Hunting 8 : Crimson

47 5 0
                                    

Parang hindi kona kayang maglakad pa para lang lapitan silang lahat. Nanghihina na ang tuhod ko at gusto ng bumagsak ng katawan ko pero dapat kong kayanin, namatay silang lahat dahil saakin. Ngayon alam kona ang pakiramdam ni Theo non, yung pakiramdam na namatay sa harap mo ang mga kasamahan mo.

Masakit nga namang mawala ang mga kasamahan—kaibigan mo sa harap mo. Lalo na sa pamumuno mo.

Hindi ko na napigilan pa ang luha ko nang makita ang mga puntod nila na nakahelera. "Pasensiya na! Patawarin niyo akong lahat!" Sigaw ko. Alam kong hindi na ako maririnig pa ng mga kasamahan ko na namayapa na pero gusto kong sabihin yon na dapat sinabi ko na dapat noon.

Kasabay ng buhos ng luha ko ay ang pagbuhos ng ulan. Napaupo nalang ako sa lupa at doon humagulgol. Lahat na ata sila ay sumilong na sa mga puno pero nandito padin ako at hinahayaang dumampi ang ulan sa balat ko.

Ayokong umalis, Ayokong iwan sila dito. Pinag-sisisihan ko talaga ang nangyari. Kung hindi ako sumali sa Crimson, kung hindi ako pumayag na lumabas sa Pader... kung sana namatay nalang ako non dapat ay buhay pa sila.

Napatingala nalang ako nang biglang nawala ang buhos ng ulan. Nagulat ako ng makita si Theo na hawak ang cloak niya para masilungan namin. "Hindi sila matutuwa kapag nakita ka nilang ganyan ang sitwasiyon" Umupo ito sa tabi ko at doon na ako umiyak at yumakap sa kaniya.

"Sorry talaga Theo! Kung hindi ko sinaktan ang damdamin mo siguro napamunuan mo sila ng maayos at sana buhay pa sila ngayon! sorry talaga! sorry"

"Nagkakamali ka, wala kang kasalanan sa lahat, Ang totoo ako ang nag-utos non sa kanila" Napabitaw ako sa kaniya at tiningnan siya na puno ng pagtataka.

"Anong ibig mong sabi?"

"Inutos ko na protektahan ka nila kapag may nangyari sayong—"

"Bakit?! bakit mo inutos yon?!" Hindi nanaman siya sumagot at nanahimik. Lagi nalang ganiyan, hindi nanaman siya sasagot! "Dapat hinayaan niyo nalang ako mamatay! Bakit ba lahat nalang ng tao pinoprotektahan ako?! Si mama, papa, si tito at silang lahat!"

"Bumalik na tayo." Hindi ko siya pinakinggan at nanatili lang sa kinauupuan ko. "Kung ayaw mo bumalik, edi wag." Umalis na ito at iniwan ako.

Lumipas na siguro ang ilang oras pero nanatili lang ako doon. Hindi padin ako kumakain kaya mediyo kumukulo ang tiyan ko. "Kumain ka muna" masayang bungad saakin ni Kiro. Naglapag siya ng dalawang tinapay at tubig sa sahig.

"H-hindi ako naguguto—" Biglang umepal ang tiyan ko at tumunog sa sobrang gutom. Nakakahiya talaga yon, hayss!

"Hindi ka guyok pero yung tiyan mo Oo kaya kumain kana diyan!" Aangal pa sana ako kaso pinasok na niya sa bibig ko yung tinapay. Wala akong nagawa kundi ang kumain nalang.

"Kamusta pala si Theo?"

"Si Theo ba? Siya ang nagpadala niyang kinakain mo. Utusan lang ako non Hahaha" Pagbibiro nito. Inalok ko siya ng tinapay pero tumanggi ito. "Kiro ano bang meron saakin at kailangan nilang ibuwis ang buhay nila para sa akin?"

"Siguro dahil 'importante' ka" Pagkasabi niya non ay lumingon siya saakin habang nakangiti parin.

"Hindi naman ako ganon ka importante tiyaka bago lang ako, Anong bang importante don?" Napatingala siya at parang nanfoon ang sagot sa katanungan ko.

"Wag mong sabihin kay Theo na sinabi ko sayo to ha!," Tumungo naman ako "Hindi naman talaga ikaw ang pinaka-unang babae sa grupo"

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang akala ko ay ako lang talaga ang unang babaeng miyembro dahil tuwang-tuwa sila non "Nasan na siya?"

"Namatay siya." Natahimik saglit si Kiro pero itinuloy ulit ang sinasabi niya. "Nang dumating si Amaris sa buhay namin naging masaya ang lahat, Parang noong dumating ka sa pamilya"

"Lagi niya kaming pinagtatanggol kapag may mga Sigang hunters na sumusugod sa Guild. Ang nakakatawa ay natatakot naman sila kay Amaris"
Nakita ko ang saya sa ngiti ni Kiro at inaalala ang mga nangyari non.
"Ang akala namin non makakasama namim siya ng matagal, pero mali pala"

"Bakit naman?"

"Dumating ang isang pangyayari na tumapos sa saya, Pati si Theo nawala ang dating siya. Pinagtanggol ni Amaris ang Guild at natagpuan nalang naming patay siya. Wala kami doon para protektahan siya, wala kami para samahan siya"

Napaisip naman ako "At pinaghihinalaan niyo ang Raven na gumawa non?" Tumungo naman siya.

"Nakita namin ang iniwang sulat ng Raven at makikita doon ang logo nila. Pagkatapos din ng pangyayaring yon ay biglang nawala si Alfred na parang bula at eto, Kasama siya sa Raven hunter's"

"Baka naman kasi may dahilan si Alfred kung bakit siya nawala? Baka naman may gumamit sa pangalan ng Raven para sila ang mapagbintangan" iba na kasi ang mundo ngayon ay pwedeng ng gawin ang mga bagay na makakasama sa iba.

"Yun din ang iniisip ko pero iba kay Theo, Mas nasaktan siya kesa saamin kaya gumagawa talaga siya mg paraan para malaman kung sino ang pumatay kay Amaris"

Pagkatapos naming mag-usap ay umalis nadin kami. Bago yon ay nagiwan muna ako ng bulaklak sa puntod ng mga kasama ko.

Pagbalik sa kampo ng Raven ay may kaniya-kaniyang ginagawa ang mga ito. Nakakalungkot lang isipin na tatlo nalang kami ni Kiro na natira. "Ohh Devia!," Tawag saakin ni Randall habang may buhat na basket ng prutas "Ayos kana ba?"

"Opo, Maraming salamat sa pag-aalala" Nag-bow ako sa kaniya at nginitian. "Nasan po pala si Theo?" Ngumuso siya at tinuro yung lalaking nag-iihaw sa may Camp fire.

Nagpasalamat ako at lumapit kay Theo. Hindi naman nito pinansin ang prisensiya ko kaya umupo ako sa troso na kinauupuan niya. "Pasensiya na ulit Theo sa mga nasabi ko kanina"

"Wala yun. Naiintindihan kita dahil pareho lang tayong nasaktan sa nangyari"

"Pano na? Paano na ang Crimson?" Hindi ako nito sinagot at tumitig lang sa apoy. "Back to Zero nanaman ba?" Muli kong tanong.

"Hindi ko alam pero magpapatuloy tayo at hindi babalik sa Wall of Etrilia hanggat hindi natin natatapos ang lahat ng to"

"Theo—"

"Wag kana magsalita"

"Theo!"

"Shhhh! mangengealam ka nana—"

"YUNG MANOK!" Nataranta naman ito at agad tinanggal yung inihaw na manok na ngayon ay sunog na sunog. Natawa nalang ako dahil szbrangbtigas nung manok at halatang hindi na makakain.

"Grabe ka naman makatawa diyan! Leader mo ako kaya dapat ginagalang mo ako!"

"Blee! Hahahaha!" Napatakbo ako ng hinabol ako ni Theo, para kaming mga bata na nagpapapatinrero.

Kahit konti, kahit maliit na bagay. Mapasaya ko lang siya o matanggal ko kahit sandali ang lungkot niya. Masaya na ako don.

Demon And Hunters [Complete]Where stories live. Discover now