~CHAPPIE 34~

726 38 3
                                    

*MICHELLE'S POV*

A-no daw? Prinsesa Cassandra? Bakit nya naman tinatawag ang prinsesa ng Magical Kingdom? Nababaliw na kaya si Evergreen? Kailangan na ba siyang ipadala sa mental?

"Prinsesa Cassandra? Ano pong ginagawa nyo dito?" Noon ko lang naalala na nasa binggitna pala ako ng kamatayan nang may magsalita sa isipan ko na boses babae. Napakahinhin nito at napakasarap pakinggan.

Nailibotko ang paningin atnakitang nasa isang malawak na lupain ako. Katulad ito ng pinuntahan namin noon nung kinuha ni Xiara ang lightning gem. Ang kaibahan nga lang ay ang kalangitan nito ay punong puno ng stars at nakikita rin dito ang iba't ibang planeta na animo'y nasa kalawakan ka. Hindi, talagang kalawakan ang makikita mo dito. Ngunit kahit na ganoon pa man ang itsura ng kalangitan ay nakamamanghang maliwanag dito na kasing liwanag kapag may araw.

"Prinsesa Cassandra?" Muli ay narinig ko ang boses sa utak ko.

Yan na naman ang pangalan na yan. Bakit ba nila hinahanap sa akin yung prinsesa? Ni hindi ko pa nga alam ang intsura nun para kidnappin ko at tsaka masyado akong maganda para mangidnap ng prinsesa noh duh!

"Prinsesa Cassandra" Ulit na naman niya. Nakakairita na ha.

"Sino ka? Magpakita ka!" Sigaw ko gamit ang boses at muli ay may nagsalita sa isipan ko.

"Nasa likod nyo po ako Prinsesa Cassandra." Agad akong lumingon sa likod ko na sana ay hindi ko na lang ginawa. Nanigas ang buong katawan ko sa nakita.

Isang napakalaking dragon ang aking nasaksihan sa aking likuran. Ni hindi ko makita ang ulo nito. Ang kanyang kaliwang paa sa unahan ay may simbolo ng tubig na parang tattoo, sa kanang paa sa unahan ay simbolo ng Earth, sa kaliwa sa likod ay hangin, at sa kanan sa likod ay apoy. Sa bandang dibdib ng dragon ay makikitaang simbolo ng yelo, sa kahabaan ng bunto niya ay makikita qng simbolo ng lightning, nasa bandangleegnaman ang simbolo ng with and sorcerers at sa kanang side ng katawan aynandun ang simbolo ng healing habang sa kaliwang side ay ang music at sa likod naman ay ang simbolo ng ability.

Nagulat ako nang igalaw nito ang kanyang ulo. Nakita ko rin doon ang simbolo ng heart kingdom at nakalagay din ang gem sa noo niya.

"W-wag mo akong k-kakainin. P-promise! Pangit l-lasa k-ko." Papaatras ko na sabi. Takot na takot ako dahil wala akong laban dito.

"Huwag po kayong matakot mahal na prinsesa Cassandra, hindi ko po kayo magagawang saktan."

"N-nagkakamali ka. H-hindi ako ang prinsesa ng Magical Kingdom. Kasalukuyan siyang n-nawawala pero kahit na ganun ay p-parang awa mo na, k-kahit na hindi ako ang Prinsesa ngMagical Kingdom ay huwag mo akong kakainin." Takot na takot pa ring sabi ko. Oh God, please help me.

"Ikaw po ang nagkakamali Prinsesa Cassandra. Ikaw po ang aming prinsesa."

"A-a-ano?" Nanghina ako at napaupo. Gulat na gulat ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung pinaglololoko niya ako o ano.

Napayuko nalang ako dahil talagang naguguluhan ako. Ni isa ay wala akong maintindihan.

"Mahal na prinsesa, tumayo po kayo." Mula sa pagkakayuko ay nakita kong may naglahad ng kamay sa harap ko. Hindi kamay ngdragon kundi kamay ng tao.

Nangunot agad angnoo ko at itinaas ang tingin mula sa nagbigay na kamay.

Muli, ay nagulat na naman ako sa nakita. Dahil pag-angat ko ng tingin ay mayroong babae na maladyosa ang itsura sa harapan ko na nakalahad ang kamay sa akin. Banayad rin ang ngiti nito.

"T-teka? Sino k-ka? Nasan yung dragon?" Kahit anong linga ko ay hindi ko makita ang dragon.

"Ako po ang dragon na nakita nyo kanina, mahal na prinsesa." Nanlaki na naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

The long lost goddess princessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant