My Wistlist (7)

903 77 49
                                    

D's

Tulad nga ng pangako ni Cy, binalik nya si Margarett bago maghapunan

Pero hindi katulad ng inaasahan ko kilala na muli ako ni Margarett

Na sobra ko na talagang pinagtatakhan, na lalong nagpapagulo sa utak ko ngayon

Pinagmasdan ko ang hawak kong kahon na may mga nakaseparate na mga gamot sa bawat maliliit na box nito sa loob

Hindi ko alam kung para saan ang mga gamot na ito dahil hindi naman sinabi sa akin ni Cy, nung inabot nya sa akin 'to

Basta ang sabi nya lang binigay 'to ng parents ni Margarett at kapag naubos na raw sabihin ko lang sa kanya

"Hmmmm baby, tulog na tayo" naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso sa bewang ko mula sa likuran

"You need to take this meds, first" nilingon ko sya. Magkahinang ang aming mga katawan habang naka-upo sa kama

"Gamot na naman?" Maktol nya "Galing ba kay Cy, yan?" Yes, at sabi nya pilitin daw kitang inumin 'to

"Vitamins mo daw 'to, hindi ka daw kasi nakakatulog"

"Sabi nya?" Inalis nya ang pagkakayakap sa akin. Pumihit ako pagilid para makaharap sya

"Duda ako" nakanguso nitong saad. Napangiti naman ako at hinaplos iyon

"Take this nalang please? For me?" Kahit hindi ko naman talaga alam bakit kailangan mong uminom ng gamot na 'to

Iisipin ko nalang na vitamins mo nga lang ang mga 'to

"Kiss mo muna ako?" Nagulat ako pero mabilis rin akong napatawa

"Yun lang pala eh!" Sabay nguso at mabagal na humilig patungo sa kanya

"Hahaha joke lang" tinakpan nya ang bibig ko. Agad ko naman iyon hinawi "Wala ng bawiin" at mabilis itong hinalikan

Ngumiti sya kasabay nun ang marahang paghaplos nya ng kanang pisngi ko

Nagtagpo ang aming mga mata, umawang  ang bibig nya na tila ba may nais sabihin

Pero ngumiti lang sya at muling pinagsaklob ang aming mga labi

Madiin na halik ang iginawad nito sa akin

"Thank you for everything!" Ngumiti ako at hinaplos ang magkabilang nitong pisngi

"Ako ang dapat ang magpasalamat sayo, dahil dumating ka sa buhay ko" muling umawang ang bibig nya "Marga, I think mahal na ki.....-"

"Ahhhh, Iza. May tanong sana ako" putol nya sa nais kong sabihin

Umiwas ito ng tingin sa akin bago ilayo ang kanyang katawan

"Bakit iba na yung artist sa shop mo? Saka bakit madalas ka lang nandito sa bahay?" Napalunok ako. "Si Margarita? Bakit wala sa garahe?"

Angelina talaga ang name ng motor ko pero pinalitan nya para daw magkatunog sila ng pangalan

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, kaya nagbalik nalang din ako ng question rito

"Ikaw? Bakit di kana pumapasok sa opisina?"

Ngumiti sya "Sinagot mo ng tanong ang tanong ko?" Napangiti rin ako

"Akin na nga yan, I take meds na" tumango ako at binuksan ang box at kumuha ng isang butil ng gamot

May nakalagay naman sa maliliit na box kung pang-gabi, tanghali or pang-umaga ito

Nagsalin ako ng tubig sa baso, may nakahanda na kasi sa study table kong tubig sa may pitsel

Inabot ko iyon kay Margarett kasabay ng gamot

"Thank you" nakangiting saad nya at binalik sa akin pabalik ang baso

"Good night" muli nya akong hinalikan sa labi bago ito humiga sa kama

Binalik ko sa study table ang baso at tumabi rito sa paghiga

"Good night, baby" hinalikan ko ang tuktok ng ulo nya

Hindi ko man maintindihan kung anong nangyayari

Pilit parin kitang iintindihin, pinasok ko ito kaya handa akong tanggapin ang magiging resulta nito

Wala man gustong magsabi sakin ng totoong nangyayari

Ako na mismo ang gagawa ng paraan upang malaman ang lahat ng sanhi nito

------

J's

"Huwag mo kong bibitawan!!!!" Pasigaw na saad ko

"Promise, baby. I won't let you go!" Parang iba ang ibig ipakahulugan nun ah?

"Siguraduhin mo lang ah? Sisipain talaga kita dyan! Makita mo"

Tumawa sya ng mahina "Kahit ilang ulit mo pa kong saktan, hinding hindi kita bibitawan"

Iza, ano ba yang pinagsasabi mo? Hindi yun pwede!!! Hindi!!!

"Tanga ka! Paano ako matututo kung hindi mo ko bibitawan? Hindi naman pwede lagi ka lang naka-alalay sa akin. Kailangan ko rin pumadyak mag-isa"

Lalong lumakas ang pagtawa nya "Kanina ayaw mong bitawan kita? Tapos ngayon? Gusto mong i-let go kita kahit sobrang hirap?"

Kailangan, Iza. Kailangan

"Bibitawan kita, Margarett. Pero pangako nandito lang ako sa likod mo naka-alalay sayo. Pagmamasdan lang kita, at kung masimplang ka man, tutulangan kitang tumayo"

Napalunok ako. Tinignan ko sya, nasa gilid ko ito, nakahawak si Iza, sa upuan ng bisekleta upang alalayan ako

Maaga kaming nagising at inaya ko nga syang magbiseklata

Halos 3 weeks na kaming nagsasama ni Iza, pero hindi pa namin to nagagawa ang isa sa mga wistlish ko

"Ito pa bang pag-babike ko ang pinag-uusapan natin?" Sabay kaming napangiti

"May iba ka pa bang nais ipakahulugan sa mga sinasabi ko?"

"Wala, pero huwag mo muna akong bitawan hanggat di ko kaya. Baka masaktan ako eh!" Double meaning ba yun?

"I won't let you go, no matter what happen! Hahawakan parin kita, Margarett"

"Tanga ka talaga! Ibig ba sabihin nun? Aandar lang ako habang nakahawak ka sakin? Paano ako uusad kung pinipigilan mo ko?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang nais kumawala sa aking mga mata

"Marga......-"

"Iza, hayaan mo ko. Alalayan mo lang ako sa umpisa at bitawan mo ko kapag kaya ko na!"

Kitang kita kong ilang beses itong lumunok bumabakas rin sa mata nito ang labis na lungkot at kirot

Yumuko sya, mas nilapit nito ang sarili nya sa akin

Mabagal nyang hinihilig ang noo nya sa kaliwang balikat ko

"I don't know what to do!" Pilit nyang kinakalma ang sarili nya "Alam ko wala akong karapatang hawakan ka. Pero Margarett, Margarett"

"Iza......" umiiyak ka ba? Napapikit ako at hinayaan ko lang sya sa ganung pwesto

Kita at ramdam ko na, na iba na ang nararamdaman ng babaeng ito sa akin

Sobrang patient nya, alam ko naguguluhan na sya. Alam ko marami na syang tanong pero hinahayaan nya lang

Tumulo narin ang luhang kanina ko pa pinipigilan.....

Isa nalang ang natitira sa wistlish ko..... at kailangan ko na ata iyon tuparin

Habang hindi pa ganun kalalim ang naibibigay kong sugat sa sa babaeng 'to

Hanggat hindi parin lumalalim kung ano mang nararamdaman ko

Habang hindi pa ko tuluyang nahuhulog....

I'm sorry, Iza. Pero mukhang kailangan na kitang bitawan.....

My WishlistWhere stories live. Discover now