CHAPTER 30

2.5K 78 11
                                    

Author's Note

This is the Last Chapter and next update will be EPILOGUE! I hope that you enjoy reading my stories. I appreciate all efforts that you have done specially those who votes and left some comments on my stories.

Thank you for supporting Johan.

NOTE:

Pakiplay ang nasa multi-media sa taas pagkatapos niyong magbasa.

-En


***********

Habang naghihintay si Shannon sa hapagkainan ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang cellphone kaya naman binuksan niya ito at tiningnan kung sino ang nag-text. Nabasa niya ang pangalan ni Johan at agad niyang binuksan kung ano ang nakalagay sa teks.

'Shannon, isang linggo akong hindi makauuwi dahil may aasikasuhin ako sa kumpanya.'

'Ah, sige. Ingat, kumain ka sa tamang oras at huwag kang papagutom.'

Nakaramdam ng lungkot si Shannon ngunit naintindihan naman niya na may mga kailangang gawin si Johan bilang presidente ng JK Malls.

Lumipas ang isang linggo, sa isang malaking opisina may isang lalaking nakaupo at tila ba'y walang buhay. Pinilit niyang maging maayos sa paningin ng lahat at tinanggap ang mga nangyari ngunit ang bawat araw ay parusa sa kanya.

"Sir, dumating na po si Sir Hunter."

"Papasukin mo."

Naaawa na ang kanyang assistant sa kalagayan niya ngunit wala naman itong magawa.

"Johan"

"Maupo ka."

"Bakit gan'yan itsura mo? Anong problema?"

"Wala naman, nagkaaberya lang sa bago kong proyekto."

"Ahh, huwag mong pagurin 'ang sarili mo. Ito nga pala 'yong resulta. Magpahinga ka na, mukha ka ng matanda."

"Salamat."

"Sige na. Idinaan ko lang 'yan dito, mauna na ako."

"Sige Hunt, salamat."

Nang makaalis si Hunter ay agad niyang binuksan ang dokumento at mapait siyang ngumiti. Kahit alam niya ang totoo na magkapatid sila ay umasa pa rin siya. Mapakla siyang tumawa na para bang malaking kalokohan ang lahat. Putangina lang.

"99.9%"

Gumawa siya ng isa pang kopya at ang orihinal ay itinago niya, inilagay naman niya sa isang lagayan ang kopya. Tinawag niya ang kanyang assistant.

"Yes po sir?"

Inilabas ni Johan ang orihinal na dokumento na nakalagay sa loob ng 'brown envelop'.

"Aalis ako ng bansa at pupunta ako ng Amerika."

"Sir, biglaan naman po yata."

"May kailangan akong asikasuhin doon at baka matagalan ang pagbabalik ko. Kapag nakaalis na ako, ibigay mo ito sa chairman."

"Sige po."

"Oo nga pala, cancel all my appointments"

"Okay po "

Lumabas ang kanyang assistant at siya ay tumayo dala-dala ang kopya ng resulta. Nag-iwan siya ng mensahe kay Rare bago tuluyang umalis ng kumpanya.

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang