Noon

4 0 0
                                    

" handa naman ako Klein! Kakayanin ko naman para sayo eh, mag aadjust ako, gagawin ko lahat ng walang na aabalang ibang importanteng bagay, pero bat ako lang?" Sigaw ko habang tuloy tuloy ang luha sa pag baba mula sa mga mata ko .

" hindi pa tayo sure Elaine, walang assurance, ang daming hindi pwede Elaine" sagot niya.

" Klein, bat ako kaya ko? Diba ikaw naman yung unang nagka gusto sakin? Dba?! Bat d mo kaya! Sana d mo nlng sinabi sakin na gusto mo ko kung hindi ka handa mag sacrifice ng isang bagay para sakin" bato ko sa kanya.

"Gusto mo ba talaga ko Klein?" Hirap kong tanong sa kanya " OO! Syempre gusto kita" sigaw niya " eh bat d mo kaya! Klein kung gusto mo ko, kaya mo mag sacrifice ng isang bagay para sakin, pag isipan mo naman yan Klein, nasasaktan din ako" sambit ko sa kanya.

" ako din naman Elaine, nahihirapan din ako, alam mo naman na gusto kita Elaine pero d ko kaya ibigay ang gusto mo" sabi niya " putangina Klein! Sana d ka nlng nag confess, sana d mo nlng ako pinahulog sayo! Shet naman oh!" Sigaw ko ulit, wala sya masabi.

" Klein, you never loved me the way I loved you. You just liked me when I was there, when you were stressed, I was just your resting place Klein, I was never a choice for you to begin with" sabi ko bago tumalikod paalis.

" akala ko ikaw na pipili sakin eh, akala ko ipaglalaban mo ko, akala ko naging priority mo ko. For a second I felt like a choice, I felt so important, pero hindi eh, andyan lang ako pag wla ka nang choice na iba" huling kong sinabi bago umalis.

————————————————————————
I sat up and tucked away the picture box of me and Klein.

Sayang, sya na eh, asa kanya na lahat eh, kaso d niya ko kaya panindigan. From the beggining alam ko naman na ganito mangyayari, pero I just hoped na baka iba kalalabasan.

Ano ba Elaine! It's been 3 years na, move na ghourl!

Matatapos ko na college, finally.

1st year of college was a nightmare, dun nangyari lahat ng sakit, lahat ng regrets ko sa buhay.

Ang hirap pala. Sobra.

Tumayo ako at naglakad papuntang kitchen para uminom ng tubig at kumain na rin.

*Ring ring*

My phone buzzed " hello?" Sagot ko "hoy boba halika na mag party party muna tayo" sigaw ni Jenna sa phone " ulol! Kalakas mo sumigaw, may gagawin pa ko" sagot ko sa kanya " KJ mo lola! Lika na, ilang taon ka na stuck dyan kay Klein, mag land ka naman ng iba sis" sambit niya sakin.

" hayyst pupunta jenna, tumigil ka na" sagot ko at binaba ang phone. Lumakad ako papunta sa kwarto para mag bihis.

Simple lang naman suot ko, high wasited ripped jeans with a black sleeveless crop top, with a denim jacket overlay. Hindi na ko nag make up nang buo, liptint lang at nag tali ng buhok.

Tinext ko si Jenna para sunduin ako sa apartment.

Tumawag ulit si Jenna " oy boba hindi ako susundu sayo" sabi niya " ano? Tanga ka ba, naka handa na ko" sagot ko " si Claire susundu sayo tanga" sagot niya "ah sige, sorry naman po, galit agad" biro ko sa kanya at bigla niya binaba phone

Mabilis din maasar tong si Jenna ehh, kalog kasi charr lang baka batukan ako nun.

Nagintay ako ng mga ilang minuto bago dumating si Claire " oy gaga! Nag paparty party ka na pala ngayon?" Biro ni Claire sakin bago ako sumakay sa sasakyan niya " oo gaga, d naman forever stuck ako kay Klein" sagot ko " buti naman alam mo, sisipain na kita pag d ka nag move on sa gago na yon eh" sambit niya at napatawa ako.

Ganyan si Claire, protective and caring sa mga taong especial sa kanya. Oo walang filter bibig niyan pero d ibig sabihin walang respeto yan. Ganon lang ang way niya na pagpapakita na may pakealam siya. Naawa nga ako minsan dahil mabilis siyang ijudge ng mga tao. Mabait yan, may pagka suplada lang.

* Ring Ring * tunog ng cellphone ko " hello?" Sagot ko " oh bes asan na kayo? Na gaga na tong si Jenna bilisan niyo" sabi ni Hanna " papunta na, kakasundo lang sakin ni Claire, sabihin mo kay jenna sisipain ko siya pag lasing na sya" sagot ko kay Hanna " sige sige" sabi niya bago ibaba cp.

" oh ano sabi ni hanna?" Tanong ni Claire na narinig phone call namin ni Hanna " na lalasing na si gaga, d tayo inintay, alam mo naman yonn" sagot ko sa kanya at tumawa siya " hayaan mo na malasing yon sabado naman tska stressed na lola mo sa mga plates" sabi ni Claire " ano nga ba nangyari don kay Jenna, hindi naman nag sasabi saken" tanong ko kay Claire " kwento ko sayo mamaya" sago niya at tuloy nag drive.

Sa wakas naka rating na kme sa bar na sinabi ni Jenna, nakita ko agad si jenna sa isang table kasama si Hanna na mukhang pagod na pagod.

" oy, anyare dyan?" Tanong ko kay Hanna na nag buntong hininga bago sumagot " eh stressed na stressed kaya yan, parang baliw, tignan mo" sagot niya sakin at umupo " hoy gaga ka! Nag imbita ka tas lasing ka na pala" sambit ko sa kanya at bigla siyang tumawa, na babaliw na ata.

Umupo na din ako at tinanong kay Claire kung ano ba talaga nangyayari dito kay Jenna, passed out si Jenna kaya kinwento na sakin ni Claire.

" nag simula kasi yan nung nag break kayo ni Klein, ayaw niya pasabi sayo pero nung time na yon wala syang matakbuhan, yung ka fling niya si Carl iniwan siya bigla at yung kaibigan niya sa school niya nilaglag siya kaya yan nababaliw na" sabi ni Claire.

Shet, wla kong masabi, bestfriend ko pa naman toh, tas wala pa ko nug kinakailangan niya ng masasandalan. Sorry Jenna ang dami kong na miss out dahil masyado kong problemado kay Klein noon. Nag kulang ako bilang kaibigan mo Jen, sorry talaga.

" oh anyare sayo? Bat parang wala ka masabi ha?" Tanong ni Claire " shet, andami kong pag kakamali sis " sabi ko kay Claire " ganun talaga Elaine, may problema ka din naman noon, kaya ayaw pasabi ni Jenna yan dahil nga ang bigat na ng nararamdaman mo, kaya wag mo na sisihin sarili mo" sabi ni Hanna.

Kahit na, dapat andun ako para sa kanya. Shet d ko sila deserve. Ang selfish ko talaga, ano ba Elaine!

" mag party nalng tayo Elaine, wag mo na isipin yon, d ka naman sinisisi ni Jenna, tska choice na hindi sabihin sayo yon" sabi ni Claire bago ko bigyan ng Miller.

Napainom nalang ako para d halata yung feelings ko, pero d ko parin mawala sa isip ko yung sinabi ni Claire. Sobrang guilty ako, ang sama ko, shet ANO BA ELAINE?!?!?

Sorry jenna, i'll make it up to you, in person or secretly...

Sa ibang mundoWhere stories live. Discover now