SEVEN

7.6K 249 11
                                    


PRIMOTIVO'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PRIMOTIVO'S POV

"WHAT are you doing here, dude?" tanong kaagad ni Atty. Philip Aragon, isa sa mga kaibigan ko. Nandito kasi kami ngayon sa harap ng bahay niya.

Napatingin naman siya sa kasama kong babae at sa dalawa pa naming kasama. Napansin ko ang gulat sa mukha ni Philip nang mapagtanto niya na siguro kung sino ang kasama ko. Kaya pinanlakihan niya ako ng tingin like saying, "What the fuck, dude?!"

Pero bago pa man siya makapagsalita ay ibinuka ko na ang aking bibig para magtanong, "Pwedeng magkasal si Tito Philo, 'di ba?" At mas lalo pa siyang nagulat dahil sa sinabi ko at naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak ni Avi sa braso ko. She looks scared but I know she already chose the path she wants to take, and that is with me.

But Philip did not respond and simply opened the door for us to go inside.

Hinihintay pa namin si Tito Philo, ang tatay ni Philip na isang Judge, dahil nasa Law firm pa raw nila ito. And Philip just called him to come over to his house.

Iniwan ko muna sandali sina Avi at ang mga kaibigang doktor niya sa sala habang nandito naman kami ni Philip sa opisina niya sa kaniyang bahay.

May pagtatanong sa mukha nito na syempre ay kailangan kong sagutin.

"Say it, dude," sambit ko, urging him to ask what he wanted to ask kanina pa.

"Fuck, dude! What kind of stupidity and impulsive things are you doing?" bulalas niya.

"A shotgun wedding with a famous celebrity?" sarkastiko at pabalang na tugon ko sa kaniya na mas lalo niyang ikinakunot-noo.

"Potangina mo, Primotivo!" mura niya sa akin sabay tawa, like I've just said the most hilarious joke ever.

Napangisi na lang ako, at kinuha ang apple na nasa kaniyang fruit basket, kinagatan ko iyon at tumingin kay Philip. "I don't want to be tied to my family's crazy arrangement."

"That's why you will use Avianna Alejandro, by marrying her?" tanong niya pabalik sa akin na tinanguan ko lang bilang pagtugon. Napansin ko ang pagkibit-balikat nito.

"Kung sabagay, kahit ako rin naman, I would rather marry a beauty than a witch." I couldn't help but laugh at what he just said.

"Leyla is also a beautiful lady and she is the niece of Don Victoriano Benidez."

"Eh 'yon naman pala, and to think that Don Victoriano's image shouts billions of pesos. And you are dreaming of working with him, right? Bakit hindi ka na lang magpakasal kay Leyla Benidez, total ay laganap na ang balita tungkol sa nalalapit n'yong kasal." Nakikita ko ang curiosity sa mukha ni Philip, it's visible.

"Avianna. . . she's having my baby," I simply replied to him, and took another bite of the apple I was holding.

"Fuck, dude! How come? I mean, yeah you have sex, but how—" I cut him off.

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionWhere stories live. Discover now