Chapter 30: Investigate

28 3 6
                                    

His Side

The days passed by expeditiously. Who would have thought that we're already in our third month together?

Nandito ako sa bahay nila para salubungin ang bagong taon. Ayoko sa bahay namin, wala naman akong kasama doon bukod sa iilang maids. Wala ang mga magulang ko dahil kahit bisperas ng bagong taon ay nagtatrabaho sila.

"Ang bilis ng panahon," sabi ni Shantelle na seryosong nanonood sa mga fireworks na nagbibigay ng kulay sa langit kahit hindi pa naman nagha-hating-gabi.

"Oo nga eh." sagot ko naman, tumingin din ako sa langit.

"Ilang buwan na lang, ga-graduate na tayo." sabi niya, napaisip naman ako sa sinabi niya.

Ilang buwan na lang makakapag-trabaho na ako. Ilang buwan na lang, pwede na akong bumukod at lumayo sa mga magulang ko. Pero bigla kong naisip yung mga pangarap ko simula bata pa lang ako...

Ang maging piloto.

Hinding-hindi ko sisisihin si Shantelle kung bakit ako napalayo sa pangarap ko. Ginusto ko naman kasi siyang sundan. Pero hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko. Paano kung naging piloto ako at hindi chef? Anong buhay ko ngayon? Maliligawan ko kaya si Shantelle? Magkakagusto ba ako sa kanya? Magiging kami kaya?

"Anong plano mo pagka-graduate?" tanong ko, narinig ko naman ang mahinhin niyang pagtawa kaya napatingin ako sa kanya.

"Gusto kong mag-travel," sabi niya, napangiti naman ako habang iniisip na sabay naming iikutin ang buong mundo nang magkahawak ang kamay.

"Ano pa?" tanong ko ulit, ngumiti siya at umiling.

"Ikaw muna? Anong gagawin mo after gumraduate?" nakangiting tanong niya at tumingin sa mga mata ko. "Magpi-piloto ka pa ba?" tanong niya na nagpaisip sa akin.

Gustong-gusto kong mag-piloto, pero wala akong oras para doon. Ang gusto ko lang ngayon ay umalis sa bahay nila.

"Siguro? Kung may pera at time, why not? Pero sa ngayon, magta-trabaho at mag-iipon na lang ako. Basta gagawin ko ng lahat makalipat lang ng bahay." sagot ko, kumunot naman ang noo niya.

"Bakit? Eh buhay prinsipe ka nga sa inyo, eh." sabi niya, ngumiti lang ako ng tipid at humilig sa railings para tingnan ang baba.

"Akala mo lang 'yun." sabi ko, I guess hindi niya alam ang nangyayari sa pamilya ko. Or kung alam niya, hindi niya ipinahahalata. Simula nung maging kami, hindi namin napag-uusapan ang tungkol sa pamilya ko. Magtatanong siya, kakamustahin niya ang mga magulang ko pero tipid lang naman ang mga salitang binibitawan ko. Hindi naman siya nagtatanong kasi alam kong nire-respeto niya ako.

"Huy, pwede kang magkwento sa akin." Sabi niya at ngumiti. Hinawakan niya rin ang kamay ko.

We've been together for three months, I love the way we rely on each other every time there is a problem. Nginitian ko naman siya para alam niyang okay lang ako, pero inirapan niya ako.

"Hindi ka pa rin handang mag-open up?" tanong niya, ngumiti na lang ako at naglakad palapit sa isang upuan. Sumunod naman siya sa akin, halatang nag-aalala. Ngumiti ulit ako para bawasan ang pag-aalala niya.

"Dad said, may lalaki raw si Mama." seryosong sabi ko, pinatong ko ang mga siko sa magkabilang tuhod at ipinatong din ang baba sa palad.

"What?! Totoo?" tanong niya, nag-kibit-balikat lang ako.

"Pero mukhang si Papa naman ang may babae." Ayokong isipin 'to, pero mukhang may koneksyon si Papa at yung Grace. Pilit ko mang isipin na si Grace yung nawawalang step sister ni Papa, may hindi nagtutugma, eh.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon