Abiso

4 0 0
                                    


Sa muli nating paglayag,
Nawa'y madatnan natin ang pampang
ng maayos,
ng ligtas,
ng naaayon sa kagustuhan ng puso,
Mahirap ngang magpaalam,
Sa nakasanayan,
Ngunit sino ba namang makapagsasabing,
Kahit saan man magpunta nandiyan lang naman ang buwan,
ang araw,
ang mga bituin na minsan nating pinagmasdan,
At ang pangarap na hindi naman mawawala kahit na tayo ay mag-isa na lang,
Minsan kailangan lang pala natin ang sakit mula sa pagmamahal,
Matututunan mong piliin ang sarili at humindi sa pagmamahal na hindi pala totoo,
Wari'y panaginip lang ang lahat hindi ba?
Na wari'y ginugulo ka lang ng langit,
Hindi dahil hindi ka niya gustong sumaya...
Ilayo ka sa hindi para sa'yo.

IWhere stories live. Discover now