Chapter 01

39 17 2
                                    


Pagbukas ko ng pinto nagulat ako dahil nadatnan ko sila na nag uusap, dahil sa pag dating ko napatingin silang lahat sakin.

Mariin ang tingin na iginawad sakin ni Oliver at mas naging mariin ang tingin niya ng makita ang sugat ko sa braso ko.

"Where did you get that?"seryosong tanong niya.

Lahat tuloy sila ay nakatingin na sa sugat ko, nagtataka kung saan ko nakuha.

"Wala to."sabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Uh. Ayessa pwede mo ba akong gamutin?"si Ayessa nalang ang binalingan ko.

Bago pa sumagot si Ayessa nagsalita na si Oliver.

"Ako na. Sumunod ka sakin."sabi niya sakin at nauna ng umakyat sa kwarto.

Nginitian ko nalang si Ayessa bago ako sumunod kay Oliver sa taas sa kwarto namin, yeah magkasama kami sa isang kwarto since mag asawa naman na kami at wala naman akong pake dahil may unan naman lagi sa gitna namin.

Pagpasok ko sa kwarto naming dalawa nakita ko siyang dumiretso sa kabinet para kunin yung first aid kit namin, umupo naman ako sa gilid ng kama at hinintay siya.

Lumapit siya sakin na dala na yung kit at isang maliit na planggana na may laman na tubig at bimpo.

"Linisin muna natin yang sugat mo."sabi niya sakin at dinampian ng basang bimpo yung sugat ko.

Napapikit ako sa hapdi dahil sa ginawa niya. Tangina ang sakit, bwiset na lalaki yon pag nakita ko yon tutuluyan ko na yon.

Pagtapos niyang linisan yung sugat ko sinimulan niya ng gamutin.

"A-Aray."sabi ko dahil talagang mahapdi at masakit.

"Masakit talaga yan, tiisin mo."sabi niya na may halong inis.

Hindi nako sumagot pero napapa aray pa din ako dahil sa hapdi hindi naman ganon kalaki ang sugat ko dahil hiwa lang naman pero talagang mahapdi, ilang minuto din ng matapos siya. Binalik niya na yung mga ginamit niya bago siya naghugas ng kamay at lumapit ulit sakin.

Tinignan niya ako ng mariin at seryoso.

"Hindi mo ako sinagot ng maayos kanina."masama na ang tingin niya sakin ngayon.

"Ha?"nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Now answer me honestly. Where did you get that?"mariin niyang tanong.

Tinignan ko yung sugat ko bago ko siya sagutin.

"Pauwi nako kanina pero may dalawang lalaking gusto akong isama, kilala nila ako na a-asawa mo."medyo nailang ako ng sabihin sa kaniya. "Hindi ako pumayag syempre, kaya napalaban ako. Kaso nung pasakay nako sa kotse ko di ko namalayan na sinugod ako ulit nung isang lalaki na may kutsilyo na. Buti nalang naiwasan ko pero nadaplisan pa din ako."paliwanag ko sa kaniya nakatingin sa sugat ko.

Tinignan ko siya at nakita kong gumalaw ang panga niya umiwas din ako ng tingin ng magtama ang tingin namin.

"Next time na aalis ka sabihin mo sakin."sinabi niya yon na para bang utos at kailangan ko talagang gawin.

Tumango naman ako sakanya.

"Anyway don't worry about that just let me handle that. For now take a rest."seryoso niyang sabi.

Tumango lang ulit ako at humiga na sa kama namin. Tumayo naman na siya at pupunta na sana sa pinto ng magsalita ako.

"Oli,"tawag ko sa kaniya dahilan ng paghinto niya.

Unexpected Love Series#1 : The Loving StreetWhere stories live. Discover now