Chapter 2: SILVER WAVE

51 2 0
                                    

"L-Lagot na..." Bulong ni Felip nang maramdaman ang kakaibang mahika na nagmumula sa pinakamadilim na parte ng kweba.

Natigilan sila ni Cullen sa pagtatalo at agad niyang sinubukan abutin ng liwanag na nasa kamay niya ang dulo ngunit wala silang makita.

"Sino kayo?!" Muli nilang narinig ang malalim at tila galing sa hukay na boses. Alam nilang malaki ang halimaw sapagkat dumadagundong ang loob ng kweba nang magsalita ito. Nakakabingi rin ang munting pag-ungol nito.

"Kailangan na nating mahanap ang kaguild-mate niyo! Siguradong halimaw ang nasa likod ng boses." Paniniguro ng kasamang babae nila Felip at Cullen.

Agad silang sumulong papasok sa mas madilim na bahagi ng kweba. Gamit ang mahika ni Felip na nagsisilbing liwanag sa daraanan nila.

"Mga salamangkero pala...hmm." Muling saad ng halimaw.

Habang nasulong papasok ang tatlo ay nakikita na nila ang halimaw gamit ang liwanag sa mahika ni Felip. Napakalaking berdeng halimaw ito. May malalaki at matatalas na ngipin sa baba, kaliwa't kanan. Ang buhok nito ay kulay itim at medyo mahaba, nanlilisik ang matang kulay itim. May madudumi at mahahabang kuko sa kamay at paa at tila isang malaking oso na mabangis.

"Argh! Ang pangit ng isang ito." Komento ni Felip habang nakatingin sa halimaw.

"Siya siguro ang nasa request." Saad ni Cullen nang maalala ang kinuhang misyon ni Adelaide.

Unti-unting sumasangsang ang amoy. Tila mga nabubulok at malalansang karne. Patuloy lang ang tatlo sa paglalakad upang makita ng mas malapitan ang halimaw at nagbabaka-sakaling mahanap nila si Adelaide ngunit agad silang napatigil nang makatapak sila sa parte ng kweba na matubig.

"Teka! Ano ba 'to?" Inis na saad ni Felip at bahagyang inangat ang kanyang paang nakalubog sa tubig na kanilang kinatatayuan. "Ano 'to?!" Mas lalo siyang nagngitngit nang makitang malapot ang likido at mabaho ang amoy.

"Urgh! Kadiri!" Saad din ni Cullen nang makumpirmang laway ito ng halimaw na mula sa bibig niyang tumutulo.

Agad na napaatras ang tatlo at muling nagsalita ang halimaw habang tumatawa.

"Sobra-sobra naman ang biyaya ng langit. Kakakain ko lang, ngayon naman ay binigyan pa ako ng tatlong masasarap na hapunan! Hahaha!" Halakhak ng halimaw habang nakahawak pa sa tyan niya.

"Nasaan si Adelaide?!" Gigil na saad ni Cullen at naghanda para tumira.

"Ang babaeng yon ba? Nandito na siya sa tyan ko! Hahaha! Isang masarap na hapunan! Hahaha!" Sagot ng halimaw na mas lalong kinainis nila Cullen at Felip.

Hindi na nagpapigil pa si Cullen at gamit ang kanyang mga daliri ay gumuhit siya sa hangin ng isang bilog saka lumabas ang kulay itim at puti na magic circle. Ang paraan niya ng paggamit ng mahika ay tulad ng kay Felip.

"Tanggapin mo 'to! Halimaw kaaaa!" Sigaw niya saka itinira ang kanyang mahika sa halimaw. "FULL MOON!" Isa-isang lumabas ang malamig na liwanag na tila hugis buwan papunta sa halimaw.

Mabilis din ang naging pagkilos ng halimaw at agad itong naka-ilag. Ang mahika ni Cullen ay tumama sa ilang bahagi ng kweba. Naghanda rin ito para sa kanyang mahika.

"Tapos kana ba bata?" Nang-aasar na saad ng halimaw. Binuka nito ang malaki niyang bibig saka muling nagsalita. "CYCLONE AIR!"

Mula sa bibig ng halimaw ay lumabas mula rito ang isang malaking ipo-ipo na tatama sa kanilang tatlo.

Gulat na gulat sila Cullen at Felip sapagkat ito ang kapangyarihan ni Adelaide at parehong-pareho pa ng estilo ng paggamit.

"Ginagamit ko ang mahika ng mga nakakain ko! Hahaha!" Halakhak ng halimaw na tila sigurado na sa pagtapos sa mga kalaban.

SILVER WAVEWhere stories live. Discover now