Chapter 18

10 1 1
                                    

Chapter 18

GYTM: Eat

Natapos ang gabing iyon at nanatili akong nakakulong sa loob ng aking silid. Hindi ko magawang lumabas dahil ayokong makita nila ang mugto kong mga mata. Hinahatiran nalang nila ako ng pagkain. Nag aalala man sila, ay wala silang magawa kundi ang manahimik.

Busy palagi sila mommy at daddy sa opisina kaya naman wala silang ka alam alam sa mga nangyayari sa akin. Medyo swerte lang ako sa part na pumuslit sila sa hospital nung nagkasakit ako.

Panay ang vibrate ng phone ko sa table sa tabi ng aking kama. Hindi ko man tignan ay alam kong si ate Lyka iyon. Natapos ang isang tawag at hindi ko iyon sinagot.

Muling nag vibrate ang phone ko kaya dahil sa inis ay ibinato ko iyon sa aking kama. Nag bounce ito at dumiretso sa sahig. Basag na iyon, sigurado.

Wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok lang maghapon. Hinahayaan ang sarili na malunod sa lungkot.

"Sabi ko last na 'to... Tama... Last na iyak ko na ito" sabi ko sa sarili.

Hinding hindi ko na ulit siya hahayaang paiyakin at saktan ako ng paulit ulit. Tama na siguro yung maraming beses kong pagpapaka tanga para sa kanya.

Pinahid ko ang mga luha ko.

Tama.. Tama yan Maxine, tama yan...

Siguro, may mga bagay talaga na akala mo ay tama parin. Pero hindi na pala. May mga bagay din na kahit kaya mo pa namang ipag laban at kaya mo pa namang ipanalo kung talagang hindi para sa'yo, hindi magiging sa'yo.

"Good morning hija," bungad sa akin ni yaya Maria.

"Good morning din po, manang." ngiti ko at hinalikan siya sa pisngi. "Si Charles, po?" dagdag ko

"Charles?... Hindi ko alam, hindi naman siya nagpunta dito." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Tinignan ko ang wrist watch ko at 7:12 na.

"Eh, si kuya po?" Tanong kong muli

"Nakaalis na siya, kanina lang bago ka bumaba.... Kumain ka muna. May hinanda ako para sa'yo." Aniya

Tumango ako saka siya sinundan patungong hapag. Siguro, mamaya pa iyon darating. Baka na traffic lang siya? Or something?

Sabi niya kase sa akin nung huli niya akong sinundo e susunduin niya ako ngayon at sabay na kami papunta sa school. Kaya nauuna na si kuya na pumasok kase alam niyang si Charles yung kasama ko.

Pinilig ko ang ulo ko. "Baka on the way na iyon." sabi ko sa sarili

Natapos na akong kumain at mag toothbrush at 7:25 na pero wala parin si Charles. Dati rati, 7:00 palang, andito na iyon eh.

"Manang, sa labas lang ako. Dun ko nalang hihintayin si Charles" sambit ko na tinanguan niya naman.

Pumihit na ako palabas ng bahay at naghintay sa labas ng gate. Ititext ko sana siya kaso nasira pala yung phone ko nung nakaraan. Nabasag yung screen niya at ang laki ng LCD. Halos wala na akong makita. Bibili nalang ako ng bago bukas

Tumingin ulit ako sa orasan ko at nawindang ako nang malamang 7:45 na pala! Malamang ay nagsimula na sila sa unang klase namin ngayon araw at 15 minutes nalang ay matatapos na iyon!

Agad akong naglakad papunta sa parking'an ng mga tricycle. No choice ako kundi mag-tricycle nalang muna papunta sa  school. Hindi ko nga lang alam kung paano mag tawag ng driver. Kakawayan ko ba, o kakausapin? E? Ayoko nga! Nahihiya ako! Uwaa!

Buti nalang at may kasabayan akong ale na papunta sa bayan. Lalagpasan niya pa yung school namin kaya nakisabay nalang ako.

Pagkarating ko sa school ay 7:55 na at nakikita ko na yung ibang mga guro na naglalakad papunta sa kani kanilang mga klase. Tanaw ko narin ang building namin at kitang kita ko ang paglabas ni Ma'am Salmasan sa aming silid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Get You The Moon (Sebastian Series #1)Where stories live. Discover now