Chapter 2: A Wondrous Beauty

24 5 0
                                    

Jester's P.O.V.

Nakarating ako sa amusement park na pagkikitaan namin ni Reina nang mas maaga sa pinag-usapang oras.

Nakaupo ako ngayon sa bench, sa parteng walang masyadong tao at pinapanood ang mga nakasakay sa rides. Mayroong mga sumisigaw sa tuwa habang nakataas ang kamay at ang iba ay sumisigaw sa takot.

Anim na buwan. Sa loob ng anim na buwan ni isang beses ay hindi kami nagkita. May mga pagkakataong inaaya ko siya pero hindi ako nakakarating.

Marami akong inasikaso at hindi niya iyon pwedeng malaman. Hindi pa sa ngayon. Ngayon lang ako nagkaroon ng libreng oras at gusto ko sanang masulit ito nang kasama siya.

Sana naman ay walang mangyari ngayon. Kahit ngayon lang...

Okupado ang isip ko kaya't hindi ko nakita ang buong pangyayari. Natanaw ko nalang ang pagbagsak ng babaeng nakaupo sa bench sa 'di kalayuan sa balikat ng isang lalaking tinatakpan ng panyo ang kanyang bibig.

Luminga-linga muna siya para tingnan kung may nanonood ba sa kanya bago binuhat at isinampay sa balikat ang babae. Mabuti na lamang at mabilis kong nailabas ang cellphone ko at nagkunwaring may tinetext upang hindi niya ako makitang nakatingin sa kanya.

Nang makalayo-layo na sila, ibinato ko sa malapit na basurahan ang rosas na hawak ko sa pagmamadaling sundan ang lalaki.

Mabilis ang lakad niya at bumagal lamang nang makarating sa entrance ng park. Naiintindihan ko kung bakit sa entrance siya dumaan. May nagbabantay din na guard sa exit at makikita rin siya kaya parehas lang din.

"A-anong nangyari dyan?" rinig kong pagtatanong ng guard habang nakasandal ang likod ko sa malapad na puno malapit sa kanila.

"Nahilo lang sa mga rides tong girlpren ko sir." sagot naman nung lalaki na bahagyang tumatawa.

Aalis na sana siya ngunit pinigilan siya nito.

"Teka, teka. Ilapag mo nalang muna siya riyan sa upuan." Sumilip ako at nakitang tumuro ang guard sa malapit na upuan.

"Bakit naman!? Nahilo lang 'to ser, 'wag ka nang makialam!" iritang sambit ng lalaki.

"Kararating lang nyan kani-kanina e, namumukhaan ko 'yan. Hindi ka naman niyan kasama papasok rito. Tsaka pa'no ka nakapasok? Hindi kita nakitang dumaan rito a! Nasan na yung tatak mo?" nagtatakang tanong ng bantay.

Tinutukoy niya ang tatak na inilalagay sa palapulsuhan na kulay ube. Palatandaan iyon na nakabayad na sa entrance fee at pwede nang pumasok.

"Ang kulit mo 'no!? Sabi ko sa'yo 'wag ka nang makialam." mariing sambit niya.

Nagulat na lang ako nang tumumba ang guard sa sahig at nakita kong may tinago ang lalaki sa kanyang tagiliran.

Baril.

Binaril niya ang guard. Maging ako ay hindi iyon narinig dahil sa ingay ng mga sumisigaw. Marahil nilagyan niya rin iyon ng silencer.

Inantay ko munang umalis ang lalaki bago pinuntahan ang guard.

"Ayos ka lang?" tanong ko nang makalapit.

"M-may tama ako sa tyan." hirap na sagot nito.

"Umupo ka muna roon sa gilid." Inalalayan ko siya paupo malapit na upuan. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tumawag sa isang hospital.

"Maya-maya ay may darating na ambulansya. Babalikan kita." mabilis kong sambit.

Hindi ko na inantay na makapagsalita pa siya dahil nawala na sa paningin ko ang lalaki.

Clues in BlackWhere stories live. Discover now