Finale

848 42 19
                                    

"Bimby!"

Sigaw ng lahat at doon na nagsimulang magkagulo. Nakawala si Karylle kay Neil at nilapitan ang anak, natamaan ito sa kaliwang balikat malapit sa puso.

"Bimby, baby, oh my god" She hugged her son at lumayo na.

"Benjie! Kami ng bahala dito kay Neil, go bring Bimby to the Hospital!"

Saad ni General Chua kay Benjie na mababakasan ng galit at tila handa ng patayin si Neil.

"Wag kang mag-alala Benjie! Hindi na to makakawala" Paninigurado ni Lucresia.

Hindi na kumibo pa si Benjie, tinapunan niya muli ng nakakamatay na tingin si Neil bago kumaripas ng takbo patungo sa kanilang sasakyan.

Inabutan niya doon si Karylle na nakaupo sa loob, iniiyakan si Bimby na nasa kanyang Lap.

"Saan siya timaan?" Alalang-alalang tanong niya kay Karylle.

"Here, sa balikat niya. Kailangan na natin siyang dalhin sa hospital Benj, please please"

Nagkatinginan ang dalawa, tila naiintindihan ang nararamdaman nila bilang magulang.



-


"Please save my son" Pakiusap ni Karylle bago tuluyang i-let go ang stretcher ng anak.

Nang maiwan ang dalawa sa labas ng kwarto, ay hindi na nagdalawang isip si Benjie na lapitan ang umiiyak na si Karylle at yakapin ito.

"He will be okay" Bulong niya at hinalikan ito sa ulo.

"Benj, benj hindi ko talaga alam gagawin ko pag nawala sakin si Bimby--"

"Shh, ano ka ba. Hindi mawawala si Bimby satin, okay? Please, kailangan ko pa ng mas mahabang panahon na makasama ang anak ko"

Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Karylle sa kanya.

"Im sorry, im sorry Benjie"

"Okay na, okay na Kurba. Gusto ko rin humingi ng tawad, kung hindi ako nagminarte at lumayo, hindi sana kayo mapapahamak ni Bimby"

"Naintindihan kita sa paglayo mo Benj, and im thankful that you came back"

"Ofcourse, I just needed time. Dahil gusto ko pagbalik ko, malinaw ang lahat"

Inilayo niya sa kanya si Karylle at tinitigan sa mata.

"Malinaw sa sarili kong... gusto ko kayo makasama ni Bimby bilang isang pamilya"

Hindi naman agad nakasagot si Karylle.

"Nakasama ko na kayo Kurba, at ilang beses ko na rin sinabing napalapit na ko sa inyong mag-ina. Kung hindi nangyari yung revelation nung Birthday ni Bimby, nung last day ko sa inyo? Hindi naman ako aalis eh. Dahil hindi ko kayang bastang iwan si Bimby... kayo. Ngayon pa kaya? Na alam kong anak ko si Bimby"

Bahagya siyang huminto at umiwas ng tingin.

"Sa totoo lang, noon pa man, nagseselos na ko kay Neil. Hindi ko alam kung dahil ba kay Bimby, o dahil rin sayo. Hindi pa gaanong malinaw yung nararamdaman ko para sayo, pero sigurado akong gusto ko kayo makasama ng anak natin bilang isang pamilya. Sana i-welcome mo 'ko sa buhay mo, Kumander"

Hindi pa rin nakakapagsalita si Karylle, ngunit mas lalo itong naiyak.

"Wala ng Neil, baka pwedeng ako nalang? Kasi hindi ko ata kakayaning makita ulit kayo ni Bimby na may ibang lalaking kinikilala na tulad ni Neil, hindi---"

"Tama na, tama na Santos. Payag naman ako eh, ang daldal mo masyado" Natatawang pagputol ni Karylle sa drama ni Benjie.

"Ta--talaga?"

My Kumander in ChiefWhere stories live. Discover now