaniyang tatahakin bago makarating sa bahay ampunan.

Napahawak siya sa kaniyang baba at nag-isip.

"Kung sa kanan ako dadaan matatagalan pa akong makarating, pero kung sa kaliwa naman kung saan ang gubat ay mabilis akong makakarating at maaabutan ko pa ang afternoon series ng Sofia the first. Hmm tama! Sa kaliwa ako!" Pag-kakausap niya sa kaniyang sarili sa isipan at malaki ang ngiti na nagpatuloy sa pag-lalakad.

Walang masyadong bahay sa kagubatan at napaka-tahimik niyon, pero hindi naman siya natatakot dahil sanay na siya sa mga nakakatakot na bagay. Humahanga kase siya sa mga horror movies at nangongolekta din siya ng mga nakakatakot na manika. Maraming naw-weirduhan sa kaniya sa ampunan pero hindi na lamang niya iyon pinapansin.

Muli ay napakanta sya.

"I'm finding out what being royal's all about (Sofia the First!)

Making my way, it's an adventure every day! (Sofia)~~~"

Patuloy lang siya sa ginagawa kanina. Nakakatawa mang tignan pero wala syang pakialam. She love what she's doing.

"It's gonna be my time (Sofia)

To show them all that I'm

Sofia the Firs—"

*Boogsh!!

"Awww.." daing niya matapos matapilok sa ugat ng puno.

Iyon ang naging dahilan para siya'y madapa. Nakangiwi siyang umayos ng upo at nagpagpag, ngunit agad ring natigilan nang makitang nag-karoon sya ng kaunting sugat sa tuhod. Kaunti lang naman pero dumudugo iyon.

"Huhuhu aray ko naman, akala ko ba basta mga prinsesa hindi na madadapa!" aniya, hindi halatang gigil na gigil. “Ikaw kasing ugat ka kita mong may dadaan humarang ka pa e!"

Napangiwi siya nang mapagtantong sinisisi nya ang ugat. Para namang sasagutin siya non.

Bigla ay kinilabutan siya nang maramdamang ang nanunusok na titig na nagmamasid sa kaniya. Inilibot niya ang tingin ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba.

Nagkibit siya ng balikat.

Akma na sanang tatayo nang may tatlong pares ng sapatos ang tumigil sa kaniyang harapan. Dahan dahan niyang inangat ang tingin kasabay ng pag-awang ng kaniyang labi.

"Are you lost, baby girl?"



..

Note: “Are you lost baby girl?" This line is not mine fyi. Obvious naman na galing 'yan sa 365 days at never ko aakuin 'yan madam. Para alam mo, ingats.

Vampire series 1: The Trio Kings' BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon