CHAPTER 47

2.1K 116 6
                                    

JOHN POV.

Monday Morning (September 30)

Anong oras naba? Umupo ako sa kama ko dahil kakagising ko lang at medyo masakit ang ulo ko dahil sa mga ininom namin kagabi. Tumayo na ako at pumunta ng cr para makapag ligo.

Pagkatapos kung maligo ay nag bihis na ako.
"Ano ito?" May natapakan kasi akong maliit na box. Kaya naman kinuha ko ito. Regalo din ba ito para sakin? Pero bakit nasa kwarto ko? Wala naman sigurong pumasok dito sa kwarto ko para ilagay to diba? Pero baka nahulog ito sa mga gift na natanggap ko? Ilalagay ko nalang ito sa mga gift na binigay nila sakin kagabi.

Pumunta ako sa kabilang side ng kwarto ko kasi nandon lahat ng gift. Ako lang ang nakakapasok dito dahil nandito yung mga stuff toys ko na bunny. May snowball dito yung kulay puti ang balahibo niya tapos ang cute niya pa? May ibat ibang kulay ang bunny na stuff toys dito. May blue, white, pink, at iba pa. Umupo ako sa upuan ng table ko. Nilagay ko sa table ang box na maliit at dahan dahan kong tinanggalan ng tali. Pagkatapos ay dahan dahan ko din itong bubuksan dahil baka bomba ito na nilagay para sumabog itong bahay namin at mamamatay ang lahat ng nasa loob at masusunog ito at lahat ng gamit namin ay masisira tapos--tapos--hayst.. ano batong iniisip ko? Overreacting ko
Masiyado. Pagbukas ko ay isang papel agad ang nakita ko, kinuha ko yun at binasa.

"Sorry sa mga nagawa kung kasalanan sa inyo. sana ay napatawad moko, masayang masaya ako na nakita kita ulit. Alam kung magkikita tayo soon. Ingatan mo pamilya mo sa mga masasamang tao. Hindi na ako mag papakilala dahil kilala mona ako.

By: Secret" Pagbabasa ko sa sulat.

"Anong ibig niyang sabihin na kilala ko siya? Eh wala naman akong kilalang secret ang pangalan eh" Sabi ko sa sarili ko. Nagawa niyang kasalanan sa amin? Sino namang tao ang may nagawang kasalanan namin? Wala naman siguro? Magkikita kami soon? Kailan naman ang soon nayan? Sino kaba kasing secret ka? Wala nga akong kilalang secret eh. Tiningnan ko pa ang laman ng box.

"Relo? Panyo? Pamilyar sakin ang relo at panyo na to. Hindi ko lang alam kung san ko ito nakita basta pamilyar to sakin" Sa hulihan ay may litrato...
"Family picture? Sino namang may picture saming apat? Ang nasa picture ay si daddy, mommy, kuya at ako" Baka naman kakilala ko lang ang naglagay nato sa kwarto ko. Binalik ko ulit ang mga laman sa box at nilagay ito sa cabinet ko.

Kinuha ko yung ibang gift nila sakin. Alam niyo ba kung anong gift ang ibinigay sakin ni jake? Lagavulin at James Buchanans lang naman.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Nerdy Girls Are The Legendary GangsterWhere stories live. Discover now